KABANATA 10
“At sinong nagsabi na puwede kang umalis sa bahay na ito Erem?!” mataray na tanong sa akin ni attorney Amanda habang pababa ako ng hagdanan at bitbit ang bag ko. Mababakas sa mukha niya ang pagka-inis sa akin dahil sa mga oras na ito ay sinusuway ko ang mga gusto niya pati na rin ang bilin ni Lucas.
Pero wala akong pakialam. Basta sa mga oras na ito, gusto kong makaalis sa lugar na ito bago pa ako magawan ng masama ng daddy ni Lucas.
Buo na ang desisyon ko, aalis ako sa mansion nila kahit na ang kapalit pa ng gagawin ko ay ang pananakit ni Lucas sa akin oras na makabalik ito mula sa Italy. Hindi ako safe sa mansion ng mga Sandoval lalo na kung nasa paligid ang Daddy ni Lucas. Hindi ko lubos maisip na sa maamo at mabait niyang mukha ay may pagnanasa pala siya para sa akin.
“Uuwi na po ako sa bahay namin at doon ko hihintayin si Lucas,” walang buhay kong sambit nang tuluyan na akong makababa ng hagdanan at matapang na sinalubong ang galit na tingin ni Attorney Amanda sa akin.
“You can’t leave this house, Erem!” galit na sabi muli ng ginang habang nakapamaywang na nakatayo sa harapan ko.
“Uuwi po ako sa ayaw at sa gusto ninyo,” puno ng lakas ng loob kong saad sabay akmang lalampasan na siya nang bigla akong higitin sa braso.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka?!”
“Bakit rin ho ba pinipigilan ninyo ako at halos diktahan na ang buhay ko? Alam mo attorney, mabuti pa sabihin na natin ang lahat kay Lucas. Sabihin na natin ang totoo tutal ay malinis na ang pangalan niya sa publiko pati na rin ang reputasyon niyo bilang mga Sandoval! Kasi sa totoo lang, hirap na hirap na po ako, “ hindi ko napigilang sabi sabay bawi sa braso kong hawak niya nang mahigpit.
“No! Hindi mo sasabihin kay Lucas at mas lalong hindi puwede!” nanlilisik na mga mata niyang tugon sa akin, dahilan para sumidhi ang galit sa dibdib ko at tanggalin ang suot na jacket para ipakita sa kaniya ang mga braso ko na puno ng pasa.
“Nakikita niyo ba ang mga pasa na ito, attorney? Nakikita niyo ba na halos puno na ng pasa ang katawan ko? Pagkatapos ay gusto ninyo pa rin na panindigan ko ang kung anumang kasinungalingan na inumpisahan mo?!”
“You agreed with that lie Erem, kaya huwag kang umakto na parang ikaw ang dehado!”
“Hindi nga ba ako ang dehado rito, Mrs. Sandoval?” naluluha kong tugon sa kaniya, “Mula nang ikasal kami at magsama sa iisang bubong, hindi na babae ang turing sa akin ni Lucas at lahat ng pananakit niya ay tinaggap ko. Isa pa, hindi ako pumayag sa gusto mo. Wala lang akong pagpipilian dahil bukod sa tinakot mo akong ipakukulong si Mama, pinagbantaan mo akong gagawa ka ng paraan para mawala ang scholarship ko. Higit sa lahat, inalisan mo ako ng karapatan na ipatanggol ang sarili ko! Pagod na pagod na ako attorney kaya sabihin na natin ang totoo kay Lucas! Sabihin na natin hangga’t may natitira pa akong pagmamahal sa sarili ko,” puno ng pagsusumamo kong saad kasabay ng pamamalabis ng luha ko.
Hindi siya umimik.
“Napapagod na po ako,” malungkot kong sambit pa ulit.
“Anong sabihin na ang totoo kay Lucas, Amanda?!” singit na tanong ng kararating lang na si Mr. Sandoval, nakaramdam na naman tuloy ako ng takot dahil naalala ko ang ginawa niya kanina sa akin.
“It’s nothing, Hon. She just wants to go home,” mabilis na tugon ni attorney Amanda sa asawa na sa akin ang atensyon na tila nagbabanta na huwag akong magsusumbong.
“Mahal mo siya kaya ka pumayag at kaya hanggang ngayon ay nasa piling ka niya. Stop acting like a kid, Erem. You love my son then deal with him!” masungit na sabi ni Attorney Amanda kung saan nababakas ang pagkabalisa bigla. Sa tingin ko, tanging kami lang talagang dalawa ang nakakaalam sa bagay na gusto ko nang ipaalam kay Lucas.
Hindi nakatakas sa akin ang naging pag-iwas niya sa tanong ng asawa, isa pa ay mas sinamaan niya pa ako ng tingin.
“Deal with him? Kaya ba gusto mong hayaan ko siyang umalis at pumunta ng ibang bansa kasama ng ibang babae? Tapos ano? Kapag nagkaproblema, ako na naman ang haharap sa madla para ayusin ang pangalan niya? Uuwi na ako dahil walang patutunguhan ang usapang ito. Hayaan ninyo na ako tutal ay wala rin naman kayong ginagawa para maging maayos ang lahat. Hindi mo rin naman ako gustong tulungan, Attorney Amanda. Bagkus ay mas handa kang kunsintihin si Lucas kaysa itama ang ginagawa niya sa akin. Mabuti na lang at wala kayong anak na babae dahil kung nagkataon ay ang malas niya!”
“You damn woman!” galit na bulalas ng ginang.
“Why are you leaving, hija? And why are you talking like that to your mother in law?” inosenteng tanong muli ni Mr. Sandoval habang nakatayo sa likuran ng asawang namumula ang mukha sa galit.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin bago tuluyang nagsalita,
“Hindi ako safe kasama si Lucas pero sa tingin ko ay mas hindi ako safe sa lugar na ito, lalo na at nasa paligid ka Doctor Lucio Sandoval!” puno ng tapang kong sabi bago tuluyang nagmartsa palabas ng mansion nila.
“Bastos na bata! Lucas should know this thing!” dinig kong sambit ni Attorney Amanda pero hindi ko na lang pinansin, bahala na kung anong makarating na balita kay Lucas dahil nasisiguro ko naman na sasaktan at sasaktan niya pa rin naman ako.
Gaya ng plano at gusto ko, nakabalik ako sa bahay naming mag-asawa kaya naman nang makauwi ay kaagad akong nagtungo sa kuwarto para matulog at magpahinga dahil pakiramdam ko ay sobra akong napagod.
Nakakapagod naman pala kasi talagang makipag-usap sa mga taong sarili lang ang nais pakinggan.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng daddy ni Lucas. Gustuhin ko mang magsumbong sa asawa ko, nasisiguro kong hindi naman niya ako paniniwalaan.
Nagising ako sa isang malakas na kalabog na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, kaya naman kahit inaantok pa ako ay sinikap kong bumangon at ganoon na lang ang gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang galit na galit na si Lucas.
“L-lucas!” nauutal at takot kong sabi.
“Who are you to disrespect my parents, ha? Let me punish you, bitch!” nagpupuyos sa galit niyang sabi sabay sampal nang malakas sa akin.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...