KABANATA 5
Kagaya ng dati, sa tuwing ikinukulong ako ni Lucas sa stock room ng bahay namin, hindi niya ako binibigyan ng pagkain o kahit tubig man lang, kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magtiis at umiyak sa tuwing kakalam nang sobra ang tiyan ko dahil sa gutom.
Alam kong umaga na dahil sa sinag ng araw na tumatama sa maliit na bintana ng silid dahilan para magkaroon ako ng pag-asang makalabas. Ano mang oras kasi ay aalis na si Lucas para pumasok sa university at hindi nga nagtagal ay narinig ko nang tumunog ang kotse niya hudyat na aalis na siya ng bahay.
Hindi ako makapapayag na hindi pumasok sa university gaya ng gustong mangyari ni Lucas, kaya kahit alam kong bugbog na naman ang aabutin ko sa kaniya dahil tatakas at tatakas pa rin ako. Finals week na at isang taon na lang ay graduate na ako, kaya hindi ako makapapayag na pati ang pag-aaral ko ay pipigilan rin ni Lucas.
Kinuha ko ang nakatagong maliit na kutsilyo sa ilalim ng tukador kung saan itinago ko talaga para magamit ko kung sakaling hindi ako palabasin ni Lucas. Sakto naman na hindi niya ako hinayaang lumabas nyayon kaya magagamit ko na ang kutsilyo para tungkabin ang lock ng pintuan para nang sa ganoon ay mabuksan ko ang pintuan.
Sa una ay nahirapan akong gawin ang pagtungkab sa lock pero sa huli ay nagawa ko naman. Pagkatalabas ko ay dali-dali akong umakyat sa kuwarto ko para maligo at magbihis, makapasok at makaabot pa rin sa oras ng exam.
Alam kong sa huli ay ako rin ang magdurusa sa gagawin kong pagsuway kay Lucas, pero bahala na basta ang mahalaga ngayon ay makapag-take ako ng exam.
Kaagad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa university pero dahil isa ako sa mga malas na nilalang sa mundo ay traffic pa nga!
“Nako ineng mukhang nagmamadali ka. May banggaan sa may kanto. Kung ako sa iyo ay sumakay ka na lang sa habal na mga motorsiklo riyan,” biglang saad ng driver habang nakatingin sa akin rear view mirror ng sasakyan niya.
“Ganoon po ba? Sige po, baba na lang po ako. Sobrang late na ako para sa exam namin,” aligaga kong tugon sa kaniya.
“Ineng kung may pinagdadaanan ka sa buhay, huwag kang matakot na ipaglaban ang sarili mo. Mag-iingat ka,” dinig ko pang sabi ni manong driver, pero dahil nagmamadali na ako ay hindi na ako nag-atubili pang intindihin iyon.
Alam kong hindi ako okay pero paanong nalaman ni manong na may pinagdadaanan ako?
“Haaay, baka nagugutom lang ako,” bulong ko sa sarili saka mabilis na naglakad.
Awa ng diyos ay nakaabot ako sa pag-take ng exam dahilan para mabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ilang araw at gabi akong nagpuyat sa pagre-review kaya nang sabihin ni Lucas na hindi na ako papasok ay sobra ang naging inis na naramdaman ko sa kaniya. Hindi puwedeng mauwi ang lahat ng paghihirap ko sa wala. Nangako ako sa sarili kong magtatapos ako hangga’t kaya ko.
Pilit kong iniiwasan ang mapanuring tingin sa akin ni Julie, tingin na kahit iwasan ko ay nakasunod pa rin sa bawat galaw ko. Mula nang pinaniwala niya ang sarili na sinasaktan ako ni Lucas ay minabuti kong umiwas at lumayo sa kaibigan, kahit pa labag iyon sa kalooban ko. Ayaw ko kasing dumating sa puntong kausapin niya talaga si Lucas tungkol sa pananakit sa akin.
Kahit anong tanggi ang gawin ko sa kaibigan ay ayaw niyang maniwala sa sinasabi kong hindi ako sinasaktan ng asawa ko, kaya para hindi niya na ako kulitin lalo na sa tuwing pumapasok ako nang may pasa ay umiiwas ako sa kaniya hangga’t maari.
Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Iniwan ako ni mama para sa pera, kinasal sa lalaking matagal ko nang gusto pero pagdurusa ang nakuha ko sa dulo. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa loob lang ng dalawang buwan ay ang dami nang nagbago. Lalo na ang Lucas na kilala ko na ngayon ay hindi ko na matandaan kung siya pa ba talaga ang nakilala ko noon sa ngayon.
Malapit na akong magduda sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa taong pinaniniwalaan kong mahal ko.
Naputol ang pag-iisip ko habang nakaupo mag-isa sa canteen nang makita kong papalapit sa akin si Lucas habang may nanlilisik na mga matang nakatingin sa akin.
Gusto kong tumayo na at umalis para makaiwas sa kaniya pero hindi ko alam kung paano dahil tingin pa lang niya ay alam ko na kung ano ang mangyayari.
Sasaktan na naman niya ako!
Itinago ko ang kabang nararamdam sa pamamagitan ng pagbabasa kunwari sa librong hawak ‘tsaka umaktong hindi ko napansin si Lucas, pero sadyang malas talaga ako dahil kauumpisa ko pa lang sa ginagawa ko ay nakalapit na si Lucas sa lamesa ko.
“Erem!” galit niyang tawag sa pangalan ko.
Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko sa kaniya at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakangiti sa harapan ng iba. Hindi na ako magtataka na nakangiti siya habang may masamang tingin na ipinupukol sa akin dahil ang isang Lucas Sandoval ay isang public figure na kailanman ay hindi gugustuhin na madungisan ang pangalan lalo na ng kaniyang mga magulang.
Kaya nga ginamit ako at pinaikot sa mga pangako na bandang huli lahat naman ay napako!
“L-Lucas!” kabado kong sabi rin sa pangalan niya.
“How did you escape? Sinusuway mo ba talaga ako?!” galit niyang sabi sabay akbay kunwari sa akin, bagay na hindi naman niya ginagawa mula pa man noon.
Mula kasi nang ikasal kami at maging mag-asawa ay dumistansya siya mula sa akin, isa pang dahilan para pag-usapan ako ng mga kapwa ko estudyante.
Nang dahil sa akbay niya ay mas lalo pa akong kinabahan dahil ramdam ko ang bigat ng braso niya mula sa balikat ko.
“Found you, Erem!” biglang sabat ni Julie na kararating lang sa lamesa kung saan kami nakapuwesto ni Lucas.
“Lucas, hiramin ko muna iyang asawa mo, may kailangan lang kami na pag-usapang dalawa,” nakangiting sabi muli ni Julie kahit pa bakas ang kaba sa mga mata niya.
Alam kong dahilan niya lang iyon para pakawalan ako ni Lucas dahil ramdam niyang hindi ako komportable rito.
“I’m sorry Julie but we need to go. Puwede naman siguro sa ibang araw ang pag-uusapan niyo, right Erem?” tugon niya sa kaibigan ko sabay baling ng tingin sa akin.
“Ah o-oo Julie sa susunod na lang,” pagsang-ayon ko para hindi na magduda pa si Julie.
Agad na nagpaalam si Julie kahit pa halatang hindi siya kumbinsido sa sinagot ko. Hiniling kong sana ay mas nagtagal pa siya sa lamesa namin, o kaya ay mas kinulit pa si Lucas dahil saktong pag-alis ni Julie, mula sa ilalim ng lamesa ay inapakan ni Lucas ang paa ko sabay bulong sa akin.
“Follow me on my car and don’t you dare cry in front of many people, Erem. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko!” galit niyang sabi sa mahinang boses ‘tsaka ako hinila patayo.
Takot man ako dahil sasaktan niya akong muli ay wala akong naging pagpipilian, sumunod pa rin ako sa kaniya sa parking lot ng university kung saan nakaparada ang kotse niya.
Puwede akong umalis at lumayo na lang kay Lucas, kaya lang ay umaasa ako na baka sakaling maalala niya kung sino ako at ano kami rati, na baka sakaling magkaroon rin ako ng puwang sa puso niya.
Pagkasakay ko pa lang sa kotse niya ay hindi na ako na gulat na naroon na siya, at mas hindi ako nagulat na kaagad bumalatay sa magkabilang pisngi ko ang malakas niyang sampal.
Halos mamanhid ang mukha ko at tila nalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko, pero sinikap kong umakto na wala lang sa akin ang ginawa niya.
“Sinabi ko sa iyo na huwag mo akong subukan Erem, kaya magdusa ka sa gagawin ko sa iyo!”
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romansa"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...