KABANATA 25
Nang araw ding iyon ay pinili kong pumasok sa opisina para gawin ang mga trabahong nakaatang sa akin.
Sumasagi kasi sa isip ko na baka hindi ibalik sa akin ni Lucas si Cianna, kaya ginawa ko na lang abala ang sarili ko kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano.
Nasa social media pa rin ang article na kumalat tungkol sa akin at kay Daddy bilang sugar daddy ko umano pero hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin dahil alam ko namang lilipas din ang bagay na iyon.
Lumipas ang buong araw ko na nasa opisina lang ako dahil bukod sa binabaling ko sa iba ang atensyon ay dini-distract ko rin ang isip ko sa mga bagay na alam ko na posibleng mangyari lalo ngayong alam na ni Lucas ang tungkol sa anak namin.
Natatakot akong baka kunin at ilayo niya sa akin ang anak ko. Bilang isang ina ay hindi maalis sa akin ang mag-isip at mag-alala, dahil kilala ko si Lucas at alam kong gusto niyang makuha lahat ng kahit anong gustuhin niya.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa opisina ko at pumasok si Daddy. Sumama kasi siya ngayong araw sa akin dito sa trabaho para tapusin ang mga kailangan niyang tapusin.
“Sweetie, it’s already seven o’clock in the evening,” he said and seated on the swivel chair in front of me, “You skipped your lunch, Blythe!” May bahid ng pagkamaawtoridad sa boses niya. Ang punto kasi ni Dad ay nalilipasan ako ng gutom.
“I just got busy Dad,” pangangatuwiran ko.
“Saan ka naging busy? Sa pagtulala buong araw dito sa office mo?! Come on, anak I know you. Alam kong iniisip mo si Lucas,” nanunudyong sambit ni Dad, dahilan para mapaayos ako ng upo at gulat na tumingin sa kaniya.
“Of course not, Dad!” mabilis kong depensa sa kaniya.
“So defensive,” natatawang sabi ni Dad kaya naman inirapan ko siya, “I didn’t expect that you will let my apo to be with Lucas today, but I guess I’m wrong,” biglang seryosong sabi ni Dad.
“Cianna wants to be with him, Dad. Alam at ramdam ko iyon kahit hindi niya sabihin,” sagot ko.
“Oo nga pala, Lucas called me earlier para sabihing nakauwi na sila,” imporma sa akin ni Dad.
“Thank God, inuwi niya ang anak ko! Let’s go home na Dad. I miss Cianna! Siurado ako na maramimg ikukuwento sa akin ang batang iyon,” I said while gathering all my things that scattered on my office table. Masyado kasi akong marami ginawang trabaho kanina kaya naman halos nakasabog ang ilan sa mga gamit ko.
“Blythe, I know you’re thinking about something. So tell me, what is it?” seryosong tanong ni Dad sa akin. Tanong na alam ko na hindi lang siya interesado sa isasagot ko kung hindi concern siya at gusto niyang iparamdam sa akin na karamay ko siya sa lahat.
Mula nang makilala at makasama ko si Dad, hindi siya palaging nagtatanong kung kumusta ako, pero madalas niyang iparamdam sa akin na kasama ko siya sa lahat ng bagay— karamay ko siya sa lahat ng sakit at lungkot sa buhay at higit sa lahat, palagi siyang handa na umalalay sa akin sa tuwing nalulungkot at nahihirapan ako.
“Mahal mo pa ba siya?” muling tanong sa akin ni Dad gamit ang pinakaseryoso niyang boses.
“Mas mahal ko na ang sarili ko Dad,” tugon ko na lang.
“So mahal mo pa nga siya anak?” biglang saad ni Dad
“Mas mahal ko nga ang sarili ko Dad. Mas mahal ko si Cianna at ikaw,” sagot kong muli sa tanong ni Dad.
“What if Lucas will ask you for a second chance, ibibigay mo ba?” tanong muli ni Dad.
“Why are you asking these questions ,Dad? Alam mo naman iyong mga dinanas ko sa kaniya, ‘di ba?!” may inis sa tono kong sagot.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...