KABANATA 7
Kinabukasan matapos na may nangyari sa aming dalawa ni Lucas ay hindi ako makabangon. Bukod kasi sa masakit kong pagkababae ay masakit rin ang leeg at pisngi ko dahil sa pagsakal at pagsampal niya sa akin.
Nanghihina man ay sinikap ko pa rin na bumangon para maligo nang sa ganoon ay malinis ko ang sarili ko. Kagabi kasi ay basta na lang akong bumagsak ng higa sa kama nang makabalik ako sa sarili kong kuwarto matapos na umiyak sa kama ni Lucas. Hindi ko nga nagawang kumain ng hapunan at linisan ang sarili ko.
Dama ko ang sakit sa buong katawan ko bagay na alam kong kapag ininuman ko ng pain reliever ay mawawala o kaya ay mababawasan ang sakit, pero ang sakit na mayroon sa puso’t isip ko ay hindi na mawawala dahil kahit anong gawin ko, naka-ukit na sa pagkatao ko ang malungkot at masalimuot na buhay.
Kahit pa nanghihina ang katawan ko ay sinikap kong bumaba sa kusina upang maghanda ng pagkain para kay Lucas, pero bago pa man ako tuluyang makababa ay tanaw ko na siyang nakaupo sa high chair ng kusina habang sumisimsim ng kape. Nakaramdam ako ng kaba nang biglaan siyang lumingon sa gawi ko pero sinikap ko na hindi niya iyon mahalata.
“Good morning, Lucas,” nakangiti kong bati sa kaniya nang tuluyan na akong makababa, pero tanging pag-ismid lang niya ang nakuha kong tugon.
Sanay na akong hindi niya ako pinapansin lalo na tuwing umaga, pero wala ba siyang maalala o maski pakialam tungkol sa nangyari sa amin kagabi? Kinuha niya ang bagay na dapat ay ibibigay ko nang kusang-loob sa kaniya.
Ganoon ba siya kagalit nang sobra para gawin iyon nang walang pahintulot ko? Kagabi pa naman ay umaasa ako na baka sakali na kapag gumising ako ngayong umaga ay may magbago sa trato niya sa akin, kasi nga, ‘di ba? Nakuha niya ang virginity ko at ayon kasi sa mga nababasa kong libro, mas mamahalin ka raw ng lalaki o hindi kaya ay mamahalin ka na niya kapag binigay ang bagay na iyon pero sa lagay ko ay mukhang imposible.
Para sa akin ay hindi rin naman dapat iyon ang maging batayan para lang mahalin at mas mahalin ng isang lalaki ang babae, sadyang nasa tao lang talaga ang problema kagaya ni Lucas na kahit anong gawin ko ay hindi ako matatanggap at mapapatawad, dahil sa pinaniniwalaan niyang sinira ko ang buhay niya.
Nagluto ako ng almusal habang si Lucas naman ay abala sa pagbabasa sa laptop niya, hindi ko tuloy maiwasang makintal ng kyoryosidad kaya sandali akong tumingin rin sa laptop niya para makibasa sa ginagawa niya.
Nakita kong nasa website siya ng isang airline kung saan nag-book siya ng flight papuntang Italy, hindi ko tuloy naiwasan ang mapakunot ang noo at napatanong ako bigla sa kaniya.
“Anong gagawin mo sa Italy, Lucas?” biglaan kong tanong sa kaniya habang sa laptop pa rin niya ang tingin ko.
“None of your business, Erem. Stop asking me about my personal errands. Asawa lang kita sa papel kaya huwag kang manghimasok sa mga ginagawa ko!” galit niyang tugon sa maikling tanong ko.
“Nagtanong lang ako, Lucas. Hindi naman ako nangingialam,” saad kong muli bago siya talikuran pero bago pa man ako makalayo kung saan siya nakaupo, hinila na niya ang buhok ko dahilan para mapa-igik ako sa sobrang pagkabigla dulot ng malakas niyang hatak sa buhok ko.
“Ayaw ko sa lahat ay iyong nagtatanong ka sa mga ginagawa ko at pinakanagpapainit ng ulo ko Erem, ay iyong ang hilig-hilig mong sumagot sa akin! Basura talaga ang ugali mo kahit kailan! Manang mana ka sa nanay mong malandi!” galit na galit niyang sabi sabay hatak ulit ng malakas sa buhok ko.
“N-nasasaktan ako Lucas. Huwag mong idamay si mama sa away nating dalawa! Wala siyang ginawang mali sa iyo!” pasigaw ko ring tugon sa kaniya.
Nasasaktan man ako ay pinilit kong makapagsalita laban sa sinabi ni Lucas tungkol kay Mama. Marami mang nagawang pagkakamali sa akin ang sarili kong ina at kahit kailanman ay hindi niya pinaramdam ang pagmamahal na hinahanap ko mula sa isang ina, pero hindi ibig sabihin noon na hahayaan kong maliitin siya ng ibang tao kahit pa si Lucas iyon.
Wala akong ideya kung saan nakuha ni Lucas ang sinabi niya na iyon, pero ang mahalaga kahit paano ay ipinagtanggol ko si Mama.
“Ang sabihin mo, katulad ka lang din ng mama mo, Erem. Malandi at mukhang pera! Hindi ba kaya nga siya nagpakalayo-layo kasi binayaran siya ni mommy para lumayo dahil naging kabit siya ng tito ko!” natatawang saad muli ni Lucas habang nababakas pa rin ang galit sa mga mata.
Nag-uumpisa ng mamuo ang luha sa mga mata ko dahil sa gulat na naramdaman sa sinabi ni Lucas tungkol kay mama. Hindi ko alam at wala akong alam tungkol sa bagay na iyon dahil ang tanging alam ko lang ay lumayo si mama matapos na bayaran ni Attorney Amanda matapos niyang pumayag na magpakasal ako.
“Hindi yan totoo Lucas! Hindi! Bitawan mo ako kasi nasasaktan na ako!” galit kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa buhok ko.
“Gulat ka ba, Erem? Well truth hurts, kaya hindi ako magtataka kung isang araw may lalaki ka na rin, pero bago iyon mangyari ipapakita ko muna sa iyo ang itsura ng impiyerno!”
“Ang sama na talaga ng ugali mo, Lucas! Ang sama-sama ng ugali mo!” sigaw ko sa kaniya dahil hindi ko na napigil pa ang sarili kong lumaban.
Umagang-umaga ay nag-aaway na naman kaming dalawa at halos araw-araw ay humihiling ako na sana siya mismo ang makaramdam ng pagod sa sitwasyon naming dalawa.
Bukod sa ikinasal ako sa kaniya, gusto kong malaman kung bakit mas higit pa sa sobra ang galit na mayroon siya para sa akin.
Ang hirap magmahal! Masyadong nakabubulag at nakasisilaw, kaya heto at nandito ako sa isang sitwasyon na kahit magsisi ako ay huli na.
“Dahil din naman sa iyo naging masama ang ugali ko. Huwag kang mag-alala, sa iyo lang ako masama!” sambit niya habang hawak nang mariin ang buong mukha ko sabay sampal ng malakas sa akin.
“Magbihis ka nang maayos mamaya dahil pupunta tayo kina mommy. Subukan mong magsumbong at hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin!” dugtong niya pang muli bago ako tuluyang iniwanan sa kusina.
Tanging pagluha na lang ang nagawa ko. Bukod sa masakit ang aking katawan, kulang ang kakayahan ko para lumaban sa asawa ko at masabi sa kaniya ang totoo na dapat ay umpisa pa lang sinabi ko na dapat.
BINABASA MO ANG
Oppressed Wife's Runaway
Romance"I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and...