TWENTY-THREE

33 3 0
                                    

"Ma, Pa, Ate, si Nevaeh po pala kaibigan ko." Pagpapakilala niya sa akin pagkapasok namin.

Paano ba naman naabutan namin sila sa sala na kumakain habang nanonood. Nginitian ko na lang sila.

"Good afternoon po," bati ko sa kanila.

"Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na babae?" Tanong ng Ate nito kaya napalapit ako sa kaniya.

Oh my gosh! Mali talaga ang desisyon ko na pumayag na rito namin gawin ang collab na naisip niya.

Ayoko na po rito.

"I told you ate, nagbago na 'ko." Sagot nito na halatang casual lang.

"Ay wait lang, I saw you on youtube. Oh my gosh! Ikaw nga yung partner ni Jk sa drama. Sabi na nga ba familiar ka eh. Galing mo umarte nice meeting you Nevaeh, I'm Jan Karylle but you can call me Jarylle or Ate." Sabi nito saka ako bineso kaya nakisabay na lang ako sa kaniya.

"Naninibago ako sa'yo Jk kasi last time na nagdala ka ng babae rito girlfriend mo kaya nanibago ako na may kaibigan ka na babae pero masaya ako kasi nagiging socialize ka na sa babae, good yan." Sabi ng Papa nito.

"Wag ka mahiya Nevaeh, feel at home ka lang dito. Halika't umupo ka rito, ipaghahanda ko kayo ng merienda niyo." Sabi ng Mama nito saka tumayo kaya umupo na lang ako sa ako sa sofa kung saan nakaupo ang Mama nito.

"Salamat po," sabi ko sa Mama niya.

"Thanks Ma," sabi ni Jk saka hinalikan sa noo ang Mama niya.

Umupo rin 'to sa tabi ko saka naman tumayo ang Papa niya.

"Maiwan ko muna kayo at may gagawin pa ako, hija wag ka mahiya sa amin." Sabi ng Papa niya saka naglakad paalis kaya naiwan kami rito na tatlo.

"Anyway, nagkita na kayo ni Elaine? Iyong ex niya? Nakuwento niya ba yun sa'yo?" Sunod sunod nito na tanong tapos tumabi pa 'to sa akin.

"Oo Ate Jarylle actually aksidente lang na nag-meet kami, nakausap ko rin siya then twice ko na siya halos nakakasama. She's actually nice po and also friendly type tapos madaldal." Sabi ko rito kaya tumango si Ate Jarylle.

"Nice, actually mabait naman yun siya tapos close rin kami kasi nga kalog din kaso ayun nga lang hindi na sila ni Jk kaya hindi na rin nagpunta rito pero I think okay na sila ni Jk okay na yun. At least masaya naman na sila." Sabi niya kaya tumango ako bilang pag sang ayon.

"Ang weird lang kasi naging mas masaya kami nung hindi na kami baka nga tama sila na mahahanap lang namin ang tunay na saya once pinalaya namin ang isa't isa kasi hindi na kami masaya sa piling ng bawat isa." Sabi ni Jk kaya hinaplos ko ang likod nito.

"Magiging masaya ka rin," sabi ko rito.

"Masaya yan ngayon beh, ikaw ba naman may ka late night talks sa gabi hindi ka sasaya di ba? Atsaka parang itago na lang natin sa pangalan na Nevaeh yun eh." Sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Hindi naman kami madalas magka-chat ni Jk minsan lang kapag nauuna siya mag-chat tapos hindi namin namamalayan yung oras kaya madalas 1 na ako nakakatulog kasi kahit sa chat ang dami pa rin namin kuwento.

"Ate! Ano ba!" Sabi ni Jk kaya natawa ang ate nito.

"Upgraded na pala ang friends ngayon, friends pero updated sa isa't isa. Galing ang ganda ng generation niyo. May isa pa nagseselos wala naman label." Sabi nito kaya natawa ako kasi accurate talaga yung sinasabi niya.

Grabe na talaga mga kabataan ngayon. Nagulat ako ng tinulak ni Jk ang ate niya dahilan para matawa ako sa kanila.

"Walang iyakan bro," sabi niya pa habang naglalakad paalis.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now