KABANATA 4

1K 11 0
                                    

KABANATA 4

Sa bawat araw na lumilipas habang magkasama kami ni Lucas sa iisang bubong ay mas lalo akong natatakot sa kaniya, dahil walang araw kasi ang nagdaan na hindi niya ako sinisigawan o kaya naman ay sinasampal.

Masuwerte na ako kapag inuumaga siya ng uwi galing sa pakikipag-inuman kasama ng mga kaibigan niya, dahil maaga ako palaging pumapasok ng University na naging dahilan para maka-iwas ako sa pananakit niya dahil hindi na kami nagkikita pang dalawa sa bahay.

Magkita man kami sa university ay para lang din naman akong hangin para sa kaniya. Iyong tipong may malubhang sakit ako kung iwasan nito dahilan para maging tampulan kami ng mga usapan.

Lahat ng nasa isip ko noon na puwedeng mangyari kapag magkasama na kami sa iisang bahay bilang mag-asawa ay nabura dahil taliwas ang nangyari sa totoo. Kahit kasi isa sa mga pinangako ng mommy ni Lucas gaya ng tahimik na buhay mula sa usap-usapan galing sa iba ay hindi man din nangyari.

Minsan kong plinano na kausaping muli ang mommy ni Lucas pero pakiramdam ko ay iniiwasan ako ng ginang, bagay na ipinagtataka ko mula sa kaniya at dahilan para magkaroon ako ng pagdududa rito.

Pagpasok na lang sa University ang naging takas ko sa lahat ng lungkot na nararamdaman ko, na siya namang bagay na hindi ko magawang itago sa kaibigan ko na si Julie dahil lahat ng kilos ko ay kabisado na niya halos.

“Huhulaan ko Erem, sinampal ka o binulyawan ka na naman ng asawa mo, ‘no? Huwagg kang tatanggi dahil halata sa itsura mo Erem!” inis na bungad sa akin ni Julie. Pansin na niya palagi ito dahil kahit itago ko ay nalalaman niya pa rin. Ika nga niya ay hindi na ako palaging nakangiti tulad noon.

Apat buwan na rin simula nang matapos ang kasal namin ni Lucas at sa apat buwan na iyon, hindi pa kami nakapag-usap nang maayos dalawa. Palagi niya akong iniiwasan at itinataboy sa tuwing susubukan kong kausapin siya. Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot dahil ang layo na ng Lucas na kilala ko ngayon kumpara sa noon.

“Hindi niya ako sinasaktan Julie, okay? May mga iniisip lang ako kaya wala ako sa mood ngayong araw. Isa pa, malapit na ang ang exam kaya mag-focus ka sa reviewer mo at hindi sa akin!” masungit kong tugon sa kaibigan para hindi na ako kulitin pa.

Inirapan niya ako.

“Okay,  Erem. Concern lang naman ako sa iyo. Akala mo ba hindi ko na papansin ang mga pagbabago sa iyo? Kaibigan mo ako kaya kilala kita. Kaya sana, magsabi ka dahil tutulungan naman kita!” may inis at galit sa boses niyang sabi bago ako iniwan mag-isa sa canteen ng university.

Puwede kong sabihin na sinasaktan nga ako ng asawa ko pero ayaw kong gawin. Bakit? Ayaw kong masira siya sa mata ng mga kaibigan namin dahil nangako ako nang ikasal kami na handa akong gawin ang lahat para sa kaniya.

Naging usap-usapan ang kasal naming dalawa ni Lucas dahil ang isang kagayang babae ko raw lang pala ang bagsak ng nag-iisang anak nila Mr & Mrs. Sandoval, bagay na hindi inaasahan ng marami dahil nagmula nga raw ito sa isang kilalang pamilya.

Matapos ang huli kong klase ay kaagad akong umuwi dahil kailangan ko pang maghanda ng hapunan para kay Lucas. Kung wala kasi siyang aabutan sa hapag ay malilintikan na naman ako sa kaniya.

Nang ikasal kaming dalawa, nag-iba ang mundo ko dahil kahit mga hindi ko kilalang tao, tinatanong ako kung bakit tinali ko raw nang maaga si Lucas gayo’ng nagsasaya lang daw dapat ito sa buhay.

Palaging tungkol na lang sa kaniya ang madalas kong naririnig. Sabi pa nila ay malas daw si Lucas dahil maaga na ngang nag-asawa, sa isang mahirap at walang class na babae pa napunta.

Tungkol naman sa akin, puro sisi at akusa ng kung ano-ano ang sinasabi kaya ang sakit lang sa pakiramdam na walang nakaisip na baka nasasaktan din ako.

Ayaw ko na sana munang dalhin ang apelyido ng pamilya nila habang nag-aaral pa ako dahil hangga’t maari ay gusto kong maka-graduate nang apelyido ng aking ama ang gamit ko at ang dala ko kahit pa hindi ko ito kilala, kaya lang ay sobra ang ikinagalit sa akin ni Lucas nang sabihin ko iyon sa kaniya kaya wala akong choice kung hindi idikit sa pangalan ko ang Sandoval.

Pasado ala-sais na ako ng gabi nakauwi sa bahay dahil sa traffic kaya naman laking gulat ko nang madatnan ko si Lucas na nagkakape at nakaupo sa sofa. Magkakrus ang kaniyang mga binti at masama ang tingin sa akin.

“Hi Lucas, ang aga mo ah,” nakangiti kong bati bilang bungad sa kaniya.

Nasanay akong batiin siya nang naka ngiti sa tuwing umuuwi siya sa bahay, kahit pa ang totoo ay natatakot na ako sa kaniya dahil sigurado akong sasaktan na naman niya ako.

“You’re late, bitch!” galit niyang saad matapos ilapag ang tasa ng kape sa side table na katabi ng sofa.

“Traffic lang, Lucas,” maigsi kong tugon sabay akmang lalakad na sana patungo sa kusina nang bigla niya akong hinigit sa braso ‘tsaka mabilis na sinapo ang buong mukha.

“Sumasagot ka na naman, Erem! Starting tomorrow, you’re not allowed to go outside this house!” pasigaw niyang sabi habang sapo-sapo pa rin ang mukha ko.

Kahit may iniindang sakit ay naglakas-loob akong nagsalita.

“Hindi iyon puwede, Lucas. Paano ako papasok sa University? Paano ang mga dapat kong gawin kung hindi ako lalabas ng bahay?” kalmado kong tanong sa kaniya kahit sa totoo lang ay natatakot na ako.

“Titigil kana sa pag-aaral mo Erem, kaya huwag mo akong subukan. Kapag sinabi kong hindi, makinig ka!” pasigaw niyang saaad bago binitawan ang mukha ko.

“Lucas malapit na ang finals kaya hindi puwede ‘yang sinasabi mo. ‘Tsaka bakit mo ba ito ginagawa sa akin?” matapang kong sagot habang himas-himas ang mukha.

“Don’t ask me dahil sa tuwing naalala kong kinasal ako nang maaga at sa babae pang katulad mo ay nanggigigil ako. Panira ka ng buhay alam mo ba, ha?!” galit niya ring sigaw sa akin bago ako sinampal nang malakas, dahilan para tumama ang mukha ko sa pader na sinasandalan ko kanina.

“Ikaw ang sumira ng buhay mo Lucas, hindi ako! At kung may buhay man na nasira dito, buhay ko iyon dahil dinamay mo ako sa pesteng kapusukan mo! Kaya huwag mo akong diktahan sa kung ano ang dapat kong gawin. Hindi pa ba sapat na palagi mo akong sinasaktan? Hindi ka pa ba kuntento na halos patayin mo ako sa bugbog mo lalo na sa tuwing umuuwi ka nang lasing?! Pag-aaral na lang ang mayroon ako sa buhay, Lucas, kaya pasensiya ka na pero hindi puwede ang gusto mong mangyari… Asawa lang kita kaya hindi mo puwedeng kontrolin ang buhay ko!” mahaba at hinihingal kong sabi sa kaniya, bagay na hindi ko dapat ginawa dahil lalo niya iyong ikinagalit.

“Lintik kang babae ka, halika rito! Matapang ka na masiyado ngayon, ha?!” nagpupuyos sa galit niyang sabi habang hila-hila ako sa buhok.

Dinala na naman niya ako sa stock room ng bahay namin kung saan niya ako palaging kinukulong sa tuwing nagagalit siya at pakakawalan lang sa umaga kapag naalala ako.

Itinulak niya ako papasok sa loob kaya naman napaupo sa sahig.

“Asawa lang kita sa papel Erem at hanggang doon lang iyon! Matagal ko nang alam na may gusto ka sa akin kaya sigurado akong plinano mong maigi ang lahat ng ito!” sabi niya pa rin na may galit sa tono ng boses habang may nalilisik na matang nakatingin sa akin.

“Alam mong may gusto ako sa iyo pero bakit ginagawa mo ito sa akin? Anong kinalaman ng nararamdaman ko para tratuhin mo ako nang ganito?”

“You ruined everything, Erem! Everything! Kaya sobra akong nagsisisi na nakilala at naging kaibigan pa kita! Kung akala mo na may makukuha ka mula sa yaman ko at ng pamilya namin, puwes nagkakamali ka!”

“Hindi mo ba nakita kahit minsan na mahalaga ka sa buhay ko, Lucas? Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin?” tanong ko sa kaniya bago niya ako tuluyang ikinulong na naman sa stock room. Sa pagkakataon na ito, hindi na muna ako nag makaawa na huwag niya akong ikulong, dahil sa totoo lang ay napapagod na akong kunin ang simpatya niya.

“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo dahil kahit anong gawin mo, nasusuklam ako sa iyo, Erem!” galit niyang sabi ulit.

“You’re nothing but a trash for me, Erem!” Katagang iniwan niya.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon