KABANATA 16

1.1K 14 2
                                    

KABANATA 16

I feel like my world has stopped when I heard what the doctor said.

The baby is gone and it’s all my fault!

I killed Erem’s baby!

Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kaniya na wala na ang baby sa tiyan niya. Hindi ko ginusto ang lahat at nadala lang ako ng sobrang galit ko kaya nangyari lahat ng iyon.

Pabagsak akong naupo sa isang upuan dito sa waiting area matapos na marinig ang balita ng doktor na kaagad rin namang umalis. I really don’t know how to react after hearing what the doctor said pero isa lang ang nasa isip ko, Erem will surely blame me for what happened.

“What did you do, Lucas? What did you do to your wife?!” naputol ang pagiging tulala ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Dad. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya at sobrang pagkadismaya sa nangyari.

“Binugbog mo ba ang asawa mo kahit na buntis siya? Answer me, Lucas!” galit na tanong muli ni Dad ‘tsaka ako mabilis na kinuwelyuhan.

“I hurt her… Sinaktan ko siya dahil sa sobrang galit ko. Sumuway siya sa utos ko kaya ko lang nagawa iyon, Dad!”

“Hindi ka namin pinalaki ng Mommy mo para manakit ng ganiyan, Lucas! She’s your wife and you should treat her nice!Paano kung malaman iyan ng pamilya niya at kasuhan ka, ha?! Kahit kailan talaga wala ka nang ginawang matino, Lucas!” galit na galit niyang sabi pa bago ako binitawan.

“Lucio, don’t say that to our son! Hindi niya naman ginusto ang nangyari!” galit na sabat naman ni Mommy.

“Here we go again, Amanda… You are defending him again na parang walang ginawang masama! He killed his own child and almost killed Erem tapos sasabihin mo hindi niya ginusto ang nangyari?!” galit na usal ni Dad .

“Bakit ba masyado kang concern kay Erem, Lucio? I’m sure that woman did something wrong kaya umabot ang lahat sa ganito! Stop defending her!” tugon naman ni Mommy.

“Amanda, can you hear yourself? You are blaming Erem who almost killed by your own son? Nawala ang magiging apo natin dahil din mismo sa kaniya. Hindi ba napasok sa isip mo kung gaano kalaking kasalanan ang nagawa niya?!”

Mom and Dad argued because of what happened pero ako ay nanatili pa ring walang kibo habang nakatungo lang at nag-iisip kung paano haharap kay Erem. Sigurado akong hindi niya matatanggap kapag sinabi kong wala na ang baby niya. Higit sa lahat, mas lalo niya akong kasusuklaman dahil sa nangyari.

“What?” I heard Mom talk to someone over the phone and she looked so annoyed the moment that someone spoke to her, mukhang may hindi magandang balita siyang natanggap mula sa kausap niya at kung ano man iyon, sana ay hindi na tungkol sa pagkaka-ospital ni Erem.

“May media sa labas ng ospital at gustong humingi ng interview mula mismo sa iyo, Lucas. Hindi ko alam kung paanong nakaabot sa kanila ang bagay na ito kaya mas maigi na huwag ka munang magpakita sa kanila. Let me take care of this. I will talk to them. Sa ngayon, anak, please lang sana ito na iyong huling kasalanan mo na lilinisin ko,” walang emosyong sabi ni Mom.

“Mabuting babae si Erem. Hindi niya dapat dinanas ang bagay na ito mula sa iyo. She’s your best friend, your wife. At kahit gaano ka man kagalit sa kaniya, hindi mo dapat siya sinaktan. She did a lot of things to save you from issues, kaya sana kahit ayaw mo sa kaniya, naging considerate ka pa rin sa asawa mo,” seryosong sabi ni Mommy bago kami tuluyang iniwan ni Dad sa waiting area ng emergency room.

Tama si Mommy. Magkaibigan kami at asawa ko siya kaya hindi ko dapat siya sinasaktan, pero masisi niya ba ako kung iniisip kong si Erem ang dahilan kung bakit hindi ko magawa lahat ng gusto ko bilang lalaki?

I got married at a very young age at pakiramdam ko ay natali ako sa kasal naming dalawa na kahit kailan ay hindi ko ginusto. Masyado kasing mabilis ang mga nangyari noon at basta nagulat na lang ako nang may kumalat akong scandal ko pagkatapos pagharap naman ni Erem sa media para sabihing may relasyon kaming dalawa.

Mom told me that Erem did that because she wants to help dahil kaibigan niya nga ako, pero ang hindi ko kasi talaga maintindihan hanggang ngayon kung bakit basta na lang kaming ikinasal dalawa.

Because of that, I feel betrayed and angry. Sigurado kasi akong sinamantala niya ang sitwasyon dahil may gusto nga siya sa akin.

I tried to talk to her many times before the wedding pero lagi lang sinasabi ni Mommy sa akin na ‘tsaka na lang kami mag-usap kapag tapos na ang kasal. Dahil doon, nakaramdam ako ng sobrang galit sa kaniya dahil halatang umiiwas siya mula sa akin para hindi mapag-usapan ang ginawa niya.

Sinabi sa akin ni Dad na si Mommy mismo ang may gusto na makasal ako para humupa ang lahat ng issue. Ang hindi ko maintindihan, bakit sa dami ng babaeng kilala nila ay bakit si Erem pa.

I really felt so betrayed and annoyed when I saw Erem walking down the aisle wearing her most happy smile. Pakiramdam ko ay sinadya niyang gawin ang lahat dahil bukod sa gusto niyang makaahon sa hirap ng buhay gamit ang pera ng pamilya ko, sigurado akong plinano niya ang lahat dahil hindi naman hahantong ang lahat sa kasal kung hindi planado ang lahat.

Napasinghap ako mula sa aking kunauupuan nang lumabas ang isang nurse na siyang humihila sa stretcher kung saan nakahiga si Erem, walang malay, puno ng pasa at sugat at higit sa lahat, kitang kitang ang malaking pinagbago ng itsura niya.

“Sir ililipat na po namin ng kuwarto ang asawa mo,” saad ng isang nurse na siyang huling lumabas mula sa emergency room.

Kusang gumalaw ang mga paa ko para sumunod sa mga nurse na nag-asikaso kay Erem hanggang sa mailipat siya sa private room niya. Blangko ang isip ko at hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang tungkol sa anak niya pero isa lang ang alam kong dapat gawin, at iyon ay humingi ng tawad sa lahat ng pagkakamali ko sa kaniya.

Oppressed Wife's Runaway Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon