TWENTY-SEVEN

29 3 0
                                    

"Kumain ka na ba Ven?" Tanong sa akin ni Jk kaya agad akong umiling.

It's already 11:50 pero hindi pa ako kumakain ng lunch sa kadahilanan na tinatamad ako.

Since support ang school sa amin excuse kami ng two weeks para daw matapos na namin 'tong project dahil nga next month ata ang target date for judging kaya halos umaga hanggang gabi akong nandito para mag shoot.

"Tara kain tayo, alam mo naman ayoko ng nagugutom ka." Sabi nito sa akin saka inabot ang kamay niya.

Nakaupo kasi ako ngayon sa damuhan dahil gusto ko lang atsaka wala rin naman maupuan at nangangalay na ako kakatayo ko.

Inabot ko ang kamay nito saka ako tumayo habang nakaalalay siya.

"May baon akong dala," sagot ko rito.

Nagdesisyon akong magbaon na lang para bawas gastos at pamasahe na lang ang ibabawas ko. Ang scene na shino-shoot namin ay mga naglalaro sa isang Park then scene namin ni Kathrina which is best friend then scene namin ni Jk na parang namamasyal kami.

"Ako rin may dala na baon, let's eat." Sabi nito kaya kumapit ako sa braso nito.

Nagbago na ako hindi ko na siya ngayon hinahampas kahit madalas niya ako asarin pinili ko na lang tarayan siya at kontrolin ang kamay ko na wag siya mapalo kahit minsan gusto ko pero so far kahit papaano ay nakaya ko.

So proud of you self.

"May nagbago sa'yo Ven, bumait ka ata. Hindi na siya mapanakit yiee." Sabi nito saka ginulo ang buhok kaya tinarayan ko na lang siya.

Madalas na kami nagkakausap sa chat ni Jk pero lagi siya ang nauuna since ayoko na mag-first move. Nagawa ko na part ko sa pag amin kaya siya naman ang mauna mag-chat. Madalas ay natutulugan ko siya ata paggising ko sa umaga sandamakmak na chat niya ang mababasa ko tapos kapag nagkikita kami sa personal mag-so-sorry ako kasi natutulugan ko siya kaya ang ginagawa ko ngayon kapag magkausap kami ay nagpapaalam na ako once maramdaman ko yung antok ko kaya ayun hinahayaan niya ako matulog habang siya naman naglalaro nagpapa antok since hindi agad siya makatulog sa gabi.

"Mamaya pala baka maaga ako makatulog ha," sabi ko rito.

"I know pagod ka kaya pahinga ka pag uwi mo tapos hindi na rin namim ikaw maihahatid kasi need nila Mama si Kuya Roel." Sabi nito kaya tumango lang ako.

"Okay lang, kaya ko naman umuwi mag isa." Sabi ko sa kaniya.

Although first time ko mapunta rito ay alam ko naman na anong sasakyan, two rides lang naman 'to pauwi sa amin eh. Kayang kaya ko.

"Ihahatid kita sa may sakayan para hindi ka na makapaglakad ng malayo," sabi niya kaya agad akong umiling.

"No need na Jk, kasabay ko naman sila maglalakad kaya ayos lang. Wag mo na akong alalahanin pa kaya ko na 'to." Sabi ko sa kaniya.

Nagsimula na kami sa pagkain habang tahimik lang kami.

"Anong tawag sa atin?" Tanong niya kaya naman napakunot ako ng noo.

"Huh!?" Sagot ko.

"I mean, gusto natin isa't isa pero hindi kita nililigawan pero nagkakausap tayo. Ano tawag sa atin?" Tanong nito.

Natahimik ako at napaisip, ano nga kami? Hindi ko naman masasabi na we're still friend kasi gusto namin ang isa't isa at mas lalo naman hindi puwede na magjowa kasi wala naman kami label. Edi anong tawag sa relasyon namin?

"Ang importante masaya tayo," sabi ko dahil wala akong maisip na tawag sa relasyon na mayroon kami.

"Ang mahalaga malinaw na sa atin na gusto natin ang isa't isa at sapat na siguro yun, mag enjoy lang tayo at hayaan natin dumating ang tamang panahon na may tawag din sa relationship natin." Sabi nito kaya nginitian ko siya saka tumango.

"Tama,"

"Malakas tama ko sa'yo," sabi nito kaya hindi ko na lang pinansin kaysa naman mahampas ko na naman siya.

Nagpaalam ako sa kaniya na lalapitan ko muna si Kathrina kaya naman naiwan siya mag isa sa puwesto na pinagkainan namin.

"Hi teh," bati niya pagkalapit ko.

Imbes na ako ang babati siya na 'tong nauna sa akin.

"Hello Angela may bff," sabi ko kaya napangiti siya kaya umupo ako sa tabi nito.

My name on this drama is Emma then si Jk naman ay Marco.

"Bakit gano'n mas gumaganda po ata kayo, samantalang ako imbes mag glow up ang nangyayari ata ay glow down." Sabi niya kaya natawa ako.

"Ganda mo na kaya no need na para mag glow up," sabi ko sa kaniya.

"Sige dahil coming from you naniniwala na 'ko," sabi niya saka natawa kaya natawa na lang din ako.

"Anyway, how was the experience being Angela the best friend of Emma." Tanong ko rito since wala akong maisip na topic. Mahirap kasi hindi madaldal plus the fact na parehas pa kami na tahimik kaya kapag madalas katabi ko siya tahimik lang kami.

"Nakatutuwa since malayo yung personality ng ginampanan ko sa personality ko, si Angela kasi happy go lucky tapos punong puno ng positivity malayo sa Kathrina na tahimik at nega masyado sa buhay kumbaga opposite sila. Nakaka-challenge kasi kailangan talaga magawa mo yung role na napunta sa'yo pero ayun overall masaya naman ako at nag e-enjoy." Sabi nito kaya naman napatango ako.

Actually akala ko madaldal talaga siya since dinaldal niya ako nung first time namin mag meet sa court ayun pala nilakasan niya lang loob niya kausapin ako kahit kabado talaga siya.

"Ikaw po ba? How was the experience being Emma the antagonist of the story and being the partner of Marco?" Sabi niya kaya napangiti ako.

Sobrang na-enjoy ko yung character na binigay sa akin. Emma is a strong independent woman, wala siya pinapalagpas na opportunity lahat ng puwede gawin para matustusan niya pangangailangan niya gagawin niya. Nakaka-challenge para sa personality ko pero kapag ginagawa ko na yung role niya nabubuhayan ako na sana someday I can be her. Someday maging gano'n din ako sa kaniya.

"Kagaya ng sinabi mo magkaiba ang personality namin ni Emma pero somehow parehas kami ng gusto mangyari ang makatapos at makatulong. Kaya masasabi ko na babaonin ko talaga 'tong natutunan ko kay Emma. And about naman being partner with Marco nakaka-excite kasi syempre ang personality ni Marco somehow kunwari walang pake pero deep inside mabait siya hindi niya lang pinapakita. Hindi kailangan ipakita niya sa ibang tao as long as alam ni Emma na mabait siya." Sabi ko rito.

Sobrang saya ko habang pinapanood ko si Jk na nagiging Marco as in, kinikilig ako madalas kasi ang galing niya sana kagaya ko baonin niya rin yung mga natutunan niya sa movie na 'to in real life.

The purpose of our lives is to be happy.

Somehow yes, no matter how struggle and unfair life choose to live being happy.

"Tara na teh," sabi nito ng mapansin namin na tinatawag na pala kami.

Tumayo kami at sabay na naglakad nilapitan naman agad ako ni Jk saka niya ginulo ang buhok ko.

"Goodluck," sabi nito kaya tumango lang ako.

Bale ang scene na 'to ay dalawa kami ni Jk, kinakabahan ako pero gumagaan din naman kapag nagsisimula kami kasi support si Jk kaya kahit papaano masasabi ko na effective yung moral support ni Jk.

"Isipin mo na date natin 'tong scena na isho-shoot para kiligin ka talaga." Sabi niya kaya tinarayan ko siya.

"Ako lang makakaalam na kinikilig ka beh, wag ka na mahiya." Bulong nito.

Nagulat ako ng lumapit 'to sa akin at bigla akong halikan sa noo.

"Gagi baliw ka,"

"Hindi mo binasa script natin?"

"Yung line ko line, pake ko sa part mo." Sabi ko rito.

"Practice yun kasi may gano'n din tayo na scene, at least alam mo at hindi ka mabigla." Sabi nito sa akin.

"Just at least inform me," sabi ko rito.

"Mas sweet daw kapag hinahalikan ka sa noo ng hindi sinasabi,"

"Utot mo," sabi ko rito.

"Mamaya na po ang bebe time," sigaw ni Direct kaya nauna na ako maglakad palapit sa kanila.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now