FIVE

44 3 0
                                    

"Ang daldal ng Mama mo, ewan ko saan ka nagmana ng pagiging tahimik." Sabi ni Princess.

Nandito kami ngayon sa Library since sinisimulan na namin yung group project ng sa gano'n may progress kahit papaano. Ayoko kasi ng 2 days or 1 day gagawin yung project kasi ayoko ng hindi maayos na submission.

Yes, ayoko ng nagagahol akong tao kaya as much as possible gusto ko 2 or 3 days before the deadline tapos na kami sa project kasi ayoko ng natatambakan ako nakakapagod.

"Ampon ata ako eh, My Dad is also talkative person din eh." Sabi ko rito.

Yes, Si Papa and Mama ay both maingay isama mo na si Ate Elle and Ate Yaz kami lang halos ni Ate Yla 'tong medyo tahimik pero ako sobrang tahimik ko na rin halos nung naka-encounter ako ng fake friend which is past na dapat ko na i-let go at mag move on na lang from what happen.

"What happen ba? Ganyan ka na ba talaga since birth?" Tanong ni Princess kaya naman bigla siya hinawakan ni Gwen sa kamay siguro para pigilan si Princess sa pagtatanong.

"It's a long story, tinatamad ako magkuwento." Sagot ko kaya tumango na lang sila.

"Sorry if personal matter na ata yung tanong namin sa'yo." Sabi ni Gwen kaya nginitian ko siya.

"Ayos lang," tipid kung sagot.

Tumayo kaya agad naman sila napatingin sa akin na halatang nagtataka.

"Tara kain tayo, mahirap makapag-focus kapag gutom." Sabi ko sa kanila kaya niligpit agad nila ang mga papel na pinagsulatan namin ng idea saka dinala ni Princess.

"May naisip akong magandang nickname mo Princess," sabi ko habang naglalakad kami pababa since nasa third floor ang library.

"Ano yun? Excited ako malaman." Sabi ni Princess.

"Janelle," sabi ko kaya naman napaisip siya.

"Why Janelle?" Tanong ni Gwen.

"Jan then Michelle for Elle kapag pinagsama Janelle, I don't include the Princess since tawag mo na yun sa kaniya kaya yung dalawa na lang ginamit ko." Sabi ko kaya naman nagulat ako ng yakapin ako ni Princess.

"Nagustuhan ko, galing naisip mo yun. Iba talaga level ng mga brainy." Sabi nito saka bumitaw sa akin kaya naman tumango na lang ako.

Habang naglalakad kami ay nagkukuwento sila ng mga kung ano anong bagay na maisip nila.

"Hindi ko talaga akalain magiging close tayo," iyon ang sabi ni Janelle.

"Madalas kasi na tayo ang nag aasikaso since wala rin naman tayong circle of friend kaya siguro gano'n ang nangyari mare." Sagot ni Gwen.

"That is what you called a unexpected friendship," sagot ko kaya nag agree sila.

Pagkarating sa room naghiwalay na kami dahil nasa dulo ang puwesto ko habang sila naman ay nasa may bandang bungad.

Niligpit ko ang gamit ko habang pinapatahimik ni Gwen ang mga kaklase namin.

"Suspended ang klase, late ka na mag announce Pres." Sabi ng isa sa mga kaklase ko na hindi ko alam ang pangalan dahil wala naman akong pakealam.

"Edi ikaw na may alam, paladesisyon ka masyado Carl." Sabi nito kaya nagsimula na umingay.

That how Gwen being the savage President pero kahit mahilig mambara yan mabait siya atsaka responsible rin tapos isama na natin pagiging pretty niya kasi to be honest maganda naman siya for me eh, malay ko lang sa ibang tao.

Napailing ako saka tiningnan si Gwen na nakakunot ang noo.

"May iniwan si Ma'am na gagawin send ko na lang sa gc, class dissmiss." Sabi nito saka naglakad para kuhanin ang bag nito kaya tumayo na rin agad ako para makalabas.

"Hi Nevaeh," bati sa akin ni Krissy kaya kinawayan ko lang siya saka naglakad palabas.

"Hays, wala na akong pera. Frenny kung vlogger wala ka ba plano magpa-give aways. Sali ako baka manalo ako sa gano'n malaki lang talaga pangangailangan ko sa buhay." Sabi ni Janelle saka kumapit sa braso ko.

Nasasanay na ako sa pagiging clingy niya kahit minsan may percent pa rin na naiirita ako ay hinahabaan ko ang pasensiya ko.

Patience Ven.

"Puwede naman kita pautangin," sabi ko rito.

"Ayoko Nevaeh, matagal bago kita mabayaran ayoko sumama imahe ko sa'yo. Sasali na lang ako sa give aways mo since nag reach ka na pala sa 100k subscriber." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

"Matatag yan si Janelle, don't worry about her. Kaya niya yan." Sabi ni Gwen ng makita nito ang itsura ko kaya tumango ako saka bumuntong hininga.

Tatanggi pa sana sila sa libre ko kaya lang naunahan ko na sila s pagbabayad kaya naman wala na sila nagawa pa.

"Ang buong akala ko hindi ka kumakain ng ganito, wala lang binase ko lang sa personality mo." Sabi ni Janelle.

"Amoy judgemental be," sabi ko sa kaniya kaya natawa si Gwen.

"It's not about being judgemental pero observation lang, buti ka pa nga maganda walang ka arte arte yung feeling maganda sobrang arte." Sabi nito kaya naman napaisip ako.

Wala naman tayong magagawa sa mga taong maarte kasi sila naman yun, choice nila kaya hayaan na lang natin sila kasi maiirita lang tayo sa kanila.

"Tapusin na natin yung group project natin may need pa ako tapusin eh, busy ako sa mga susunod na araw." Sabi ko sa kanila.

"Huwag sa bahay, marami kami mahirap makapag-focus." Sabi ni Janelle.

"Ilan ba kayong magkakapatid?" Tanong ko rito.

"Anim kami tapos yung dalawa may pamilya nasa amin din nakatira,"

"Puwede sa amin," presinta ni Gwen.

"Pero hindi maganda bahay namin guys ha," dugtong pa nito.

"Wala naman kami sinasabi na required pa maging maganda ang bahay baliw," sabi ko rito.

"Next time sa bahay naman tayo nila Ven," sabi ni Janelle kaya nginitian ko na lang sila.

Pinigilan ako ni Gwen sa balak kung bumili ng pasalubong sana, sabi nito wag na raw kasi nakakahiya naman siya na lang daw ang bibili ng pasalubong.

"Bakit hindi na lang tayo nag-tricycle mare," sabi ni Janelle kaya naman kumapit sa braso niya si Gwen kaya naman nakasunod lang ako sa kanila.

"Exercise 'to be,"

"Exercise te? Tirik na tirik ang araw, lakas ata ng tama mo." Sabi nito kaya naman pumagitna ako sa kanila.

"Bonding 'to mga beh kaya okay lang yan," sabi ko sa kanila saka kumapit sa braso nila.

Halata sa itsura nila ang pagkagulat dahil sa pagkapit ko sa kanila, first time ever ko 'tong gawin dahil sanay ako na sila ang kumakapit sa braso trip ko lang bigla maging clingy ewan ko ba.

Bago 'to ha. Hindi ata si Nevaeh 'tong nandito, sinapian ata ako ng pagiging clingy.

"Hindi mo kailangan itago kung anong other side mo, tanggap ka namin." Sabi ni Gwen habang nakangiti sa akin.

"Tanggap ka namin kahit anong ugali pa taglay mo kasi gano'n ang tunay na magkaibigan." Sabi ni Janelle kaya naman napangiti ako.

"Thank you guys," sabi ko sa kanila.

"Wag ka matakot magtiwala," sabi ni Gwen dahilan para mapatigil ako.

Panahon na siguro para magtiwala ulit, sana this time tama na 'to.

"It take times for everything, we are here lang. Kaibigan ka pa rin namin kahit ano man ang mangyari." Sabi ni Janelle.

"Sana totoo na 'to Lord," bulong ko.

"Pabulong din ako be," sabi ni Gwen.

"Sabi ko gutom na ako kaya dalian na natin atsaka mainit na rin," pagdadahilan ko.

"Ito na nga po Madam," sabi ni Gwen kaya natawa na lang kami ni Janelle saka nag usap usap habang naglalakad.

"Wag ka mahiya Nevaeh, feel at home ka lang sa bahay." Sabi ni Gwen kaya tumango na lang ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now