TWELVE

39 4 0
                                    

"Itigil mo yan te," sabi ko sa kaniya pagkasakay namin sa jeep.

"Nakita ko yung reaksyon mo, hindi ka magre-react ng gano'n kung hindi ka affected." Sabi niya kaya naman napatingin sa amin si Ate Yaz.

"Anong mayroon? Pabulong?" Sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

"Mayroon affected rito sa gilid," sabi ni Ate Elle saka ako tiningnan kaya inirapan ko siya.

"Hayaan mo na nga siya Elle, nararamdaman niya yan kaya siya lang makakaalam if anong nararamdaman niya." Sabi ni Ate Yaz saka ako nito hinawakan sa kamay.

"Kung saan ka sasaya, support ka namin." Sabi ni Ate Yaz sa akin kaya tumango lang ako.

Pagkarating namin sa bahay dumeretsyo agad ako sa kuwarto ko para magpahinga, plano ko rin matulog dahil nga sa napagod ako maglibot at kanina pa ako inaantok.

Pag online ko bumungad agad ang chat ni Jk sa akin.

John Karlos:

Nakauwi ka na ba?

Nag-reply naman agad ako sa kaniya.

Nevaeh:

Yeah, kakarating lang namin actually. How about you?

Sineen lang ako nito saka ko nakita ang pangalan niya na tumatawag sa messenger kaya sinagot ko na lang.

"Bakit ka pa tumawag?" Tanong ko rito.

Oo at hindi lang naman isasagot sa tanong ko tapos siya kailangan pa tumawag.

"Wala lang,"

"Anong trip mo?" Sabi ko saka siya tinarayan.

"Kahit saan talaga kung gusto mo magtaray gagawin mo talaga, ibang klase ka." Sabi niya saka 'to tumawa kaya mas lalo ko siya tinarayan.

Wala na naman siya sense kausap, badtrip na lalaki 'to.

"Kanina pa ako nakauwi," sagot niya.

"Tapos?"

"Nagtanong ka kaya sinagot ko yung tanong mo,"

"K," sagot ko.

"K?"

"Kausap mo?" Pambabara ko.

"Kiss kita,"

"Mama mo blue," sabi ko rito.

Kung ano ano pinagsasabi ng lalaking 'to hindi ako natutuwa, naiirita ako sa kaniya. Sarap patayan ng call eh.

"Let's have a lunch together," pagbasag nito sa katahimikan ko.

"Nope, I told you first and last yun. Atsaka baka maging humor pa na official tayo." Sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka na lugi,"

"Excuse me Mr. Murillo,"

"Para sa kaalaman mo Ms. Nevaeh Montivilla hindi lang ako guwapo, mabait ako atsaka isa pa academic achiever ako hindi lang halata sa akin yun. Isa pa family oriented ako." Pagyayabang nito.

"Tinanong ko ba?"

"Share ko lang,"

"May nakalimutan ka sabihin Jk,"

"Loyal ako,"

"Nope, babaero ka tapos mayabang pa." Pang aasar ko.

"Gusto mo ba patunayan ko sa'yo na hindi ako babaero?"

"How?"

"Jowain mo 'ko."

"Corny mo naman po,"

"Ikaw lang nagsabi ng ganyan sa akin, ayaw tumalab ng charm ko sa'yo." Sabi nito saka nag pogi sign kaya inirapan ko siya.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now