THIRTEEN

32 3 0
                                    

"May nagpapabigay," sabi ni Gwen habang may inaabot na box sa akin kaya naman napakunot ako ng noo.

"Kanino galing?"

"Ewan ko, hindi ko kilala yung nagbigay pero automatic naman daw kilala mo sino nagbigay. Hindi na raw need magpakilala pa." Sabi nito kaya tinanguan ko lang siya.

"Thanks," habol na sabi ko ng naglakad na 'to papunta sa puwesto niya.

Tinigil ko muna ang pagbabasa ko ng notes saka binuksan ang box na hindi namin gano'n kaliit at hindi rin naman gano'n kalaki. Katamtaman lang ang size.

"Saan ko naman gagamitin 'to?" Sabi ko ng makita ang laman nito.

Pagkabukas ko tumambad sa akin ang libro na kung saan ay tungkol sa love story ata 'to dahil sa cover page niya. Pagkatanggal ko sa box nakita ko na may sticky note kaya binasa ko.

"Hi Ms. Montivilla, have a nice day. Basahin mo yan marami ka matutunan diyan. See you later." Pagbasa ko kaya naman napailing na lang ako.

Kilala ko na kanino galing 'to hindi man niya nilagyan ng name sa dulo alam ko na kung sino.

Jk.

"Ano yan?" Tanong ni Janelle na kakadating lang.

"Book," sabi ko saka nilagay sa bulsa ang sticky note para hindi pa nila 'to mabasa.

"Kanino galing?"

"Someone," maiksi kung sagot.

"Matic kilala ko na sino yan," sabi nito saka naglakad papunta sa puwesto niya.

Ilang sandali lang niligpit ko na yung libre saka 'to nilapag sa baba katabi ng upuan ko. Pinagpatuloy ko rin ang pagbabasa sa notes ko kasi pakiramdam ko ay may quiz kami, ilang beses na halos tama ang instict ko kaya kailangan ko maniwala sa intstict ko.

Ilang sandali lang ay dumating din ang prof namin at tama nga ako nagkaroon nga kami ng surprise quiz up to 50.

Ewan ko ba kung quiz pa rin matatawag kung hanggang 50 item tapos ang malala pa identification, enumeration, essay ang malala pa ay right minus wrong.

"Gagi, mababa na naman ako nito for sure." Sabi ng kaklase ko kaya napatingin ako sa dalawa.

Si Gwen na busy sa pagsusulat at si Janelle na nakatulala kasi for sure ay wala na naman siya masasagot.

"Ito lang yung surprise na hindi ako natuwa promise," sabi ni Krissy kaya napailing ako.

Buti na lang talaga mahilig ako mag advance reading kaya kahit papaano may nasasagot ako sa mga ganito klase ng surprise quiz.

Expected ko na talaga na marami ang hindi makakapasa which is true, ako at si Gwen lang nakapasa.

"Ms. Montivilla got 48 out 50 while Ms. Abalos got 45 out of 50. Bawi na lang yung iba next quiz." Sabi nito kaya naman napatango na lang ako.

Nagsimula na nila ako batiin ng congrats kaya nginitian ko lang sila.

Akala ba nila gusto ko 'to ginagawa ko lang 'to because gusto ko hindi dahil gusto ko maging bida. Gusto ko lang patunayan na kagaya ng mga Ate ko kaya ko rin maging achievers atsaka ito na lang pambawi ko sa effort nila Papa at Mama.

"Ms. Montivilla just want to say goodluck for the upcoming drama," sabi ni Ma'am.

"Thank you po," nakangiti kung sabi kaya naman tumango lang siya saka nag umpisa sa discussion niya.

Nakinig lang ako sa discussion hindi na rin nasundan pa ang surprise quiz namin kaya tila nabunutan ng tinik ang mga kaklase ko.

"Naks, almost perfect ka na rin yung hindi lang right minus wrong ang scoring." Sabi ni Janelle kaya napailing ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now