NINE

37 3 0
                                    

"Ano ba yan, nakakainlove naman kagandahan mo Miss." Sabi ni Jk pagkarating ko sa venue kung saan gaganapin ang pictorial.

Nakita kung nandoon na rin ang iba pero nakahiwalay kami sa kanila.

"Corny mo," sabi ko rito.

Aga naman ako nito buwisitin.

"Ikaw lang yung pinuri na hindi natuwa,"

"Wala naman kasi nakakatuwa, duh!" Sabi ko saka siya tinarayan kaya nginitian lang ako nito saka umalis.

Hindi ko sukat akalain na kami lang ang laman ng cover page ng drama ang ilan ay pumunta lang dito for the group picture para sa dulo ng video kumbaga mga behind the scene.

"Dapat nag vlog kahit isa sa inyo ng behind the scene para doon na lang nila panoorin if ever maghanap sila ng behind the scene niyo," sabi ni Mrs. Carmen kaya naman sumang ayon ang mga kasamahan ko.

"Wala ako sa mood," sabi ko pero mahina lang pagkakasabi ko.

"Ako na lang po," sabi ni Jk saka tinawag ang camera man nito saka sila nagsimula sa pagvi-video.

Binasa ko na lang ang description ng story since mayroon na pero wala pa yung script dahil on working na raw ang mga script writer dito kaya naman may oras pa kami para ihanda ang sarili namin.

"Ito po pala yung maganda pero masungit kung ka love team," sabi ni Jk kaya naman tinarayan ko siya.

"Kapal mo," sabi ko ng hindi humarap sa camera.

Tinatakpan ko ang mukha ko para hindi makita ang mukha ko dahil nga sa wala ako sa mood humarap sa camera.

"May dalaw po yan kaya pasensiya na po kayo," sabi ni Jk saka sila naglakad paalis kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

Nagsimula na kami sa photoshot at malaki ang pasasalamat ko dahil naging mabait sa akin si Jk habang nag-po-photo shoot kami which is good thing para sa akin na wala sa mood makipagbiruan.

"Very good everyone," sabi ni Mrs. Carmen after namin matapos.

Halos tatlong oras din ang ginugol namin sa shoot na 'to kaya gano'n na lang ang pagod na naramdaman ko.

"Thank you for spending your time and effort to come here, see you all on Monday, and please rest kasi you need that on your rehearsal. Ingat sa pag uwi." Sabi ng principal kaya isa isa na sila lumabas samantalang ako naiwan dahil tatanggalin ko muna ang make up ko.

"Para saan pa at tatanggalin mo ang make up mo?" Tanong nito.

Alam niyo naman sino yan, Jk na kung makapagtanong ay akala mo ay close ko.

"Pake mo ba?" Mataray kung sabi.

"Let's have a lunch together," sabi nito kaya tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo.

"What?"

"Alam kung narinig mo kaya wag ka riyan pa what what Ms. Montivilla." Sabi nito.

Narinig ko nga pero excuse me hindi ako papayag mas gugustuhin ko pa mag isa kaysa kasama ko siya kakain baka may mga marites diyan sa tabi tabi at baka mai-chismis na naman sa buong campus na hanggang real life dinala namin yung loveteam na dapat sa palabas lang ia-apply.

"Libre ko," sabi nito ng matapos ako magtanggal ng make up.

"Okay fine," sabi ko na lang tutal wala naman din ako kailangan tapusin na school works.

Atsaka libre din naman kaya i-take ko na 'tong chance na malibre ng isang John Karlos Murillo for the first time and sana last time rin.

First and last lunch together.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now