KABANATA 2
Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin mula sa mga kapuwa ko estudyante habang nakasunod sa ina ni Lucas na si Mrs. Amanda Sandoval, o na mas kilala ng nakararami bilang isang malupit na abogado sa buong bansa dahil lahat ng kasong hawakan niya ay panalo.
Hindi ko alam kung bakit kabado akong makausap siya gayong wala naman akong ginagawang mali. Hindi ko talaga mawari kung bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap naming dalawa.
Dinala niya ako sa parking lot ng university kung saan nakaparada ang kotse niya at ‘tsaka dali-daling sinenyasang umalis ang driver nang makalapit kami rito.
Sumunod ako sa kaniya sa loob ng sasakyan kahit wala siyang sinabi sa akin na sumunod ako. Gusto kong maliwanagan ang isip ko tungkol sa mga nangyayari at kung bakit dawit ang mukha at pangalan ko sa video.
Alam kong si Lucas dapat ang sumagot sa mga tanong ko at hindi ang mommy niya, pero wala na akong panahon na hintayin na makita at makausap siya. Kailangan kong maliwanagan.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa hija…” pagsisimula niya na siya namang lalong nagbigay ng kaba sa akin, “Gusto kong akuin mo ang issue at sabihin sa media na ikaw ang babaeng iyon, ang babae nasa video. At gusto ko ring sabihin mong matagal na kayong may relasyon ng anak ko!” may galit sa boses niyang saad habang sa seryosong nakatingin sa labas ng kotse.
Hindi ako agad nakapagsalita sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
“M-ma’am, a-ano pong ibig ninyong sabihin na akuin ko ang issue?” utal kong tanong sa kaniya, “Hindi po iyon tama at sigurado akong magagalit si Lucas dahil walang namamagitan sa aming dalawa!” buong lakas kong pagkontra sa kaniya.
“Wala ka nang magagawa hija dahil mukha at pangalan mo ang kumakalat sa social media. Wala kang ibang pagpipilian kung hindi ang magsalita sa media! Hindi puwedeng masira ang pangalan ng anak ko lalo na ang reputasyon namin kaya—”
“At ang sa akin po ay puwede dahil ano? Wala akong maipagmamalaki sa buhay ko? Pambihira naman po, Mrs. Sandoval. Abogado ho kayo kaya sigurado akong alam mo na labag sa batas itong gusto niyong mangyari!” Hindi ko na napigil na magtaas ng boses dahil nakaramdam na ako ng inis.
Tumingin siya nang diretso sa akin na parang hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko kaya nagsalita na lang akong muli.
“Bakit hindi po ninyo hayaan si Lucas na ayusin ang problema na ito? Na linisin niya ang pangalan ko at pangalan niya tutal pagkakamali niya ito? May mga pangarap pa po ako at mawawalan ako ng scholarship kung gagawin ko ang gusto ninyo, pasensiya na po pero hindi ko gagawin ang gusto ninyo, Attorney!” saad kong muli sabay akmang lalabas na sana nang magsalita siyang muli.
“Mawawala ang scholarship mo kung hindi ka papayag sa gusto ko at higit sa lahat, mas masisira ang buhay mo kung tatanggi kang pakasalan ang anak ko.”
Napaawang na lang ang bibig ko sa narinig ko.
“Kasal?!” kaagad kong sabi matapos magsalita ng mommy ni Lucas, “Nagbibiro po kayo, attorney,” dugtong ko pa.
“Magpapakasal kayo ni Lucas sa ayaw at sa gusto mo! Kailangang malinis ang eskandalong ito. Handa akong gawin lahat huwag lang masira ang reputasyon at pangalan ng pamilya namin at lalo na ang kay Lucas. Pasensiya na Erem, pero wala ka nang magagawa kung hindi gawin ang gusto ko,” panatag niyang sabi.
“At sino ka para magdesisyon sa buhay ko, Mrs. Sandoval? Abogado pa man din kayo!” galit kong sambit habang masama ang tingin sa ginang na kausap. Hindi ako nagpatinag sa kaniya.
“Like what I’ve said, wala ka nang magagawa. You have no choice. Binayaran ko na ang nanay mo tungkol sa pagpapakasal mo kay Lucas and guess what? Pumayag siya kaya kailangan mo akong sundin. Magpakasal ka kay Lucas at sabihin sa media na masiyado kayong naging intimate sa isa’t isa at nawalan ng kayo ng kontrol sa mga ginagawa niyo lalo ka na.”
Hindi ko napigilang mapa-ismid at mapa-iling sa narinig ko. Parang walang konsensiya ang kausap ko ngayon at sumabay pa ang labis na pagkadismaya sa aking ina.
“Anong klaseng pag-iisip ang mayroon ka attorney at bakit binayaran mo ang mama ko? Hindi na ako magtataka kung pumayag man siya dahil siguradong sinilaw mo siya sa bagay na salat kami. Paano naman po ang sariling buhay na mayroon ako pati na ang kay Lucas! Alam ba ni Lucas ang tungkol sa gusto ninyong mangyari?” punong-puno ng galit kong saad sa kaniya.
“Haharap ka sa media at gagawin mo ang gusto kong mangyari ,Erem. Magpapakasal kayo ni Lucas sa ayaw at sa gusto mo dahil kung hindi ay makukulong ka at ang nanay mo! Don’t act like you have something to be proud of, you’re just a poor girl who came from a not so good environment at huwag kang umasta na parang dehado ka sa pagpapakasal sa anak ko!” mapang-insulto niyang giit.
“Handa kayong manira ng buhay ng iba para lang hindi madungisan ang pangalan ng pamilya niyo.” Umiling ako. “Akala ko pa naman puro mabuti lang ang alam ninyong gawin attorney, pero hindi pala! Wala man akong maipagmamalaki dahil mababang uri lang ako ng tao pero nasisiguro kong hindi ako tutulad sa inyo, iharap ninyo sa’ kin si Lucas dahil kailangan ko ng paliwanag mula sa kaniya kung bakit ako nadawit sa pesteng issue na ito!” tuloy-tuloy at hinihingal kong saad ulit habang nagpupuyos sa inis at galit.
Ang dami kong tanong sa isip ko kung bakit biglang may ganitong problema, pero higit na nagpapagulo sa utak ko sa mga oras na ito ay bakit ako ang babaeng kasiping ni Lucas sa video na kumakalat.
Mabait at matalino si Lucas pero hindi nangangahulugan na wala siyang maling ginagawa sa buhay. Palaging laman ng mga bar si Lucas dahilan para palagi silang magtalo ng ina niya dahil para dito ay ikasisira ng reputasyon nila ang pakikipag-inuman at pakikipag-party ni Lucas.
Sobrang mahalaga sa kanila ang pangalan at reputasyon na meron sila, kahit pa dumating sila sa sukdulan na gumamit ng ibang tao maprotektahan lang ang imahe nila sa publiko.
Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Mrs. Sandoval nang muli siyang magsalita at harapin ako nang may seryosong tingin.
“Sa susunod na linggo ang kasal at bukas na bukas rin ay haharap ka sa media, Erem. Subukan mong tumanggi at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko! Ako ang bahalang magsabi ng lahat kay Lucas, sa ngayon hindi mo siya puwedeng makausap!”
Natawa lang ako dala ng pagkadismaya sa lahat.
“Whether you like it or not, you don’t have any choice but to marry my son!”
Tulala akong lumabas ng kotse ni attorney Sandavol matapos marinig ang mga huli niyang sinabi na hindi ako puwedeng tumanggi sa gusto niya, dahil kung gagawin ko iyon ay ipakukulong niya si Mama at ipatatanggal niya ang scholarship na mayroon ako, bagay na alam kong kayang kaya niyang gawin.
Ayaw kong sumang-ayon pero mukhang wala na akong pagpipilian pa. Tumanggi man ako o hindi ay dawit na ako sa issue dahil mukha ko ang nasa video.
Sana lang ay maging maayos ang lahat lalo na sa aming dalawa ni Lucas.
Gusto ko siya pero hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...