KABANATA 17

1.1K 14 3
                                    

KABANATA 17

Two days had passed at hanggang ngayon, wala pa ring malay si Erem and according to her doctor, dahil daw sa bugbog na natamo niya ng ilang beses kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising.

Sa dalawang araw na nagdaan ay hindi ako umalis ng ospital kaya naman hinatiran lang ako ni Mommy ng ilang gamit. Bukod kasi sa ayaw kong umalis hangga't hindi nagigising si Erem, hindi rin nawawalan ng mga taga-media sa labas ng ospital.

Nagtataka ako dahil sabi ni Mommy na siya na ang bahala sa mga iyon, pero dalawang araw na ang lumipas, mukhang hindi pa patay ang issue tungkol sa pagkaka-ospital ni Erem.

"Good morning, Mr. Sandoval," pukaw ng doctor sa atensyon ko na hindi ko namalayang nandito pala sa loob ng kuwarto.

"Good morning, Doc," walang emosyon kong tugon sa kaniya.

"I'm just here to tell you something about Mrs. Sandoval's relative. Nakarating sa kaniya ang nangyari and he wants to file a case against you... I am the one telling you this because he asked me to deliver his message to you," seryosong sambit ng doktor habang kay Erem nakadako ang tingin nito.

"What are you talking about, Doc? Wala ng kamag-anak ang asawa ko. Sino siya at bakit hindi siya ang humarap mismo sa akin para sabihin ang gusto niyang sabihin?!" galit kong sabi.

"I can't tell you who he is Mr. Sandoval, but for now I want you to know that Mrs. Sandoval will be under his property and care when she wakes up. I need to go now dahil may iba pa akong pasyente," mabilis na tugon niya sa akin bago tuluyang nagmartsa palabas ng silid.

Napahilot ako sa sintido ko nang basta na nga lang akong tinalikuran ng doktor matapos sabihin sa akin ang tungkol sa kamag-anak ni Erem na gusto akong kasuhan. Sa pagkakaalam ko ay walang ibang kamag-anak ang babaeng ito dahil bukod sa nanay niyang hindi malaman kung nasaan e mag-isa na  lang talaga siya sa buhay. Kung sino man ang lintik na iyon, sigurado akong pera lang din ang habol niya sa akin.

Nakatayo ako malapit sa hinihigaan ni Erem nang unti-unti kong napansin ang paggalaw ng daliri at pagdilat ng mga mata niya, kaya naman mabilis akong tumawag ng nurse na puwedeng tumingin sa kaniya.

Kaagad namang dumating ang mga nurse at doctor para tingnan siya, habang ako naman ay seryoso lang na nakatayo sa isang gilid habang hinihintay silang matapos sa ginagawa.

Ang kaninang inis at galit na naramdaman ko dahil sa sinabi ng doctor ay napalitan ng halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag. Gising na si Erem at sigurado akong ang una niyang itatanong ay ang tungkol sa anak niya na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya.

"Lucas," dinig kong tawag sa akin ni Dad na siyang tinawagan ko kaagad kanina.

"She's awake, Dad," maikling sambit ko sa kaniya sabay balik ng atensyon kay Erem na ngayon ay tulala lang nanaka tingin sa kisame.

"She's okay now at kailangan niya lang ng pahinga. Bawal siya mapagod as of now dahil naghihilom pa lang ang mga sugat niya. Most importantly, no more stress for her, okay? I will take my leave now,"  paalala ng doctor tungkol sa kalagayan ni Erem.

"Thank you, Doc Santos," tugon naman ni Dad sa kaniya habang nakikipagkamay at kapag kuwan ay kaagad na nagmartsa palabas.

"How is she? Finally! She's awake at puwede na siyang humarap sa media. Hindi ko sila mapatigil at mapatahimik so I guess Erem should do it again. Face the media and tell them that Lucas is innocent, na hindi siya sinasaktan ng asawa niya," seryoso at mabilis na sabi ni Mommy na tila walang pakialam sa kondisyon ni Erem sa mga oras na ito.

"Amanda!" malakas na tawag ni Dad sa pangalan ni Mommy.

"You're so insensitive, Hon, kagigising niya pa lang at hindi pa maayos ang lagay niya!" galit na sabi ni Dad habang nakapamaywang na nakatayo sa harapan ng kama ni Erem.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon