KABANATA 6

1K 15 0
                                    

KABANATA 6

Nang makarating kami sa bahay ay kaagad na bumaba ng kotse si Lucas pagka parada niya ng kotse niya at basta na lang akong hinila sa buhok hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.

“Lucas nasasaktan ako! Ano ba?!” naiiyak kong sabi pero wala siyang pakialam.

“I told you not to go to school, pero ginawa mo pa rin at talaga. May lakas ka pa ng loob na magpakita sa akin!” galit na galit niyang sabi saka ako tinulak dahilan para masubsob ako sa coffe table.

“Finals na Lucas at alam mo iyan… Hindi puwedeng masayang ang mga pinaghirapan ko,” puno ng tapang kong sagot sa kaniya.

“Hindi ka na dapat nag-aaral Erem! Isa pa, asawa na kita kaya dapat sinusunod mo ang mga gusto ko!” giit niya sabay hila sa buhok ko.

“Sinusunod naman kita Lucas ah! Pinagsisilbihan pa nga kita,” sabi ko dahilan para mas sabunutan niya pa ako.

“Nasasaktan ako Lucas! Ano ba?! Bakit mo ba ako ginaganito? Wala naman akong ginawang mali sa iyo!” Hindi ko na napigilang umiyak.

Kahit anong pilit ko na alisin ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa buhok ko ay hindi ko magawa, dahil bukod sa matangkad siya ay ‘di hamak na mas malakas siya sa akin. Hila-hila niya ako paakyat sa kuwarto niya.

“Wala kang ginawa Erem, sigurado ka? Baka nakalilimutan mong dahil sa iyo, nasira ang buhay ko!” sigaw niya sabay tulak ulit sa akin nang tuluyan niyang bitawan ang buhok ko nang makarating kami sa kuwarto niya, bagay na ipinagtataka ko dahil mula nanh tumira kami nang magkasama ay ayaw na ayaw niyang pumapasok ako sa kuwarto niya.

“Hindi ko sinira ang buhay mo, Lucas. Ang mga magulang mo ang may gustong ikasal ka nang maaga!” pasigaw kong sagot sa kaniya dahilan para pigain niya ang buong mukha ko gamit ang palad niya at hila muli sa buhok ko.

“Hindi ako naniniwala sa iyo, Erem, dahil sigurado akong ikaw ang pumilit sa kanila na ikasal sa akin! In the first place, of all woman I know, bakit sa iyo nila ako ipinakasal? Wala ka namang kuwentang babae! Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng tao ka, kaya huwag mong sabihin na sila mommy at daddy ang may gusto na ikaw ang maging asawa ko!” mahaba niyang sabi sabay ngudngod naman ng mukha ko sa kama.

“Hindi na talaga ikaw ang Lucas na kilala ko noon, dahil sa pagkakatanda ko, iyong Lucas na nakilala ko sa waiting shed, mabait at mukhang hindi kayang manakit ng babae. Pero ngayon? Halos hindi ko na maalala kung kailan mo ako hindi sinaktan! Ang Lucas ngayon na nakikita ko ay isang malupit na demonyo!”

Hindi ko alam kung paanong nasabi ko pa iyon kay Lucas kahit takot na takot ako sa puwede niyang gawin sa akin. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lumaban sa kaniya ngayon. Basta ang alam ko lang, nakapapagod rin palang manahimik at magtiis dahil hindi naman sa lahat ng oras ay matapang ako.

“Nagtataka ka kung bakit ako ang ipinakasal sa iyo at ang asawa mo ngayon?  Simple lang Lucas, ako ang asawa mo kasi pinili kong mahalin ka dahil iyon ang nararamdaman ko, bagay na hindi na lang sana dahil nagsisisi na ako nang sobra ngayon. Kasi iyong Lucas na nagustuhan at minahal ko noon ay isa ng demonyo sa mga mata ko. Ask your own mother why we’re in this situation, at kapag nakakuha ka ng sagot mula sa kaniya, ‘tsaka mo sabihing ako ang sumira ng buhay mo!” matapang kong sabi kahit na ang totoo ay kinakabahan ako.

Akmang lalabas na sana ko ng kuwarto niya nang marahas niya akong hinila sa damit at tinulak ulit sa kama bagay na ikinakabog pa lalo ng dibdib ko, dahil pakiramdam ko ay may iba siyang gagawin sa akin bukod sa sasaktan ako nang pisikal.

“Demonyo pala ha? Puwes ipakikita ko sa iyo ang tunay na demonyo!” galit na galit pa rin niyang sabi sabay hawak sa dalawang kamay ko, matapos akong ihiga ng pilit sa kama.

“Lucas ano ba itigil mo na ito!” naiiyak kong sigaw.

“Demonyo ako, ‘di ba? Ngayon, magdusa ka!” saad niya ulit sabay halik ng pilit sa leeg ko.

Nag-uunahan na pumatak ang mga luha ko at halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko habang nakikiusap kay Lucas na itigil ang ginagawa niya.

Kahit anong pumiglas ang gawin ko ay hindi ako makawala sa kapit ni Lucas.

“L-Lucas tama na itigil mo na, naki— nakikiusap ako sa iyo p-please!” utal kong sabi habang walang humpay na lumuluha.

Hinahalikan niya ako mula sa leeg pababa sa dibdib ko kung saan ramdam ko ang bawat sakit dahil sa diin at dahas ng bawat kilos niya, tila paos na boses ko habang nagmakaawa sa kaniya.

“I won’t stop Erem dahil ipalalasap ko sa iyo kung ano ang kayang gawin ng isang demonyong sinasabi mo!” sabi niya habang nakangisi at unti-unting bumababa ang tingin sa dibdib ko.

“Lucas please,” umiiyak ko pa rin na pakiusap ngunit sa halip na tumigil siya ay sinampal niya lang ako nang malakas bago tuluyang punitin ang suot kong maxi dress.

“Huwag L-Lucas, parang awa mo na!” pakiusap ko ulit habang nagpupumiglas pa rin.

Pero masyado na siyang bingi at kinain ng galit sa akin dahil kahit anong pakiusap ko ay hindi siya tumigil. Ginawa niya kung ano mang gusto niyang gawin sa akin at sa katawan ko na hindi ko inaasahan at naisip kailanman na magagawa niya sa akin.

Nakuha ang niya pinakainiingatan ko bilang isang babae! Ginalaw niya ako kahit pa anong pakiusap ko na huwag… At dahil doon, tuluyan na siyang naging demonyo sa paningin ko.

Umiiyak lang ako habang patuloy siya sa ginagawa sa ibabaw ko, umaasa na tumigil siya at humingi ng tawad dahil ginawa niya ang bagay na hindi ko inaasahang magagawa niya.

Pakiramdam ko tuloy bigla ay ang dumi-dumi kong babae.

Galit ako sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit sinasabi ng puso kong hintayin na magbago si Lucas… Na magtiis tutal ay mahal ko naman siya.

Ganito ba ang ibig sabihin ng pagmamahal? Kailangan masaktan nang paulit-ulit bago mahalin? E kung ganoon, masyado pala talagang masakit ang magmahal.

Nang makaraos siya ay kaagad siyang umalis ng kama at tumingin sa akin habang natatawa.

“I didn’t know that you’re a virgin. Akala ko kasi ay pinagsawaan ka na ng marami,” sambit niya sabay suot na muli sa pantalon niya.

Iniwan niya akong hubo’t hubad sa kama habang siya ay nakatayo lang at tumatawang tumingin sa akin, kaya naman pilit kong inabot ang kumot at ibinalot sa katawan kong hubad habang may mumunting hikbi na pinipigilan.

Sa pagkakataon na ito, magkukunwari o magsisinungaling na muna ulit ako sa sarili ko. Paniniwalain ko na lang ang sarili kong ginawa namin iyon nang naayon sa gusto at desisyon naming dalawa. Ginawa namin iyon dahil mahal namin ang isa’t isa para nang sa ganoon ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

I never thought that Lucas will hurt me so bad. Hindi ko naisip na kaya niya pala talagang gawin sa akin ang ganoon.

Ang hirap-hirap namang magmahal!

Nang tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto ay ‘tsaka lang ako humagulgol ng iyak habang yakap-yakap ang sarili sa ilalim ng kumot.

“Ayaw ko ba na!” sambit ko sa sarili pero kahit na anong pag-ayaw ko, alam kong mahihirapan akong umalis dahil hindi ko alam kung bakit masyado kong mahal si Lucas.

Hindi ko tuloy maiwasan na maisip na kung alam kaya niya ang totoo, magiging ganito pa rin kaya ang trato niya sa kin o baka sakaling sa mga panahon na ito kahit paano ay masaya kami?

Sana alam na lang niya para hindi ako nahihirapan at nasasaktan.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon