KABANATA 8
Nang sumapit ang gabi, kahit ayaw kong umalis ng bahay ay nag-ayos at naghanda pa rin ako dahil wala naman akong magagawa. Sasaktan lang ako ni Lucas kapag sinabi ko na ayaw kong umalis at sumama sa kaniya.
Nagsuot ako ng black highwaist pants, brown na fitted blouse na pinatungan ko ng brown sweat shirt ‘tsaka ko lang ipinares sa puti kong converse.
Mahaba ang suot ko at pati ang make up na nilagay sa mukha ay makapal, bagay na hindi ko naman talaga ginagawa noon, nasanay na lang akong gawin sa tuwing umaalis lalo na kung kasama si Lucas at sa bahay ng mga magulang niya ang punta dahil ayaw niyang makita ng iba ang mga pasa ko na siya mismo ang may gawa.
Mahabang damit at makapal na make up ang naging panakip ko sa mga pasang hindi na mabilang sa katawan ko. Nakalulungkot isipin na sa loob ng apat na buwang pagsasama namin ni Lucas ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagbabagong hindi ko inaasahan.
Hindi ako kagandahan pero para sa akin sapat na ang itsurang meron ako para matawag na maganda. Singkit ang mga mata ko na may kaunting tangos ng ilong, maputing kutis at mahabang buhok na kahit paano ay naging dahilan rin para magustuhan ako ng ibang kaklase ko noon sa high school.
Ngayon, hindi ko maipaliwanag ultimo sa sarili ko kung bakit ang dating ako ay hindi ko na maaninag sa tuwing haharap ako sa salamin para tingnan ang sarili ko.
Wala akong naging kibo nang umalis kami sa bahay namin hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga magulang ni Lucas. Tanging sa sahig lang din ang tuon ng mga tingin ko dahil sa totoo lang, ayaw na ayaw ko na nagpupunta kami sa bahay na ito.
Kung sa bahay namin ni Lucas ay pakiramdam na nakakulong ako, dito naman sa bahay ng mga magulang niya, pakiramdam ko ay sinasakal ako lalo na sa tuwing na sa paligid ko ang pamilya ni Lucas.
“Let me remind you, Erem
Huwag kang magkakamali na magsumbong, dahil kung hindi ay tatamaan ka talaga sa akin!” mahina ngunit may diin niyang sabi dahil tanaw kong papalapit na ang daddy niya sa living room kung saan namin sila hinihintay.Wala akong ideya kung bakit kami nandito dahil kahit naman magtanong ako sa asawa ko ay wala naman akong mapapala, sisigawam niya lang ako na may kasamang sampal tadyak at sabunot!
“Magsumbong man ako o hindi, palagi mo naman akong sinasaktan Lucas,” walang buhay kong tugon sa kaniya sa mahina kong boses.
Alam kong narinig niya ang sinabi ko dahil pansin ko ang paggalaw ng panga niya, pero bago pa man siyang makapag-react muli ay nasa harapan na namin ang daddy niya.
“Dad,” masayang bati ni Lucas.
“I’m glad to see both of you! So how’s married life?” masayang bati sa amin ng daddy niya sabay yakap kay Lucas. Nang akmang ako na sana ang yayakapin niya ay agad akong umiwas.
Hindi ko alam kung bakit. Basta ang pakiramdam ko, ayaw kong madidikit ang daddy ni Lucas sa akin dahil kagaya kay Tiyo Robert, pakiramdam ko ay hindi siya gagawa ng tama.
“Hija, what’s wrong?” kunot noong tanong niya sa akin dahilan para akbayan ako ni Lucas at pigain ng madiin ang braso ko.
“Umayos ka sasamain ka sa akin!” inis niyang bulong sabay halik kunwari sa gilid ng ulo ko.
“Medyo masama lang pakiramdam ni Erem, Dad. But she’s okay, don’t worry,” dugtong pang muli ni Lucas.
“Are you alright, hija?” nag-aalalang tanong ng daddy niya habang nakatingin sa akin nang seryoso.
“A-ayos lang po ako, D-dad, maganda gabi po,” utal kong sabi sabay tuon muli ng tingin sa sahig.
“Mom,” dinig kong sabi ni Lucas dahilan para mapaangat ako ng tingin at sakto namang nakita kong papalapit ang mommy niya sa gawi namin na mukhang kagagaling lang sa kusina.
Nakaramdam ako ng inis nang makita ko ang ginang dahil sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti at mukhang masaya, naalala ko kung paano niya ako pinilit at binantaan kung sakaling hindi ko gagawin ang mga gusto niya. Lalong lalo na tuwing naalala ko na siya ang dahilan kung bakit tuluyan akong iniwan ni mama.
Pagkakataon ko na sana ito para makausap siya pero hindi ko alam kung paano, bukod sa ngayon ko lang ulit siya nakita mula nang ikasal kami ni Lucas, alam kong iniiwasan niya ako.
Buong oras ng pagkain namin ay hindi ako kumukibo at nagsasalita lang kapag tinatanong ako. Hindi rin naman ako hinayaan ni Lucas na magsalita.
“By the way mom,” dinig kong sambit ni Lucas sabay piga sa kamay ko na nakapatong sa lamesa, “I’m going to Italy next week with Nikki and I will be leaving Erem here,” pagpapalam ni Lucas sa ina bagay na ikinagulat ko.
Iiwan niya ako sa bahay ng mga magulang niya nang hindi hinihingi ang permiso ko at pupunta siya ng Italy kasama si Nikki na schoolmate namin at kilalang may gusto sa kaniya?
“Si Nikki? Bakit kasama mo si Nikki?” may inis na tono kong tanong sa kanya, pero hindi niya sinagot bagkus ay tinuon ang tingin sa ama.
“It is okay dad, right? I just need to accompany her as a treat,” dugtong pang muli ni Lucas at hindi pinansin ang sinabi ko.
Akmang sasagot sana ang daddy ni Lucas pero sumabat ako usapan,
“Iiwan mo ako sa bahay ng mga magulang mo para samahan ang ibang babae Lucas? Napakawalang respeto mo naman yata sa akin? Pagkatapos ano? Kapag na-issue na naman ang pangalan mo at ng pamilya ninyo dahil sa kagagawan mo, ano? Ako na naman ang aayos at haharap sa media para sabihing wala lang iyon? Na sinamahan mo lang ang isang kaibigan tapos ako na asawa mo ay ayos lang sa akin kasi may tiwala ako sa iyo?” galit kong saad dahil hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita.
Hindi puwedeng palagi akong manahimik at magsawalang-kibo, dahil kung ganoon ang gagawin ko, mauubos ako at walang matitira sa akin miski ang respeto sa sarili ko.
“That’s enough, Erem!” sigaw ng mommy niya sanakin sabay pabagsak na nilapag ang mga kubyertos na hawak niya.
“Don’t you dare talk my son like that in front of me!” malakas na sigaw niya sa akin sabay duro, “Maiiwan ka rito habang nasa Italy si Lucas. Tapos ang usapan!” galit na saad muli ng mommy ni Lucas habang masama pa rin ang tingin sa akin.
Agad kaming umuwi sa bahay matapos kumain dahil sa nangyaring sagutan kanina at habang nasa biyahe kami ay ramdam ko ang sobrang galit ni Lucas dahilan para magmaneho siya nang sobrang bilis.
Nang makarating kami sa bahay ay agad niya akong sinampal nang dalawang beses bago isinaldak nang malakas sa pintuan dahilan para tumama ang likod ko sa door knob at mapaiyak ako nang sobra dahil sa sakit.
“L-Lucas tama na p-parang awa mo na. N-nasasaktan ako p-please, tama na,” utal-utal at umiiyak kong pakiusap sak kaniya, pero tila bingi siya sa iyak at mga pakiusap ko dahil pakaladkad niya akong hinila paakyat sa kuwarto ko hanggang sa itulak niya ako pahiga sa kama.
“How dare you talk to me like that ha? At talagang sa harap pa ng mga magulang ko, Erem?! Sabi ko naman sa iyo, magtino ka kung ayaw mong makatikim nang sobra sa akin, pero bobita ka at hindi nakinig. Puwes, magsisi ka ngayon kasi gustong gusto mo naman ang nasasaktan talaga!” galit na galit niyang sabi ‘tsaka ako mabilis na pinatungan at mabilis na hinalikan sa leeg ng sapilitan.
Wala akong lakas para sumigaw at magmakaawa sa kaniya na itigil ang ginagawa niya. Wala rin akong sapat na lakas para labanan siya kaya tanging pag-iyak nang malakas na lang ang nagawa ko hanggang sa nakaraos siya sa ibabaw ko.
Malapit na akong maubos dahil kay Lucas at higit sa lahat, kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Kasi sa totoo lang, malapit na akong mapagod na mahalin siya at umasang baka mabago ang trato niya sa kagaya ko.
Sino ba naman kasi ako para mahalin ng isang Lucas Sandoval? I am just his wife whom he believed that ruined his life.
I’m just his battered wife.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...