KABANATA 18
Umuwi ako tulad ng gustong mangyari ni Erem, kahit pa may mga taga-media na humahabol sa akin. Talagang gusto nilang malaman kung bakit na-ospital ang asawa ko para lang hanapan ako ng butas na ikasisira ng mga magulang ko.
I can’t blame them. Mula pa man kasi noon, ako na ang sakit sa ulo ng mga magulang ko at madalas na nagdadala ng problema na puwedeng ikasira ng magandang reputasyon na itinayo nila.
I ignored them and went home. Umuwi ako hindi para iwasan si Erem kung hindi para hayaan muna siyang mapag-isa at nang sa ganoon ay kumalma siya.
I also let myself to calm down dahil hindi ako makapag-isip ng tama at maayos habang nakikita kong nag-hi-hysterical si Erem. Kasalanan ko ang lahat. Alam ko at sobra akong nagsisi na huli ko nang nakita na sobra na pala ang mga nagawa ko sa kaniya.
Maaring wala na ang baby sa sinapupunan niya na sinasabi niyang anak ko, pero hindi ko magawang maniwala dahil natatakot akong tanggapin na ako ang naging dahilan para mawala siya.
Sa dalawang araw na lumipas habang hinihintay ko siyang gumising sa loob ng kuwarto niya, hindi mag-sink in sa utak ko na nagawa ko siyang bugbugin nang husto at umabot pa sa puntong halos burahin ng mga pasa at sugat ang itsura niya.
I found Erem beautiful ever since I met her before pero habang tinititigan ko siya na walang malay, hindi ko na maaninag iyong ganda niya dahil bukod sa mga pasa niya sa mukha, panay na rin siya sugat na ako ang may gawa.
Tama si Mommy at Daddy, hindi nila ako pinalaki na masamang tao para umabot ako sa puntong makasakit ng babae at asawa ko pa mismo.
I lost myself and my sanity when I got married to Erem especially whenever she’s around me. Pakiramdam ko kasalanan niya ang lahat dahil sa pagiging makasarili niya ay nabawasan ang kalayaan ko sa buhay bilang isang lalaki.
Mayaman at kilalang tao ako that’s why I want to do everything that is beyond my control, but because I got married with her and everyone knew about our relationship, I can’t do everything what I want.
One mistake, sa akin na naman nakatutok ang spotlight, bagay na puwedeng maging dahilan para hindi ko makuha ang kompanya ng lolo ko kaya naman kahit gusto kong magliwaliw nang higit pa sa kaya ko ay hindi ko magawa.
Nang makauwi ako, mas pinili kong mapag-isa at magpakalasing hanggang sa makatulog na lang ako, bagay na hindi ko dapat ginawa, dahil kinabukasan pagbalik ko ng ospital ay wala na si Erem dahil umalis na siya at kahit sinong tanungin ko ay hindi nila alam.
“May sumundo po sa kaniya na parang mga body guards,” tanging nasabi ng nurse na naabutan ko sa loob ng kuwarto.
“Anong oras sila umalis?” kunot-noo kong tanong pa ulit.
“Mga isang oras na po ang nakalipas sir,” tugon nito sa akin.
Dahil sa naging tugon ng nurse ay mabilis akong naglakad papunta sa parking lot ng ospital pero kaagad din akong natigilan nang makita ang doctor na tumingin at nag-alaga kay Erem, na siya ring nagsabi sa akin ng tungkol sa kamag-anak nito na may plano umangong kasuhan ako at mag-alaga sa asawa ko oras na magising siya.
Imposible na wala siyang alam kung sino ang sumundo kay Erem, kaya naman kaagad ko siyang hinarap para tanungin at komprontahin.
“Where’s Erem? Where’s my wife?!” galit na tanong ko sa kaniya. Hindi nakatakas sa akin ang pagkagulat sa mukha niya, marahil ay hindi niya inaasahan na sa kaniya ko mismo hahanapin si Erem.
“Who’s her relative that you’re referring to yesterday? At akala ko ba ay kakasuhan niya ako? Bakit hanggang ngayon wala akong natatanggap na complaint?!” magkasunod ko pa ulit na tanong, pero halata ang kawalan ng pake ng doktorang nasa harapan ko.
“Speak up Doc, kung ayaw mong tanggalan kita ng trabaho. Where is my wife?!” This time, I didn’t stop myself to shout because of too much anger. Gusto kong magwala sa hindi malamang dahilan lalo na nang makita kong wala na si Erem sa silid niya.
I still need to talk to her dahil hindi pa maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa. Marami akong kasalanan sa kaniya kaya dapat ay makapag-usap pa kaming dalawa.
“I’m sorry Mr. Sandoval, but I can’t tell you everything. And please, let your wife to recover first. Wala akong alam sa nangyari sa inyo pero sapat na na paliwanag sa akin ang mga pasa at sugat niya lalo na ang pagkawala ng anak ninyo at masyadong masakit iyon para sa kaniya bilang babae, kaya hayaan mo muna siyang maging malaya at malayo mula sa iyo,” sabi niya sa seryosong tono ng boses habang nakatingin din ng seryoso sa akin.
“But—”
“Just be happy… That’s all what she wants for you and from you,” putol pa niyang muli sa dapat na sasabihin ko, “Sa huli, gusto niya pa ring maging masaya ka sa kabila ng mga sakit na dinulot mo sa kaniya, I gotta go now, Mr. Sandoval,” makahulugang niyang sambit muli bago ako tuluyang tinalikuran.
Prinoseso ko muna sa isip ko ang huling sinabi ng doktor at hinayaan lang ang sarili kong nakasalampak sa semento. Pakiramdam ko kasi sa mga oras ito ay sobrang sising sisi ako. Bukod kasi sa hindi ko siya naabutan sa kuwarto, ramdam ko na sa aming dalawa ako ang lubos na nagkasala.
Kasalanan ko ang lahat kaya humantong sa ganitong pangyayari kung saan natauhan na siya at iniwan ako, bagay na matagal ko naman nang gustong mangyari mula pa man noong ikasal kaming dalawa.
Dapat nga ay masaya na ako dahil finally! I’m free! Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magdiwang.
Imbes na umuwi ay minabuti kong dumiretso sa bar ng pinsan ko na si Gio para uminom nang sa ganoon ay mahimasmasn ang utak ko. Sinabi ko rin lahat ng nangyari sa kaniya dahil pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa mga oras na ito.
“Gago ka Lucas! You lost you’re child! Namatay ang dapat na anak mo dahil sa kahayupan mo! Tama lang na iniwan ka na ni Erem!” puno ng galit niyang sabi na binalewala ko lang.
Tama siya gago ako!
“Heto na sana ang huling beses na magkikita tayong lahat. Sobrang nagsisisi ako na nakilala ko kayo at hinayaang guluhin ang buhay ko!”
“Sising-sisi ako na ginusto at minahal ko ang katulad mong walang puso Lucas. Hindi na lang sana ako nahulog sa iyo, siguro hanggang ngayon ay maayos ang buhay ko!”
Tahimik lang ako habang dimadama ang alak sa lalamunan at hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga salitang huling binitawan ni Erem sa akin. I guess because she’s right— I ruined her life.
I ruined Erem Blythe Valderama’s life.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...