KABANATA 14

1K 13 0
                                    

KABANATA 14

“Hindi ka talaga marunong madala at talagang tumakas ka pa?!” galit niyang sabi habang magka-ekis ang mga braso nito.

“Magpapaliwanag ako, Lucas. Hinatid niya lang ako dahil nahilo ako sa daan habang naghihintay ng taxi,” sabi ko.

“Malandi ka talaga at matanda pala talaga ang gusto mo? Kaya pala pati si Dad inaakit mong hayop ka!” pasigaw niyang sabi.

Sa mga oras na ito mas dama ko ang takot kumpara noon, dahil base sa itsura ni Lucas halatang hindi niya ako bubuhayin sa galit na mayroon siya.

Gusto kong bumalik sa kotse ng mamang naghatid sabakin para tumakas, pero nang lingunin ko ang kotse niya ay tuluyan na siyang nakaalis.

“You didn’t follow my instructions, Erem, kaya magdusa ka ngayon sa gagawin ko sa iyong babae ka!” galit na sabi ni Lucas hanggang sa tuluyan na niya akong hinila sa buhok papasok ng bahay.

“Ahhh! Lucas nasasaktan ako!” pasigaw kong daing dahil mula sa pintuan papasok sa sala ng bahay ay hila ako sa buhok ni Lucas.

“I don’t fucking care, Erem! Malandi ka! I won’t let you ruin my name! Iiputan mo pa ako sa ulo? Puwes, magdusa ka!” galit na galit niyang sabi sabay sampal sa akin nang malakas dahilan para masubsob ako nang tuluyan sa semento.

Halos nalasahan ko na ang dugo sa gilid ng labi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Tatayo na sana ako para umakyat sa kuwarto ko at magtago mula sa kaniya pero mabilis niya akong napigilan.

Basta na lang niya akong hinila sa paa na naging dahilan para masubsob akong muli sa sahig. Lumuhod siya sa harapan ko at ‘tsaka ako paulit-ulit na sinampal sa mukha habang mariing hawak ang buhok.

Sa kada sampal niya sa mukha ko at paghila niya sa buhok ko ay halos mapasigaw ako sa sakit. Kahit pa nagmamakaawa ako sa kaniya na tama na ay hindi talaga siya tumogil.

“L-lucas p-please tama na. M-mali ang iniisip mo, t-tinulungan lang talaga ako ng lalaki na naghatid sa akin,” utal-utal kong pakiusap sa kaniya habang umiiyak pero tanging pagngisi lang ang naging tugon niya sa akin.

Sa mga oras na ito ay halos hindi ko na makilala ang lalaking nasa harapan ko. The man I knew before is the one that I admired for every single thing he do, but right now, the man in front of me is no longer the man that I used to know. Burado na sa isip ko ang mala-leading man niyang dating. Ang pagiging mabait at marespeto sa nararamdaman ng iba. Wala na ang lalaking nagbigay sa akin ng dahilan para manatiling positibo sa araw-araw at higit sa lahat, wala na iyong lalaking nagbigay sa akin ng dahilan para umasang makabubuo ako ng isang masayang pamilya, dahil sa mga oras na ito isang walang puso at masahol pa sa demonyo ang nasa harapan ko.

Alam ni Lucas ang pinakamalaking hiling at nais ko sa buhay dahil mula nang maging malapit kami sa isa’t isa, palagi kong sinasabi sa kaniya na balang araw ay bubuo ako ng isang masayang pamilya kasama ng taong mahal ko. Siya pa nga mismo ang nagsasabi lagi sa akin na matutupad ko iyon pero hindi ko akalain na sa oras na ito, siya rin ang tatapos sa pangarap kong iyon.

“May nalalaman ka pang ako ang sisira sa pesteng kasal natin at magbibigay ng issue, e kung tutuusin ikaw naman pala! At ang nakahihiya pa ay matanda pala ang gusto mo, Erem! Nakakahiya kang malandi ka!” natatawa niyang sabi sabay saboy sa akin ng isang basong tubig na hindi ko alam saan niya nakuha.

“H-hindi ako m-malandi Lucas. Please naman, Lucas, tama na. Bitawan mo na ako, nagpunta lang naman ako sa o-ospital!” umiiyak kong pakiusap sa kaniya dahil sa totoo lang ay namamanhid na ang mukha ko sa kakasampal niya pati na rin ang ulo ko dahil sa kakasabunot niya sa akin.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon