KABANATA 23
“I was never your wife, Lucas. Our marriage is fake!” I said while directly looking into his eyes at kita ko na mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa mga binitawan kong salita.
“You’re lying Erem, you’re lying!” galit na sigaw ni Lucas habang masama ang tingin sa aming dalawa ni Dad.
Hindi nakawala sa paningin ko ang gulat na reaksiyon nila lalo na ang mommy niya na mukhang may ideya na sa mga puwede kong sabihin.
But I don’t care! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Inumpisahan nila. Puwes, tatapusin ko!
I turned my gaze to attorney Amanda who looks so nervous.
“Why don’t you ask your own mother, Lucas? Bakit hindi mo sa kaniya itanong mismo kung nagsisinungaling ba ako?” I said while looking at Attorney Amanda na bakas ang kaba sa mga mata.
“Attorney Amanda, bakit hindi ikaw mismo ang magsabi sa anak mo na totoo ang sinasabi ko? Na peke ang kasal namin at palabas lang lahat ng iyon para sa kapakanan niya? Why don’t you tell him na ginawa mong kontrolin at sirain ang buhay ko para sa patapon na buhay ng nag-iisa mong anak?!
“Watch your words, Erem!” galit na sabat ng Daddy ni Lucas. Kaya naman bumaling ako sa kaniya na may masamang tingin.
“Oh kinakabahan po ba kayo sa mga sasahihin ko, Doc? Kinakabahan ka bang masabi ko kung paano mo ako muntik nang pagsamantalahan noon sa mansion ninyo? Natatakot kayong malaman ng asawa at anak mo na pinagnasaan mo ako dahil bata ako noong mga panahon na iyon?!”
“What the fuck are you talking about, Erem?!” galit na sigaw muli ni Lucas.
“Masyado kang feelingera, Erem! Stop it! Nakahihiya ka! Kumabit ka na nga sa isang matanda tapos gumagawa ka pa ng eksena ngayon! Have some class and decency, girl!” maarteng sabat naman ni Nikki na ikinatawa ko lang.
“Well, tell that to yourself Nikki dahil sa ating dalawa, ikaw ang walang class!” mapang-insulto kong tugon ‘tsaka siya inirapan lang.
“How dare you?!” tugon niya pabalik at akmang tatayo sana para sampalin ako pero pinigilan siya ni Dad.
“Slap Blythe and I will make your life like hell!” puno ng galit na sambit niya sabay simsim sa wine niya.
“Attorney, hanggang ngayon ba ay walang alam si Lucas sa mga ginawa mo?” baling ko sa ginang na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang tensiyon sa mga mata, “May sakit ka na nga at lahat, marami ka pa ring sikreto. Hindi kaya kinakarma ka na?” nakangisi kong sabi.
Halos dinig ko na ang tibok ng puso niya.
“Well, Luca—” Naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Attorney Amanda.
“Erem, don’t you dare tell him!” may pagbabanta sa boses nitong saad.
“You’re hiding something from me mom?!” Lucas said while looking so confused to her mother.
“Of course n—”
“Yes, she’s hiding something from you!” putol ko sasabihin sana ni attorney Amanda, “Stop hiding your secrets, Attorney Amanda. Limang taon akong nawala at akala ko malalaman niya na ang lahat, pero hindi pa rin pala so let me tell him everything.”
Hinarap ko si Lucas.
“Your mother forced me to marry you, Lucas. She forced me. Tanda mo noong pumutok ang issue tungkol sa iyo at ang scandal mo? Pinuntahan niya ako sa university para takutin at pagbantaan dahil gusto niyang akuin ko lahat ng pagkakamali tungkol sa scandal mo at palabasin sa media na may relasyon tayo. Ako naman si tanga sumunod at ginawa ang sinabi niya,” pagsisimula ko.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...