KABANATA 15

1.1K 14 3
                                    

KABANATA 15

LUCAS SANDOVAL’S POV

I’m a man who wanted my life to be simple. I’m studying so hard because I want to get my grandfather’s business that I’ve wanted for so long. I’m a easy go lucky guy and I want to get everything on my own way.

I always make sure na lahat ng gagawin ko ay tama at maayos. Kilala ang pamilya namin dahil isang magaling at mahusay na abogado at doctor ang mga magulang ko.

Sa mata ng mga taong nakakasalamuha ko araw-araw ay taliwas ang pagkakakilala nila sa pagkakakilala ko sa sarili ko. I love drinking, partying and especially hooking up with different girls.

I’m not saint at all I like giving myself a thrill— and also doing wild things, bagay na hindi kayang baguhin at alisin sa akin ng mga magulang ko. Doon ako masaya kaya hindi nila ako kayang pigilan. Isa pa, ginagawa ko naman lahat ng gusto nila kaya dapat ay hayaan din nila ako sa gusto ko.

They always want me to be perfect.

I’m known as the best guy in our university, not just because of our family, but also because I’m a dean’s lister and also a campus heartthrob kaya hindi na ako magtataka kung ang isa sa mga kaibigan kong babae ay mahuhulog sa akin.

Sa dami ng kaibigan ko at sa lahat ng kaibigan ko, si Erem lang ang naging malapit sa akin nang sobra. Iyong tipong halos araw-araw ay kasama ko kahit na magkaiba kami ng course. Maging sa paggawa ko ng mga assignments ay siya ang katuwang ko. At sa lahat ng kaibigan kong babae, she’s the only one na dinala ko sa bahay namin at ipinakilala ko sa mga magulang ko as one of my girl friends. 

She likes to talk but most of the times, she’s silent and I know that she’s hiding something from me. At kung ano man iyon, hinayaan ko na lang sa kaniya dahil baka hindi siya komportableng sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyon.

May gusto sa akin si Erem alam at ramdam ko iyon mula umpisa nang maging malapit kami sa isa’t isa. Hindi niya man sabihin sa akin ay ramdam ko, hindi dahil sa masyado akong bilib sa sarili ko, kung hindi dahil lalaki ako at alam ko kung kailan may lihim na pagtingin sa akin ang isang babae.

Hindi ko siya gusto dahil hanggang kaibigan lang naman ang tingin ko sa kaniya. Sadyang malapit lang talaga kami sa isa’t isa at komportable ako sa kaniya dahil malaya kong nagagawa lahat ng gusto ko, lalo na ang pagpunta sa bar gabi-gabi dahil pinagtatakpan niya ako kay Mommy.

Hindi ako halos makagalaw mula sa kinatatayuan ko nang unti-unti kong nakita ang dugong umaagos mula sa pagitan ng hita ni Erem. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mag-umpisa siyang maging hysterical habang patuloy na umiiyak.

“M-nay dugo Lucas! Iyong anak ko Lucas! A-anong ginawa mo? Iyong a-anak ko!”

Nag-umpisang manginig ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya dahil wala akong alam na kung mayroon man, hindi ko siya sasaktan nang sobra.

“H-hndi siya puwedeng m-mawala! Lucas, a-anong ginawa mo?!” nanginginig niyang sabi matapos na dampian ng palad niya ang hitang duguan.

“Iyong anak ko Lucas, iyong anak ko!” malakas niyang sigaw habang patuloy na umiiyak.

Hindi ko alam ang gagawin ko at mas lalong hindi ko alam sa sarili ko kung bakit humantong ako sa sobrang pananakit sa kaniya. Dati ay sampal at suntok lang naman ang ginagawa ko sa kaniya, pero bakit ngayon ay halos mapatay ko na siya?

Kung bakit naman kasi sumuway siya sa sinabi ko at talagang tumakas pa! Mas lalo pang nag-init ang ulo ko ng makita ko na bumaba siya sa kotse ng isang matandang lalaki.

“B-buntis ako Lucas at i-ikaw ang a-ama.”

Huling sinabi niya bago tuluyang nawalan ng malay.

I immediately took her to the hospital and called my parents. Kailangan ko ng kasama sa mga oras na ito dahil nasisiguro kong itatanong sa akin ng doctor kung bakit puno siya ng pasa sa buong katawan.

“What happened, Lucas?!” galit na tanong ni Dad nang puntahan niya ako sa waiting area malapit sa emergency room. Naka-duty siya sa mga oras na ito kaya siya ang unang dumating sa kanilang dalawa ni Mommy.

Wala akong planong sagutin ang tanong niya at mas lalong ayaw kong sabihin ang dahilan. Sigurado akong hindi siya matutuwa kapag sinabi kong binugbog ko ang asawa kong walang laban sa akin.

“Lucas!” dinig kong sambit naman ni Mommy nang tuluyang makalapit sa akin. Sa awra ng mukha niya, nasisiguro kong hindi siya papayag na hindi malaman ang dahilan kung bakit dinala ko sa ospital si Erem.

“What did you do, Lucas?!” galit na tanong ni Mommy.

“Talk to your son, Hon. I already asked him many times pero ayaw magsalita!” sabat naman ni Dad sa iritadong boses.

“Lucas, speak up! What happened?!” sambit ulit ni Mommy na hindi ko pinansin.

Erem’s helpless face while sitting and soaking on her own blood keeps on flashing on my mind.

What did I do? Bakit umabot sa ganoon ang lahat?

She’s pregnant at paano kung may mangyari sa kanilang dalawa lalo na sa baby.

Kung saan-saan na ako dinala ng sobrang galit ko kay Erem. Hindi ako masamang tao pero hindi ko akalain na aabot ako sa puntong masasaktan ko siya ng higit pa.

I remained silent while waiting for the doctor habang kasama si Mommy at Daddy na naghihintay at walang ideya sa mga nangyari.

“Where’s the husband of Mrs. Erem Sandoval?” tanong ng babaeng doktor na kalalabas lang sa emergency room kung saan dinala si Erem kanina. Kaagad akong napatayo at tumingin sa kaniya nang magtanong siya kung sino ang asawa ni Erem.

If it’s about the baby, I hope everything is fine, sana walang masamang nangyari sa kaniya.

“I’m her husband, Doc,” walang buhay kong sambit ng magkaharap kami.

Pansin ko ang masamang tingin sa akin ng babaeng doktor, pero wala akong panahon para bigyan pa iyon ng pansin. Gusto ko lang malaman kung maayos ba ang lagay ng baby sa tiyan ni Erem.

“I’m sorry to tell you this pero dahil sa sobrang bugbog na inabot ng pasyente, the baby didn’t survive,”

“What did you do Lucas?!”

“My goodness Lucas anong ginawa mo?!” magkasabay na sabi ni Mommy at Daddy.

“C-can you say it a-again Doc,” utal kong sabi.

“The baby is gone I’m sorry… Wala na ang baby, Mr. Sandoval.”

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon