TEN

46 4 0
                                    

"So... Elle ano yun? Bakit trending ka?" Tanong ni Ate Yaz kaya naman napatingin agad si Ate Elle.

Ayon kay Ate Elle nagamit niya real account niya sa pag-co-comment kaya naman dinagsa siya ng mga tao. Famous yan si Ate Elle kahit wala naman ginagawa kung hindi lang ako vlogger malamang si Ate Elle pinaka-famous sa aming apat.

Occupy 'tong kuwarto ni Ate Yaz pero natutulog kami rito ni Ate Elle kapag namimiss namin siya.

"Break time kasi namin when I decided to read a story, siya kasi all time favorite ko. Nakalimutan ko na I'm using my real account kaya ayun. Marami na rin nakakita that time kaya wala na akong chance to delete it. As in na-realize ko lang nung bigla akong sinabihan ng kaklase ko na laman ng RP." Napailing ako habang samantalang si Ate Yaz napangiti.

Minsan pala may kabobohan din si Ate Elle akala ko matalino na siya sa lahat hindi pala.

Totoo nga, walang perpekto sa mundo.

"At least na-notice ka," sabi ko rito.

I know naman na big deal yun for ate kasi sobrang fan siya kaya masaya rin naman ako for her. Alam kung yun ang isang bagay na nagpapasaya sa kaniya.

"Na-sa-sad at the same time kasi syempre ang tagal ko gusto mag-pa-notice tapos nung RA ko na yung gamit saka ako na-notice pero happy akong na-notice niya ako." Sabi nito habang nakangiti.

See? She's famous siguro dahil na rin sa active siya sa mga ganap sa school, laging una plus maganda kaya malamang kilala talaga.

"Ang lola mo lu-ma-love ata, kabogera talaga ng taon." Sabi ni Ate Yla saka niya hinila ang buhok ni Ate Elle.

"P*kyu ate," sabi ni Ate Elle.

Napabuntong hininga na lang ako ng mapansin kung natuon ang atensyon ni Ate Yaz sa akin dahil siguro s bigla kung pagtahimik.

"What's new with you aside from being vloggerist?" Tanong ni Ate Yaz kaya ako ang naging center of attraction.

Gusto ko sana sabihin kaya lang ayoko muna gawin yun pero habang tumatagal kasi ay mas lalo akong kinakabahan. Although wala na dapat akong i-worry since nagkakausap naman din kami ni Jk, madali na lang sabihin kaso nandoon pa rin talaga yung lintik na kaba na nararamdaman ko.

"Ay ate, promblemado ang baby natin. May dare kasi kami sa kaniya about sa 24 hours mag jowa challenge, we want kasi na ma-try niya yun. Ang lola mo kasi hindi marunong mag-flirt. Sabi nga nila matuto ka mag out of zone, like different content. Then, I dare her to having a 24 hours mag jowa challenge sa guy na kakilala nung kakilala ko." Sabi ni  Ate Yla na tuwang tuwa pa.

Aba, sana all tuwang tuwa. Kayo lang natutuwa ako hindi natutuwa sa dare na yan.

"May jowa 'to si Ate Yla, ate." Sabi ni Ate Elle.

Ayan tama yan Ate Elle, ilaglag mo rin si Ate Yla para lahat tayo rito naasar hindi lang ako aba.
"Gaga ka," sabi na naman ni Yla saka niya hinampas si Elle sa braso.

"May naghatid sa kaniya last time, aba ang lola mo lu-me-level up. May label na ata." Sabi ko kaya nakatanggap ako ng sabunot kay Ate Yla kaya hinampas ko siya sa kamay dahilan para bitawan niya 'ko.

"Epal talaga kayo," sabi nito sabay irap kaya tawang tawa kaming tatlo kay Ate Yla.

"You mean yung jowa ni Yla yung kakilala nito ang magiging jowa ni Ven for 24 hours para sa vlog tama ba?" Sabi ni Ate Yaz.

"Bingo," sabi naman ni Ate Elle.

"Kayong tatlo improvement talaga ha? Baka next time na bibisita ako ipapakilala niyo na sila as jowa. Yiee so excited." Sabi ni Ate Yaz na halatang kinikilig kaya tatlo kami magkakadabay na inirapan siya.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now