KABANATA 20
EREM BLYTHE VALDERAMA’S POV
“So are you ready to face him now?” tanong sa akin ni Dad na nakatayo sa hamba ng pintuan habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit.
“Of course, Dad! It’s been five years kaya ready na ako, it’s business kaya walang problema sa akin. At isa pa, miss ko na ang Pilipinas,” nakangiti kong tugon sa kaniya.
“Hindi mo kailangang gawin ito Erem kung napipilitan ka lang,” sambit niya pang muli kaya naman itinigil ko ang ginagawa at humarap sa kaniya.
“Dad, how many times do I have to tell you na ayos lang? Isa pa, ako ang may gusto na umuwi ng Pilipinas. Ako ang may gusto na mag-take over sa business because I want you to take a rest for a while… Kung iniisip mo ay ang pagkikita naming dalawa, trust me, naka-move on na ako at hindi na ako takot sa kaniya,” seryoso kong sabi pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.
“You can’t blame me. Ayaw ko lang kasing masaktan ka na naman ng lalaking iyon!” may bahid ng galit sa boses niyang sabi, bagay na alam kong hindi na mawawala sa ama ko dahil hindi ko siya masisisi kung galit siya sa taong tinutukoy niya.
He’s my father at masaya akong may isang tao na akong karamay ngayon na nag aalala para sa akin.
“Bakit ka kasi nakipag-business partner sa kaniya Dad kung ayaw mo naman palang magkita kami? You already knew na kapag nasa Pilipinas na tayo, I will be the one who’ll take care of the company. Pinigilan kita tungkol sa bagay na iyon and yet tinuloy mo pa… Edi kasalanan mo Dad,” natatawa at pabiro kong saad sabay tayong muli para kuhanin ang maliit na pack bag ni Cianna.
“Alright alright, sinisisi mo na ako kaya I surrender… But I want you to know that I did that partnership with his company because I want him to know and see that you’re successful now anak. Gusto kong makita kung paano siya magsisi na sinayang ka niya,” madamdaming saad pang muli ni daddy. Hindi ko tuloy maiwasang mapaluha dahil mula pa man noong nagpakita at nagpakilala siya sa akin bilang tatay ko ay hindi siya nagkulang na bumawi sa lahat ng bagay pati na rin ang pagtulong sa akin na bumangon muli para sa sarili ko.
“Kung hindi sana kita ini,-“
“Dad, enough,” putol ko sa sasabihin na naman niya, “You’ve done a lot of things for me kaya tama na sa pagsisi sa sarili mo, okay? I’m forever grateful dahil hindi ako nabigong makilala ka. Remember Dad na wala akong kailangan patunayan sa kaniya dahil kay Cianna palang, sa aming dalawa ay talo na siya. Isa pa, I am who I am today because I chose to be like this, and it’s because of you, not because of him so stop acting like a kid and take care of Cianna. Baka paiyakin mo na naman ako!” masungit kong sabi dahil nararamdaman ko na ang pag-init ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha.
Dad is always like this. Natatakot na masaktan akong muli kaya paulit-ulit na sinisiguro kong ayos lang ang lahat ng bagay sa akin.
My father found me at my worst state at iyon ay noong mga panahong nasa ospital ako matapos na bugbugin ni Lucas at akalaing nawala ang anak ko. Mag-isa ako noon sa kuwarto matapos kong itaboy si Lucas kasama ng mga magulang niya.
Handa na sana akong sumigaw muli noon dahil akala ko ay bumalik ulit si Lucas sa hospital room ko para paikutin ako sa mga paliwanag niyang bulok, pero kaagad rin akong natigilan ng makita ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40’s na mabilis ko ring namukhaan.
Malabo man ang paningin ko ng mga oras na iyon pero tanda kong siya rin ang lalaking sumambot sa akin sa muntikan ko ng pagbagsak nang magkita kami sa ospital at mismomg naghatid sa akin sa bahay nang araw rin mismong binugbog ako nang husto ni Lucas.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...