KABANATA 22

1.1K 17 1
                                    

KABANATA 22

Nang makarating ako sa kompanya ni Lucas ay kaagad akong nagdiretso kung nasaan ang opisina niya. Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko.

Sigurado akong dahil sa article na lumabas kaya pinagtitinginan ako.

Wala akong panahon para pansinin sila dahil sa mga oras na ito, gusto ko lang namang saktan si Lucas sa paraang gusto ko.

“Excuse me, gusto kong makausap si Lucas Sandoval. Tell him that Erem Blythe Valderama is here!” saad ko sa babaeng sumalubong sa akin paglabas ko ng elevator na sa tingin ko ay ang secretary niya.

“I’m sorry Ma’am pero kaaalis lang po niya,” nag-aalala niyang tugon sa akin.

“Call him at sabihin mong naghihintay ako!” iritado kong sambit muli. Alam kong hindi dapat ganito ang maging trato ko sa babae, pero sobra ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya hindi ko mapigil ang emosyong nararamdaman.

“I’m really sorry Ma”am pero hindi ko po matawagan si Mr. Sandoval, he’s on his way to Laguna para po sa isang meeting. I was about to call your secretary to say something, but since you’re here Mam, I will tell it personally po, Mr. Lucas Sandoval wants to have a dinner meeting with you together with his parents,” pormal na sabi ng sekretarya.

Dahil sa sinabing iyon ng secretary ay may nabuo akong ideya sa isip ko kung paano makakabawi sa kawalang-hiyaan na ginawa niya, lalo pa akong ginanahan nang mabanggit nitong kasama ang mga magulang ni Lucas sa dinner meeting.

I think that dinner is the best opportunity for me para masabi ko lahat ng galit na matagal ko nang inipon. Hindi ko gusto ang ideyang pumasok sa isip ko pero dahil sa ginawa ni Lucas, dinamay niya si Dad at Cianna, iyon ang hindi ko puwedeng palagpasin.

I guess oras na para pasabugin ang bombang matagal ko ng tinatago.

“What for?!” iritado ko kunwaring tanong sa kaniya.

“To formally ask and convince you about the partnership of your companies Ma’am,” natungo niyang tugon.

“Okay, tell him I am coming,” kaagad kong tugon.

“Ah Ma’am, Mr. Sandoval also told me to tell you that you should come with the EJV,” saad muli ng sekretarya.

Hindi ko tuloy naiwasang mapataas ng kilay dahil mukhang iba ang gustong mangyari ni Lucas sa dinner meeting mamaya, puwes tingnan lang namin dalawa kung matuwa siya sa mga sasabihin ko.

Kaagad rin akong bumalik sa opisina ko matapos makipag-usap sa sekretarya at sabihing darating kami mamaya sa dinner meeting. Hindi ako sigurado sa kung ano ang mangyayari pero ganado akong harapin sila, lalo na ang Mommy ni Lucas na maraming kasalanan sa akin.

Dad called me when lunch time came at ramdam ko ang sobrang galit niya dahil nabasa niya ang article patungkol sa aming dalawa. I calmed him down dahil base sa tono ng boses niya ay parang gusto niyang ilibing nang buhay si Lucas.

I also told him about the dinner meeting pero ayaw niyang magpunta kung hindi ko lang sinabi ang plano ko. Ayaw niya sa gagawin ko dahil baka ako raw ang maapektuhan sa huli kaya naman ipinaintindi ko sa kaniyang kaya ko naman.

The article is still circulating on social media kaya naman nakakatanggap na ako ng samu’t saring bash mula sa mga tao, pinagsawalang bahala ko lang ang lahat dahil hindi ko kailangang magpaliwanag sa lahat lalo na kung sa isang panig lang sila naniniwala.

Imbes nga na malungkot ay natatawa pa ako dahil sa nangyayari. Iyong tipong dalawang araw pa lang ako sa Pilipinas ay may issue kaagad akong kinakaharap.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon