THIRTY-FOUR

23 3 0
                                    

"Ga-graduate na tayo lahat lahat wala pa rin akong naiisip na course," sabi ni Janelle saka nagpangalumbaba.

"Hays, same Princess hindi ka nag iisa." Sabi ni Gwen kaya naman napatingin ako sa kanila.

Nakatambay kami ngayon sa canteen dahil two-hour vacant namin ngayon. It's been one week since the movie are done and still, there is no result, probably mga next week malalaman na namin. Syempre umaasa ako na kahit papaano pumasok yung amin kahit 3rd place lang. Feeling ko kasi maganda naman yung story pati yung casting ay okay na okay eh.

"Ikaw ba Ven? What course do you take in college?" Tanong ni Gwen kaya napaisip ako.

"Basta line up sa mass comm pero not sure about sa anong category sa mass comm. I was thinking pa kasi eh." Sabi ko rito.

"Sana all sure na sa buhay," sabi ni Janelle saka napayuko.

"Why did you take humss?" Tanong ko.

Ako kasi sure akong nasa field talaga ako ng mga something na nagsasalita ganern. Mas prefer ko talaga yung speaking rather than writing kaso kulang ako sa confidence pero naitatawid ko naman siya lalo na if may impromptu speech kami.

"Madali raw," sabi ni Gwen.

"Wala naman madali na strand, lahat mahirap." Sabi ko sa kanila.

Honestly kahit anong piliin nila may subject talaga na mahihirapan sila kaya wag nila sinasabi nila na madali ang humss ang hirap kaya ng more on writing and essay buti hindi pa sumasabog utak ko.

"Gusto ko maging nurse kaso baka mahirapan ako," sabi ni Gwen.

"Anong dahilan mo bakit ka mahihirapan?" Tanong ko rito.

"Ewan ko rin, thoughts ko lang naman yun eh." Sabi niya.

"Walang mangyayari kung iisipin mo lang, take a risk edi kung hindi kaya don't regret on ship your course especially when you no longer happy doing it." Sabi ko sa kaniya.

"Dahil diyan, I will pursue nursing." Sabi niya kaya naman nginitian ko siya.

"Ganyan dapat ang fighting spirit mo sa college, good luck my future nurse." Sabi ko sa kaniya.

"How about me?" Tanong ni Janelle saka umayos ng pagkakaupo.

"Mahahanap mo rin kung anong gusto mo," sabi ko rito.

Nag usap lang kami ng madatnan kami ni Jk.

"Hiramin ko lang muna si Nevaeh, hatid ko na lang sa room niyo." Sabi nito kaya napakunot agad ako ng noo.

"What happens?" Tanong ko rito ng hawakan niya ako sa kamay.

"Kahit iuwi mo pa yan ayos lang," sabi ni Janelle kaya tinarayan ko siya.

"You may now go," sabi ni Gwen kaya hinila na ako ni Jk palabas.

"What's going on ba? I can't understand talaga promise." Sabi ko sa kaniya.

"I will explain it to you just keep quiet and don't ask so many questions." Sabi niya kaya naman napabuntong hininga ako.

"Bitawan mo ako at susunod ako sa'yo," sabi ko kaya niluwagan niya pero nakahawak pa rin siya kaya hinayahan ko na lang siya.

Nagpunta kami sa garden kung saan wala gaano tao. Binitawan ako nito kaya naman tiningnan ko siya.

"Ano ba ang problema mo? Just tell me so that I can help you in a small way." Sabi ko rito kaya napaiwas siya ng tingin sa akin.

"May problema ka nga," sabi ko saka umupo.

Naramdaman ko ang pag upo nito kaya naman tiningnan ko siya.

"Nandito lang ako handa ka pakinggan, magsabi ka lang Jk." Sabi ko rito saka siya hinaplos sa likod.

Makalipas ang ilang segundo ay nagsimula na siya magsalita.

"I always pray that someday I can have a partner who can understand and accept me for who I am. Life is unfair, tama nga si Emma." Sabi nito kaya naman naptingin ako sa kaniya.

"Ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na makasama kita, nakasama kita sa isang project na naging daan para magkasundo tayo sa kabila ng pagkakaiba natin. Masaya ako dahil ikaw yun, malakas ako kay Lord. Thank you, Lord." Sabi nito.

Hindi ko alam ano ba ang pinagdadaanan ng lalaking 'to sa buhay pero hinayahan ko lang siya magsalita lalo at pakiramdam ko nababawasan yung dala niya na sakit.

"I love you, I promise that I will stay at your side. I promise to you that I want to see you grow and learn more things in life." Sabi nito kaya tiningnan niya ako saka hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw ang pinaka magandang biyaya na ibinigay sa akin ni Lord, sobra sobra pa ang binigay niya sa akin. I want you to be happy, I want you to pursue your dream, and I want to see you doing things that make you happy. You deserve it Nevaeh." Sabi nito saka tumulo ang luha niya kaya nagtaka na 'ko.

"Ano ba sinasabi mo? Paki-explain nga, naguguluhan ako Jk." Sabi ko rito kaya naman natahimik kami.

"Hindi ko alam na darating pala tayo sa punto na 'to, akala ko puro lang saya akala ko maayos na pero hindi pala. Pero ikaw ang isa sa mga what if ko na never ko pinagsisihan. Palagi ko sinasabi na what if umamin ako? Ginawa ko inunahan mo nga lang pero nagawa ko. Masaya ako makita ka masaya kaya please no matter what happens be happy." Sabi nito sa akin kaya tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Jk, naguguluhan ako. Hindi ko na alam ano ba yan mga pinagsasabi mo. Deretsyo mo na sa pinaka-point mo ng hindi ako rito nabibitin. Masyado pa suspense." Sabi ko sa kaniya.

Nagsisimula na ako kabahan at nararamdaman ko na ang panginginig ng kamay ko.

"I'm leaving the Philippines after we graduate senior high. I'm leaving you." Sabi nito kaya naman sunod sunod na bumagsak ang luha sa mata ko.

Napaupo na lang ako.

"Bakit? Para saan?" Tanong ko rito.

"Family problem,"

"Kaya sa abroad kayo kasi nandoon ang solution, anong klase ba na problema yan at kailangan sa abroad pa kayo pumunta." Sabi ko sa kaniya.

Oo alam kung wala naman kami pero gusto namin ang isa't isa. Anong malay ko kung magkagusto siya sa iba habang ako hindi pa rin nakaka-move on, siya na nga lang gusto ko iiwan pa ako.

Ang sakit mo mahalin Jk.

"Sorry," sabi lang nito.

"Nasaktan na ako Jk, maiiwan na ako wala ng magagawa yung sorry mo." Sabi ko na lang dito.

Tumayo ako saka siya hinarap.

"Malaking pagsisi na umamin ako pero mas malaki ang pagsisihan ko kung hindi ako umamin bago ka umalis, salamat sa panandaliang saya Jk." Sabi ko sa kaniya.

"Masaya akong nakilala ka at nakasama ka kahit sa sandaling panahon," ko saka hinaplos ang mukha nito.

"Maging masaya ka na roon kahit hindi ako kasama, wag ka mag alala magiging masaya rin ako." Sabi ko pa.

"Nevaeh..." Sabi nito sa akin saka hinawakan ang kamay ko na nasa pisnge.

"I love you so much, I don't want to lose you..." Sabi nito kaya naman bumitaw ako sa pagkakahawak.

"Iiwan mo nga ako kaya mawawala talaga ako," sabi ko rito.

"Hintayin mo ako Nevaeh,"

"Ayoko umasa at baka wala ka na rin abutan pagbalik mo, baka wala ka ng balikan pa." Sabi ko rito.

"Mahal kita pero hindi ako sigurado kung kaya kita hintayin ng matagal, maging masaya ka kahit hindi na ako ang dahilan." Sabi ko saka ko siya hinalikan sa pisnge.

"Goodbye Jk," sabi ko saka naglakad palayo sa kaniya.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now