EIGHT

38 3 0
                                    

"So... totoo nga ang chismis," sabi sa akin ni Janelle pagkaupo niya sa tabi ko.

Wala yung prof namin kaya napagdesisyunan muna namin ang kumain dito sa canteen.

Hindi ko pa sinasabi sa kanila alam ko na alam na nila dahil for sure nakasagap sila ng chismis.

Tinapos ko ang orientation para maging familiar ako sa gagampanan na role ng iba buti na lang at si Kathrina ang bestfriend ko sa palabas na yun kaya mapapanatag ako na may makakausap ako kahit papaano.

"Hindi tayo mahuhuli sa balita for today's video. Kailangan updated kami ni Gwen." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

"Anyway where is Gwen?" Tanong ko rito.

Pagkadating ko sa room hindi ko na agad siya nakita pa.

"Ako ang kasama pero hanap mo siya," pagkanta nito kaya inirapan ko siya.

"Isa," sabi ko kaya naman natahimik siya saka tumawa.

"Seryoso mo masyado, hirap mo naman po biruin lods. Anyway, pinatawag sa principal office ewan ko para saan pero alam ko naman hindi yun problema kaya kalma ka lang diyan. Matalino yun si Gwen kaya basic lang yun atsaka sanay na rin yun sa gano'n mare." Sabi nito sabay kindat sa akin.

"Whatever," sabi ko na lang.

"Sasamahan ko dapat siya kaso naalala ko baka ma-miss mo ako kaya sabi niya samahan na lang daw kita." Sabi pa nito kaya napakunot ako ng noo.

"Baka mamaya hindi mo kaya-

Pinutol ko ang sasabihin nito ng isubo ko sa kaniya ang burger na kinakain ko para manahimik lang siya.

"Ang ingay mo," sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

Wala na 'tong nagawa kung hindi nguyain ang burger dahil wala naman siya choice pa.

Tahimik lang kami habang kumakain ng tumabi si Gwen sa akin ng hindi ko naramdaman ang presensiya kung hindi lang siya tumabi sa akin.

"Bakit ang tahimik niyo? Okay, tahimik ka naman pero siya bakit tahimik." Sabi ni Janelle na nagtataka kasi hindi nagsasalita si Janelle.

"Sorry," sabi ko kay Janelle kasi hindi siya nakangiti.

Baka na-offend ko siya sa ginawa ko, baka medyo below the belt yung ginawa ko with her.

My fault.

"Baliw, wala yun. Sinubukan ko lang maging tahimik. Hindi ko pala kaya." Sabi ni Gwen saka 'to tumawa kaya naman napabuntong hininga ako.

"Ang epic ng mukha mo," sabi pa nito kaya naman tinarayan ko siya.

"Sanay na ako sa gano'n kaya wala ng bago sa akin, atsaka isa pa alam ko naman na joke yun kaya why would I hurt? Ume-english ang ate mo girl." Sabi pa nito kaya naman tumango na lang ako.

"Anyway, grabe paglabas ko ng principal office takte na yan wala na akong marinig bukod sa John Karlos at Nevaeh na name tapos gumagawa pa sila ng love team na puwede ipangalan sa inyo and yes isa ako sa ship sa inyo." Halos kinikilig na sabi ni Gwen.

"Totoo grabe, gusto ko pumalakpak atsaka ipagsigawan na proud bessy here. Grabe talaga, imagine no hindi pala imagine noon ship ko lang sila since parehas vlogger tapos ngayon mangyayari na talaga yung collab na yun tapos love team pa. Ako'y kinikilig." Sabi ni Janelle saka sila naghiyawan ni Gwen dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao kaya naman nagsimula na sila magbulungan.

Maybe ako na naman ang topic ng mga 'to pero dahil wala naman akong pake ay hindi ko na lang sila pinansin pa.

"Let's back to our room," sabi ko sa kanila kaya naman tumayo agad sila pero hindi pa rin sila tumigil sa paghaharutan nila kaya nauna na ako sa kanila.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now