TWENTY

28 3 0
                                    

"Grabe, pasabog ang Nevaeh natin ha. Kinikilig ako sa trailer kahit feeling ko tragic siya." Sabi ni Ate Yla.

Napanood nila yung trailer namin kaya dumeretsyo talaga sila rito sa kuwarto para lang doon.

"Grabe nga talaga ate. I can't imagine na kakayanin ni Ven yun. May chemistry talaga sila. Bagay talaga sila." Sabi pa ni Ate Elle.

"Ayan ang surprise," sabi ni Ate Yla.

"Ang ingay niyo," sabi ko sa kanila.

"Ang KJ mo naman sis, look kinikilig pa kami. Dalaga na siya yiee." Sabi ni Ate Elle with matching tusok sa tagilaran na hindi ko na lang pinansin.

"Baka bago magawa ang dare na yun with feeling na yun, aba mas exciting yun. Grabe na talaga 'tong pasabog mo sis." Sabi ni Ate Yla saka pumalakpak.

"Montivilla moments," dugtong pa niya.

"I'm so proud of you sissy," sabi pa ni Ate Yla saka ako bineso kaya napalayo ako sa kaniya.

"Ang ingay niyo, alis na nga nag-re-review ako at exam namin please lang mga Ate. Kailangan ko mag-focus dito dahil final na 'to please lang." Sabi ko kaya naman inirapan nila ako.

"Panira ng kilig," sabi ni Ate Elle kaya naman inaya na siya ni Ate Yla na lumabas kaya naman napabuntong hininga ako.

Actually alam ko naman tragic yung story namin kaya nagpa-practice na akong umiyak kasi alam kung may iyakan sa scene na yun. Halos isipin ko na kung anong mga puwede ko gawin para makaiyak kaso wala talaga akong idea.

Ano ba kasi alam ko sa pag iyak jusme, alam ko lang magkabisado at mag aral atsaka hindi ko naman aasahan na gaganap ako na bida tapos big drama pa 'to.

"Bunso may naghahanap sa'yo," sabi ni Mama dahil hindi naman nakasara ang kuwarto ko.

"Po?"

"May bisita ka sa labas," sabi niya.

Napakunot ako ng noo dahil wala naman akong inaasahan na bisita lalo na at hindi naman marami ang kaibigan ko atsaka hindi alam nung dalawa saan ako nakatira kaya malabo na sila yun.

Kahit nagtataka ako ay bumaba pa rin ako naabutan ko si Ate Yla na nanonood kaya naman nginitian ko lang siya.

"What are you doing here?" Tanong ko rito.

Si Austin pala akala ko naman kung sino at parang hindi naman ako ang pinunta niya si Ate Elle talaga yun.

"Pinapabigay ni Jk sa'yo hindi mo raw kasi siya pinapansin, LQ kayo?" Sabi nito kaya inirapan ko siya saka kinuha ang inabot niya na paper bag.

"Sila ba para magkaroon ng LQ?" Nagtataka na tanong ni Ate Elle kaya sinipa ko si Austin sa paa.

"Aray ha, mapanakit." Sabi niya.

"Anong LQ sinasabi mo riyan, issue ka." Sabi ko pa.

"Bakit mo kasi hindi pinapansin, kilig na kilig pa naman ako sa trailer tapos hindi pala kayo okay. Itigil mo yan kapatid." Sabi ni Ate Elle saka ako inakbayan.

"Ewan ko sa inyo bahala nga kayo riyan, pakisabi kay Jk salamat." Sabi ko na lang.

"Napilitan," sabi ni Austin kaya sinamaan ko ng tingin saka naglakad pero narinig ko pa ang sinabi ni Ate Elle.

"Pikon," sabi niya pero hindi ko na lang pinansin at deretsyo lang umakyat sa kuwarto ko.

Sinara ko na rin para hindi ako nabibigla sa pagsulpot nila. Wala man lang kasi pasabi bigla na lang sila lilitaw na parang mga kabute.

"Anong trip ng lalaki na yun at binigyan ako ng terno? Gagawin ko rito?" Sabi ko pagkabukas sa paper bag.

Mayroon din 'tong laman na chocolate kaya naman napailing na lang ako saka umupo sa kama ko.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now