THIRTY-THREE

23 3 0
                                    

"Hindi naman agad kami na-inform na sa bahay niyo pala ang venue," sabi ni Janelle pagkapasok namin sa bahay ni Jk.

"Mas maganda na rin 'to mas comfortable sa bahay kaysa sa mamahalin na kainan," sabi ni Gwen kaya naman tumango ako.

Ganyan na ganyan din reaksyon ko nung unang dating ko rito kaya nakikita ko sarili ko kay Janelle at Gwen.

"Ano pa ba ang ginagawa niyo riyan, halika na kayo ng makakain kayo." Sabi ng Mama ni Jk.

Nauna si Jk at Austin habang nakasunod kami ni Gwen at Janelle.

"Masaya akong makita kayo," sabi ni Ate Jarylle. Naalala ko pa name niya.

Once lang ako nakapunta rito.

"Oh my gosh! Nandito ka ulit Nevaeh, I'm glad you came here again." Sabi ni Tita saka ako niyakap kaya gano'n na lang din ang ginawa ko.

Very millennials ni tita nakakaloka kaya sumabay sa amin. Ako na lang tuloy nahihiya.

"Ma!" Sabi ni Jk pero mahinahon lang 'to.

"I just missed her," sabi ni Tita.

"Pakainin muna natin sila Ma," sabi ni Ate Jarylle kaya inaya kami ni Tita umupo.

Magkatabi kami tatlo nila Janelle at Gwen ako ang nasa gitna nila. Mayroon sila hinanda na fried chicken, pancit, malabon, kanin, adobo tapos caldereta atsaka mga pang himagas kagaya ng biko and also may cake pa.

"Masyado naman po 'tong marami kung lima lang kami," sabi ko.

Dahil siguro pati sila magtataka kung ganyan kadami tapos ang onti lang ng tao. Daig pa ata handaan sa birthday eh.

"Actually it's my birthday." Sabi ni Jk kaya napatingin kami.

"Ay gago nakalimutan ko pre," sabi ni Austin tapos tinapik niya sa balikat si Jk.

"Fake friend," sabi ni Ate kaya natawa kami.

"Why did you not tell us? Sana man lang may nadala kami na gift." Sabi ko rito.

Ang tagal na namin nag uusap sa chat never ko naisip itanong ang birthday niya. Si Austin alam ko kasi I attend on his birthday dahil nandoon naman si Jk kaso Ate Elle is not able to attend pero sumaglit din ako sa nag inom sila bawal sa amin yun.

"Gusto ko lang kayo i-surprise," sabi nito.

"Surprise? Dapat nga yung may birthday ang isu-surprise kaso baliktad ang nangyari." Sabi ni Gwen.

Totoo, kami ang na-surprise kaysa sa kaniya na may birthday. Ang galing kasi siya na 'tong may birthday nagawa niya pa kami i-surprise.

"Bakit kami lang bisita mo?" Tanong ni Janelle.

"Ayoko ng party, gusto ko lang yung simple at kaonti lang tao na pupunta." Sabi niya pa.

"Atsaka hindi talaga gusto ni Jk na i-celebrate ang birthday niya nagkataon lang na gusto niya kayo papuntahin kaya naghanda ako." Sabi ni Tita.

"Let sing for him," sabi ni Ate saka kinuha ang cake at sinindihan ang kandila.

"Happy birthday, happy birthday Jk, happy birthday happy birthday happy birthday Jk," pagkanta namin.

Napansin ko na ngumiti si Jk siguro ay dahil hindi niya inaasahan na hahandaan siya. Akala ko dahil may kaya sila sa buhay gusto nila ng malaking handaan yung party party gano'n yun pala mas gusto niya lang ang simple at kasama mga malalapit sa kaniya.

"Make a wish," sabi ni Tita.

He close his eyes and I think he started to make a wish.

Sana balang araw maging tayo.

Ito ang hiling ko kahit hindi ako ang may birthday.

Hinipan na nito ang kandila kaya naman nagpalakpakan na kami.

Nagsimula na kami kumain dahil nga inabot na sa amin ang pinggan na babasagin pa. Nakakatakot hawakan bukod sa mabigat tila mamahalin pa ata ang presyo.

"Why did you not tell me your birthday?" Sabi ko rito habang abala ang mga kasama namin kumuha ng pagkain.

"You did not ask me," sabi nito.

"Edi sana sinabi mo man lang sa akin, ilang beses tayo halos magkasama halos araw araw nga eh. Sana sinabi mo man lang para napaghandaan kita ng regalo." Sabi ko rito.

"Ikaw pa lang ayos na sa akin, ikaw ang best gift na binigay sa akin ni Lord. Itong mayroon sa ating dalawa ang pinaka the best gift. At ang best gift na natanggap ko sa'yo ay yung pagkagusto mo sa akin wala na ako kailangan pa basta nandyan ka." Sabi niya kaya naman tumango na lang ako.

"Happy birthday John Karlos Murillo, stay who you are, and stay ka lang sa akin eme. Basta nandito lang ako palagi." Sabi ko saka siya hinalikan sa pisnge na kinagulat niya.

"Ano yan ha? Kayo ha." Sabi ni Austin kaya natawa kami.

"Naglakad na lang ako palapit sa kanila," sabi ko saka kumuha ng makakain ko.

Bago ako nagsimula sa pagkain ay nag my day ako ng picture niya nung nilibre ko siya ng pagkain tapos nag walk out ako. He ask me to take a photo of him while I'm holding his hand kaya I take a picture with my phone. Ang sa pagkakaalam ko ay na my day niya na yung akin kaya siguro nakita ng mga ka school mate namin then nasa wallpaper niya pa ata, If I'm not mistaken ay sa home screen wallpaper dahil ang lock screen niya ay sila apat na pamilya.

I caption the picture with.

Hi Jk, happiest birthday. I'm forever thankful that you are one call away BFF I'm always here for you just message me. Love you my Jk, enjoy life mwaa.

I tag him also I don't care what other people think as long as he's happy his happiness is also my happiness.

Ang unang nag-react ay si Ate Yla sumunod ay si Ate Elle kaya naman kinabahan na ako nagsimula na mag ingay sa gc namin na magkakapatid. They even send her screenshot to our group just to inform ate Yaz pero natawa lang ako at walang plano sagutin katanungan nila kasi uuwi rin naman ako.

"Kain ka na muna," sabi ni Tita kaya agad ko tinago ang phone ko sa bag saka nagsimula sa pagkain.

We take a picture kasi raw gusto ni Gwen mag my day we even take a picture of Jk kasi babatiin daw nila.

"Thank you, guwapo ko sa picture." Sabi ni Jk sa akin habang pinapakita ang my day ko.

Bigla naman ako nahiya.

"first-time ko yan grabe, nahihiya ako pero dahil birthday mo maman sige flex na kita." Sabi ko sa kaniya.

"Sabihin mo in love in ka lang sa akin," sabi nito saka ginulo ang buhok ko.

"Wews," sabi ko.

"Sige ako na lang inlove sa'yo ikaw naman unang nag confess," pang aasar nito.

Ay wow, nang ungat ng pass ang baliw pasalamat siya birthday niya kaya mabait ako sa kaniya.

"Prangka kasi ako kung ano yung gusto ko sabihin sasabihin ko, ikaw kasi duwag takot ma-reject kaya naging torpe." Sabi ko kaya hindi siya nakaimik.

"At least umamin,"

"Umamin ka dahil umamin ako,"

"Ano naman pinaglalaban mo?" Sabi nito sa akin.

Kaya nga, ano ba ang pinaglalaban ko? Ewan ko sa sarili ko.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko rito dahil wala na akong masabi.

"Mahal kita," bulong nito.

"I knew it, friends with benefit nga kayo. I heard that mga beh. Pero quiet lang ako." Sabi ni Janelle kaya natawa kami ni Jk.

"Alam din namin pero lowkey lang, next time ipa-bill board natin yan." Sabi ni Gwen kaya nagtawanan kami.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now