WAKAS

2K 20 10
                                    

WAKAS

Everything in my life is a lie and I’m so stupid for not noticing it.

I really can’t believe that my marriage with Erem is fake! Bakit nga ba hindi ko naisip na puwedeng mangyari iyon? Dahil ba masyado akong nagtiwala kay Mommy at naniwalang ipinilit ni Erem ang sarili niya sa akin?

I became the worst version of myself because of our marriage na humantong sa pananakit ko kay Erem and because of that, hindi ko namalayan na sumosobra na pala ako.

When I saw Erem again and she showed in front of me, ang unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang makipagbalikan sa kaniya at makasama siyang muli sa iisang bahay. Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang tungkol doon, basta ang alam ko gusto ko siyang makasama ulit para nang sa ganoon na rin ay makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kaniya.

But I changed my mind wanting her in my life again seeing how she looks so happy with another man— old man to be specific that made me so angry.

Hindi ko pa rin magawang tanggapin na ang matandang iyon ay karelasyon ni Erem. That EJV! Kaya noon pa lang ay may duda na akong hindi lang siya basta relative ng asawa ko, dahil tama ang hinala ko na may relasyon sila! Kaya naman bilang ganti, pinasundan ko si Erem para hanapan sila ng ikasisira nilang dalawa, and that’s how I found out that they have a child.

Sa madaling salita, siniraan ko sila dahil hindi ko matanggap na niloko na nga ako ni Erem, nagawa niya pa rin niyang maging masaya at talagang nagkaanak pa sila ng matandang iyon.

They live happily while I am suffering! Hindi iyon puwede!

But I still want Erem in my life. Gusto kong itama lahat kahit pa alam ko na mahirap at imposible ang bagay na nais ko.

I will take Erem back!

When our dinner meeting happened, maraming bagay at rebelasyon akong nalaman at natuklasan. Mga kasalanan na hindi ko akalaing magagawa ni Mommy at higit sa lahat, si EJV na inakala kong lalaki ni Erem ay ang ama pala na matagal na niyang inaasam na makita at makilala.

So all this time, I believed and lived in lies! Naniwala ako nang hindi ko man lang inaalam ang lahat.

“Is she mine, Erem?” I asked Erem when the kid was taken by Erem’s secretary.

“She’s Cianna and yes Lucas, she’s your daughter,” Erem said after telling that EJV is her father.

“But how?!” malungkot at tila naguguluhan kong tanong sa kaniya.

“I convinced her doctor to inform you that the baby didn’t survive because I want my daughter to have her reason to leave you!” pasigaw na sabi ni EJV bago tuluyang nagmartsa palayo sa lamesa namin.

My child is alive! Sa loob ng limang taon inakala kong patay na ang bata dahil sa kagagawan ko! At dahil doon, mag-isa akong nagdusa at nagsisi nang walang sinuman ang may alam.

My heart is full of happiness and excitement nang ipakilala ako ni Erem kay Cianna na anak namin. I really can’t believe that my child is alive.

Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman ko nang makita ang batang nakatitig sa akin na parang may gustong sabihin. Pakiramdam ko ay nabuhay ang diwa ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

I feel that there is something in her eyes and she’s telling something to me. Na tila gusto niya akong kausapin gamit ang mga mata niya na punong puno ng pananabik at saya dahil nakilala na namin ang isa’t isa.

“Daddy, Daddy!” Cianna said while sobbing then hugged me.

Sobrang saya ko dahil hinayaan ako ni Erem na makilala ang anak namin sa kabila ng mga kasalanan na nagawa ko sa kaniya.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon