KABANATA 21

1.2K 15 2
                                    

KABANATA 21

“Have a sit, Mr. Sandoval,” I said while smiling to the man who is in front of me right now.

Pansin ko ang mga tingin niyang tila sinusuri ang kabuuan ko. Maaring sa mga oras na ito ay hindi siya makapaniwalang magkakaharap kaming dalawa ngayon matapos ang ilang taon.

“So, you are here for?” pagsisimula kong sabi habang hindi nakatingin sakanya.

“I’m here to have a partnership with Valderama Hoteliere, and since you are the CEO, I guess papayag ka?” kumbinsido niyang saad muli dahilan para mag-angat ako ng tingin at taasan ko siya ng kilay.

Sandaling namutawi ang katahikan sa pagitan naming dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang kayabangan ngayon, kaya naman bago pa ako ma-suffocate sa presensiya niya ay nagsalita na ako ulit.

“Don’t you think you are being overconfident, Mr. Sandoval? How can you be so sure na papayag ako sa partnership na gusto mo? Is your company even good to have your guts to say that? Baka naman mamaya e bumagsak kami, dahil sa pagkakaalala ko, palpak ka sa lahat ng bagay!” nakataas-kilay kong sabi nang hindi nakatingin sa kaniya.

“Where have you been, Erem?” seryosong tanong niya na hindi ko inaasahan. Umakto na lang akong hindi narinig ang tanong niya ‘tsaka na itinuon ang atensyon sa laptop para ipakita sa kaniya ang design ng bagong building na itatayo namin.

“So as you can see Mr. Sandoval, here’s my sample design for our upcoming project. Take a look at kung may suggestion ka, sabihin mo kaagad sa akin,” seryoso at pormal kong saad sabay balik ng tingin  sa kaniya. Saktong nagtama ang tingin naming dalawa na mabilis ko ring iniwasan.

“Hindi mo ba ako balak kumustahin muna, Erem? Talagang trabaho ba kaagad ang pag-uusapan natin?” may iritasyon sa boses niyang tanong dahilan para taasan ko siya ng kilay.

“Mr. Sandoval we’re on a meeting at this time, hindi tayo nandito para mag kamustahan dalawa,” seryoso kong tugon sa kaniya, “At ‘tsaka bakit kita kukumustahin? Importanteng tao ka ba sa buhay ko?!” may sarkasmo sa boses kong saad muli.

“Nasaan ang lalaki mo?!” galit na tanong niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Ang lakas naman ng loob niyang magtanong ng ganoon sa akin gayong ngayon pa lang ulit kami nagkita after five years! Ang tagal na ng lumipas at hindi pa rin talaga siya nagbabago, mayabang pa rin at mapanghusga!

Kaagad na sumidhi ang inis ko sa kaniya dahil sa naging tanong nito pero dahil ayaw kong magpaapekto sa kaniya, umakto akong walang pakialam kahit pa gusto ko na siyang itulak paalis ng opisina at huawag nang ituloy ang meeting namin.

“You can leave my office now, tapos na ang meeting natin. I declined your partnership offer Mr. Sandoval!” may awtoridad kong sabi.

“Bakit ayaw mo? Dahil ba ayaw ng lalaki mo at plano mo lang na paasahin ako?! I fucking need this partnership, Erem! I need Valderama Hoteliere para maging CEO na ako!” galit na galit niyang sigaw sa akin.

Ang kapal talaga ng mukha. Kung hindi sana ako ganito kausapin ay hindi naman aabot sa ganito ang lahat.

“I don’t care, Lucas! Leave my office now!” sigaw ko rin pabalik sa kaniya, “Hindi ako makikipag-partnership sa inyo lalo na sa iyo!” segundang sabi ko.

Tumawa siya nang malakas na may pang-aasar.

“Dahil ba ayaw ng lalaki mo ha, Erem?!” akusa niya sa akin habang nanlikisik ang mata sa galit.

Napa-iling na lang ako sa mga akusasyon niya.

“Oh c’mon Erem, tell me. Sino ang lalaki mo?” nakangising tanong niya ulit. Halatang gusto akong inisin at galitin pero sorry na lang siya dahil hindi na ako iyong dating Erem na kilala niya. Hindi na ako basta-basta maapektuhan sa mga sasabihin niya.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon