KABANATA 3
Magulo ang utak ko at tanging si Lucas lang ang makasasagot ng mga katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa isipan ko.
Sa dami ba naman kasi ng kalokohan na ginawa niya sa tuwing nakikipag-inuman siya sa bar, bakit kailangan pang gumawa ng ganoon at makipagsiping sa iba? At ang pinakadahilan pa ng pagkagulo ng isip ko ay kung bakit mukha ko ang nasa video…
Lumipas ang apat na araw at walang Lucas ang nagpapakita sa akin kahit pa ginawa ko na ang gustong mangyari ni Mrs. Sandoval. Inako ko ang issue at humarap sa media para sabihing ako ang babaeng kasama ni Lucas sa video na kumakalat. Sinabi ko rin na matagal na kaming may relasyong dalawa dahilan para mas lalo akong pag-usapan sa University.
Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong umatras na gawin ang bagay na iyon dahil bukod sa alam kong pagsisisihan ko ang lahat sa huli, masisira ang pagkakaibigan namin ni Lucas at nasisiguro kong magagalit siya nang husto sa akin.
Samu’t saring komento ang natanggap ko matapos na sabihin ang tungkol sa amin ni Lucas, bagay na hindi ko matatakasan at maiiwasan pa dahil ang nag-iisang Lucas Sandoval ay may kasintahan na galing sa mahirap at hindi kilalang pamilya.
Simula nang kumalat ang video, hindi na nawala sa pandinig ko ang matawag akong malandi at nasa loob raw ang kulo. Gusto ko man silang sapakin lahat kaya lang ay wala na rin namang saysay para makipag-away pa kasi hindi na mababago ang tingin nila sa akin.
Sinubukan kong komprontahin si Mama noong araw din mismo na kinausap ako ng mommy ni Lucas, pero bigo ako dahil pag-uwi ko ay wala na akong naabutan sa bahay namin kung hindi ang mga lumang gamit na iniwan na lang nila basta ni Tiyo Robert.
Tanging nasabi ko na lang sa sarili ay iniwan nila ako— iniwan ako ni Mama para sa pera at pansariling kapakanan.
Masakit sa dibdib ko ang ginawang iyon ni Mama at para pagtakpan ang nararamdaman na iyon, nagsinungaling ulit ako sa sarili kong baka nagawa niya lang iyon dahil nasabik siya pera at kapag kuwan ay uuwi ulit sa bahay at aawayin ako.
Dumating ang araw ng mismong kasal kung saan blangko ang utak ko at wala ako sa sistema. Pinasundo ako ni Mrs. Sandoval sa mga tauhan niya, inayusan at tinuruan sa mga dapat gawin kapag oras na ng seremonya ng kasal.
Wala akong alam sa naging preparasyon dahil hindi rin naman hiningi ang aking suhestiyon. Basta ang alam ko lang, engrande at bongga raw ang kasal na nasisiguro kong ginawa para ipakita sa lahat na walang problema at matapos ang issue at eskandalo.
Isa pa, bukod kay Julie ay wala naman na akong ibang kakilala sa mga dadalo sa kasal na ito.
Nag-umpisa akong maglakad papuntang altar kung saan tanaw ko si Lucas na nakasuot ng gray suit na may seryosong seryoso na mukha. Kung sanang maayos lang ang lahat, paniguradong ako ay puno ng galak at tuwa ang puso ko at mangiyak-ngiyak pa ako habang naglalakad sa aisle papunta sa kaniya sa harapan ng altar, dahil sa wakas ay ikakasal ako sa lalaking matagal ko nang gusto at palihim na minamahal… Pero hindi man tulad ng inaasahan dahil kahit gusto ko si Lucas ay hindi ko magawang maging masaya na ikakasal kaming dalawa sa ganitong sitwasyon.
Sobra-sobra ang kaba ko nang magkaharap na kaming dalawa sa altar habang hawak niya ang kamay ko, dahil matapos ang dalawang linggo nagkita rin ulit kaming dalawa.
“Lucas,” nakangiti kong saad nang magtama ang mga mata namin na siya namang mabilis niyang iniwasan matapos na hawakan nang mahigpit ang kamay ko.
Hindi ko makuhang maging masaya at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba at takot matapos kong makita ang galit sa mga mata ni Lucas malayo sa tingin niya noon sa akin na puno ng tuwa.
“I now pronounce you, husband and wife.”
Natapos ang kasal na halos hindi kami nag-uusap at ngingiti lang sa harapan ng mga bisita kung kailangan, pero pagkatapos noon ay tinatalikuran niya na ako para makipag-usap sa ibang bisita.
Nang gabing iyon, magkasama na kaming umuwi sa bagong bahay na regalo pa mismo ng daddy ni Lucas para daw sa aming dalawa.
“Lucas mag—“ Hindi ko natuloy ang dapat na sasabihin ko dahil sa biglaang pagsampal sa akin ni Lucas na talagang ikinabigla ko.
“You agreed with this fucking marriage so you better be ready with my anger, Erem,” matigas niyang sabi bago ako iwanan na mag-isa sa sala ng bahay at nag tuloy-tuloy sa ikalawang palapag ng bahay.
Sa unang pagkakataon simula nang maging magkaibigan kami ni Lucas, ngayon ko lang nakita ang sobrang galit sa mga mata niya— galit na nagbigay sa kaniya ng dahilan para saktan ako at bagay na hindi ko inaasahang masusundan pa nang masusundan sa bawat araw na magkasama kaming dalawa bilang mag-asawa sa iisang bubong.
I became a battered wife without an explainable reason.
I accepted all the punches, slaps and insults that I’ve never expected to hear from him.
I couldn’t defend myself, because every time I tried to do so, he hurt me more until I scream in so much pain.
Malayo ang nangyari sa ipinangako sa akin ng mommy ni Lucas. Iyong pangako niyang komportable at maayos na buhay kasama si Lucas ay hindi nangyari at sa bawat araw na dumaraan gusto kong bawiin ang araw at oras na nakilala ko si Lucas Sandoval.
Aminado akong may gusto ako sa kaniya at mahal ko siya pero sa pagkakataon na ito, ibang Lucas ang palagi kong nakikita. Isang Lucas na kahit minsan ay hindi ko inaasahang magagawang saktan ako nang walang dahilan at sapat na rason.
Simula nang saktan at pagbuhatan niya ako ng kamay, puro na lang takot ang nararamdaman ko sa kaniya lalo na sa tuwing umuwi siya galing sa University o kaya ay uuwi siya nang lasing kaya para pakalmahin ang takot kong puso mula sa pananakit niya, pinapaniwala ko ang sarili ko sa isang kasinungalingan na hindi naman masakit ang bawat sampal, sipa at suntok niya sa akin at higit sa lahat, nagsisinungaling ako sa sarili ko na okay lang ako para kunwari ay hindi ako nasasaktan.
Nasanay na lang akong magsinungaling araw-araw na sa mga susunod ay hindi na niya ako sasaktan. Sa bawat pananakit na ginagawa niya, nasanay na lang akong itago ang lahat ng sakit at hinagpis sa kasinungalingan na baka isang araw ay maiisip niya rin kung sino ako sa buhay niya kahit bilang isang kaibigan lang.
I am Erem Blythe Valderama-Sandoval, battered wife of Lucas Sandoval.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...