KABANATA 9

974 12 1
                                    

KABANATA 9

Labag sa loob ko lahat ng kaganapang nangyayari ngayon sa buhay ko at pilit ko mang tutulan ang lahat ng iyon ay wala akong magawa, dahil kahit isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay walang nakakaalam tungkol sa paghihirap na nararanasan ko.

Sana pala sinabi ko kay Julie ang lahat noong simula pa lang, para may sasagip sa aking kaibigan.

Natuloy sa Italy si Lucas kasama si Nikki kagaya ng plano niya. Masakit sa akin na kaya akong iwan at balewalain ng asawa ko para sa ibang babae pero wala akong magagawa. Asawa lang ako sa batas at papel at hanggang doon na lang ang katayuan ko para kay Lucas.

Sa kapirasong papel lang nakasaad na akin siya, pero ang totoo ay pag-aari ng iba ang puso ni Lucas.

Ayaw ko sa bahay ng magulang ni Lucas! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pilitin na manatili, dahil kung hindi ay bugbog na naman ang aabutin ko oras na umuwi si Lucas.

Isang linggo si Lucas sa Italy kaya isang linggo rin akong mananatili sa bahay ng mga magulang niya. Sa apat na araw ng aking pananatili ay gusto ko nang umuwi.

Bukod kasi sa hindi ako komportable sa paligid, hindi rin ako kampante sa presensiya ng daddy ni Lucas. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang sigurado ako, parehas sila ni Tiyo Robert na may masamang pakay sa akin. Mapanghusga man kung ituturing pero iyon ang nararamdaman ko. Kahit gusto kong umalis sa bahay ng mga Sandoval, wala akong magawa dahil binilin din ni Lucas na huwag akong hayaan na makalabas.

Wala akong ginagawang mali pero hindi ko alam kung bakit ginagawa akong preso ng asawa ko. Kung may kakayahan lang sana akong bumalik sa nakaraan, pipiliin kong makabalik na lang sa dati kong buhay, kung saan kahit madalas akong murahin at saktan ni Mama, nagagawa ko pa ring ngumiti at lumaban araw-araw.

Mag-isa akong kumain ng hapunan kaya naman pinili kong sa kusina na lang maupo at kumain nang tahimik, tutal naman ay wala akong ibang kasabay sa malaking dining table. Gusto akong pagsilbihan ng mga kasambahay pero pinigilan ko sila dahil kaya ko naman ang sarili ko, at hindi na dapat pang iasa sa kanila ang kung anuman na kailangan ko.

Habang kumakain ay abala ako sa pag-scroll sa isang social media account ko nang biglang nakita ko ang isang post mula kay Nikki, picture nila iyon ni Lucas habang magkayakap at kapwa nakangiti sa harap ng camera.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil nasasaktan akong makita na masaya si Lucas kasama ng iba. Nag-uumpisa nang mamuo ang mga luha sa mga mata ko dahil kahit nasasaktan ako ay patuloy ko pa rin na tinitingnan ang iba pa nilang pictures.

Hindi na ako magtataka kung magkakaroon ng issue si Lucas dahil sa mga pictures nilang magkasama ni Nikki at nasisiguro kong ako na naman ang gagawing panangga ng mommy niya para linisin at ayusin ang eskandalong maidudulot ni Lucas sa pamilya nila.

Hirap na hirap na akong gumising araw-araw dahil sa totoo lang ay nawawalan na ako ng pag-asang maging maayos pa ang lahat. Wala lang talaga akong choice dahil nangako ako sa sarili kong hangga’t kaya kong gawin para kay Lucas ay gagawin ko. Isa pa, siya na lang din ang nayroon ako.

Tuluyan nang umagos ang luha na kanina ko pa pinipigilan dahil kasunod ng post ni Nikki ay ang kay Lucas naman ang nakita ko. Yakap niya ito sa baywang at nakahalik sa pisngi ni Nikki. Ang pinakamasakit pa ay ang caption sa post na ‘I love you, my angel’ dahilan para mapahagulgol ako ng iyak habang mag-isang kumakain sa kusina.

Akala ko ay ayaw niya kay Nikki kaya kahit noong mag kaibigan pa lang ang turingan namin sa isa’t isa ay hindi ako nagselos, kasi sabi niya ayaw niya sa babaeng puro make-up at arte lang ang alam gawin sa buhay. Pero akala ko lang pala iyon. Dahil simula ngayon, malinaw na sa akin na mahal niya si Nikki.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon