KABANATA 19

1.2K 15 2
                                    

KABANATA 19

I tried to find Erem pero bigo akong malaman kung nasaan siya. Siguro ay sadyang ayaw niya na talagang magpakita pa sa akin. I can’t blame her dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, lalayo rin ako at sisiguruhing hindi ako mahahanap ng kahit na sino.

I became so stressed on finding where Erem is at halos gabi-gabi akong hindi makatulog, dahil pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Erem na umiiyak at nakikiusap sa akin na tigilan na ang pananakit sa kaniya.

Naging karamay ko ang alak para makalimutan ang tungkol sa kaniya at para na rin hindi ko marinig ang iyak niya na halos sumisira sa matino kong pag-iisip. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil kahit alam kong wala naman siya sa bahay naming dalawa ay nagawa kong matakot dahil  sa pag-iyak niyang paulit-ulit ko na naririnig sa isip ko. Naging takas ko na lang din ang paglalasing upang matigil na ang pagsisi ko sa sarili ko tungkol sa batang nawala sa sinapupunan ni Erem.

Nakasuhan ako nang hindi ko kilalang kamag-anak ni Erem gaya ng sinabi ng doctor noon sa akin sa ospital. Ayaw nitong magpakilala at tanging “EJV” na initial lang ang binigay sa akin ng abogado.

Dahil doon, lalong naging matunog ang pangalan ko sa mga issue. Isama pa ang biglaang pag-alis ni Erem na naging dahilan para maraming haka-haka at espekulasyon ang narinig  ko na kesyo iniwan ako ni Erem dahil babaero ako at isang failure sa pamilya Sandoval. Ganoon pa man, kahit alin sa mga sinabi nila ay hindi ko binigyang pansin dahil alam kong walang maniniwala sa akin.

Naging laman ako ng mga bar at halos gabi-gabi akong umiinom. Tinataboy na nga lang ako ng mga bouncer dahil kung hindi ako inaabot ng umaga sa pag-inom, madalas ay sentro ako ng kaguluhan.

No one wants to be with me at halos i-reject na ako ng lahat. Nasira ang dati’y napakaganda kong imahe sa mga tao. Dahil doon, pakiramdam ko ay napakasama kong tao dahil lahat na lang inaayawan ako.

Naging sakit ako sa ulo ni Mommy! My mom did everything what she can para lang ilaban ang patong-patong na kasong inihain laban sa akin at hindi naging madali ang lahat para sa kaniya kahit pa marami siyang koneksiyon, bagay na ipinagtataka naming lahat, dahil sino ang relative na iyon ni Erem para magawa niyang ipitin ako sa mga kasong inihain ng EJV na iyon laban sa akin.

Nagbago ang pakikitungo ni Mommy sa akin nang dahil sa sunod-sunod na problemang binigay ko sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong pagod na pagod siyang linisin at pagtakpan lahat ng kalat at kagaguhan na ginagawa ko.

Napawi ang lahat ng pangamba ni  Mommy lalo na ako nang tumawag ang abogado ko at sinabing naka-drop na ang kaso, because of that I felt so confused and so livid to know who is that EJV na kasama ni Erem sa mga panahon na ito.

Ngunit kasabay ng pagkawala ng mga kaso laban sa akin ay ang unti-unting pagkakaroon ng sakit ni Mommy. Nang dahil pa roon, nagalit at sinisi ako ni Dad dahil para sa kaniya ay kasalanan ko raw ang lahat ng kamalasang nangyayari sa amin.

Madalas na sumakit ang ulo ni Mommy at kung minsan ay nawawalan siya ng malay, kaya naman naging madalas siya sa ospital para malaman kung ano ba talaga ang sakit niya and it turned out na may brain cancer siya.

And Mom having a cancer is a big problem for me, dahil mula ng malaman iyon ni Dad, wala araw na hindi niya isinisi sa akin ang lahat pati na rin ang unti-unting paghihirap namin dahil halos pareho na silang hindi makapagtrabahong dalawa. Pinilit kong magpunta si Mommy sa ibang bansa para magpagamot pero sadyang matigas ang ulo niya, kaya para maka-iwas siya sa stress na dulot ko ay pinili kong lumayo sa kaniya para nang sa ganoon ay hindi na siya mabigyan pa ng problema.

Gabi-gabi pa rin akong nag-iinom at lasing, kaya naman kung minsan at hindi ako nakakapasok sa opisina dahilan para magalit naman sa akin si Lolo.

“What are you thinking right now, Lucas?” tanong sa akin ni Mommy isang beses nang puntahan niya ako sa condo unit ko. Bakas sa itsura niyang hindi maganda ang pakiramdam niya pero sinisikap na ipakita sa akin na okay siya.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon