"Dinaan kami sa pagkain kasi late siya," sabi ni Janelle pagkarating ko.
"Sorry talaga," sabi ko sa kanila.
"Okay, lang may pagkain naman daw sabi ni Janelle," sabi ni Gwen kaya napailing na lang ako.
"Kunwari ka pa riyan, gusto mo rin naman eh." Sabi ni Janelle.
Binilhan ko sila ng fries and burger tapos sinamahan ko na rin ng coffee since coffee lovers din pala sila.
"Another budol na naman kay Nevaeh," sabi ni Gwen saka sila natawa ni Janelle kaya nakitawa na lang din ako.
"May iba na naman na name si Ven, Nevaeh "galante" Montivilla." Sabi ni Janelle saka sila nag apir ni Gwen saka sila tumawa kaya napatingin na sa amin ang mga student na nakakarinig ng tawa ng dalawa.
"Gutom lang yan mga sis, ikain niyo lang yan." Sabi ko sa kanila kaya kumain talaga sila.
Mga walang hiya talaga at hindi ako inalok.
"Ang sarap talaga ng libre," sabi ni Janelle.
"So true lang," sabi ni Gwen tapos nag apir sila.
"Thank you Ven na maganda," sabi ni Janelle.
"Salamat, ma-miss namin 'tong libre mo," sabi ni Gwen.
"Ito naman nagpapaalam ka agad wala pa nga, iiwan na nga siya nung isa idadagdag mo pa yung atin. Huwag muna dagdag pa ang sakit na dinadala niya." Sabi ni Janelle.
Minsan talaga magugulat ka kay Janelle kapag ang seryoso niya magsalita parang ibang Janelle tuloy kaharap ko. Natahimik kami mg dumaan sa harap ko ang mga kaklase ko.
"Congrats Nevaeh," magkakasabay na sabi nila.
Alam kung nalaman na nila ang balita kaya binati na nila ako.
"Thank you," sabi ko sa kanila kaya naglakad na sila paalis.
Sobrang saya ko sa mga classmate ko ngayon kasi alam mo yun hindi nila kailangan makipag-kompetensiya sa akin tipong alam nila hanggang saan lang talaga sila at bukal sa loob nila ang pagtanggap na hindi nila ako kaya pantayan I mean hindi nila kaya kuhanin yung number one spot ko kaya ginagalingan na lang nila para makasali sa kahit anong rank. What I love about them is they accept it already na hanggang doon lang talaga sila. Tapos makakatanggap ka pa ng congrats galing sa kanila.
They are willing to help those who need their help and that's how I love and remember them.
Best section so far.
"Let's go," sabi ni Gwen kaya naman naglakad na papunta sa mga prof na kailangan namin papirmahin.
Habang naglalakad kami papunta sa faculty ng mga prof namin madalas ako batiin ng mga nakakakilala sa akin.
"Paalis ka na rito saka ka pa naging famous, walang thrill. Sayang." Sabi ni Janelle.
Mas nanghinayang pa siya sa akin, ako nga wala naman pake sa popularity na yan eh. Mas gusto ko nga hindi ako gano'n kakilala para namumuhay lang din ako ng normal.
"Ikaw pa mas nanghinayang kaysa kay Ven, ito nga walang pakealam sa popularity eh." Sabi ni Gwen na nakaturo pa sa akin.
"Omsim," sabi ko kaya natawa sila.
"Ay wow, sabay na rin siya sa trend. Congratulations." Sabi ni Janelle kaya tinarayan ko siya.
"Sana talaga makahanap ka ng kaibigan na may mahabang pasensiya tapos sanay sa pagiging mood swing yung every minute dapat ha." Sabi nito kaya natawa si Gwen.
Masasabi ko talaga na napaka-understanding nila sila halos nag-a-ajust sa mood ko kaya minsan nagi-guilty ako kaya madalas ko sila alokin ng libre peace offering sa pagiging ma-attitude ko.
YOU ARE READING
𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #4 Nevaeh Montivilla is a vlogger and the main content of her vlog was a makeup tutorial or some random about their life. Until one day, she dares to have a 24-hour magjowa challenge with a guy name John Karlos Muri...