"Hindi na matutuloy yung 24-hours magjowa challenge," sabi ko kay Ate Elle at Ate Yla.
Inaya ko sila na kumain sa labas at ako ang gagastos dahil alam ko naman hindi sila sasama kung hindi ko sasabihin na treat ko.
"Aba bunso, paladesisyon ka ata. Kaya pala inaya mo kami kumain sa labas dahil diyan." Sabi ni Ate Yla habang kumakain ng fries.
"Wait lang ha? Hindi ko gets eh. Madali na lang naman sa inyo yun since close naman na kayo and also love team kayo. Anong problema or dahilan bakit ayaw mo ituloy?" Tanong ni Ate Elle.
Napabuntong hininga na lang ako.
"We decide to have a collab na lang na more on about sa brand, kakausapin daw ako ng Manager nila. Bale may mga product sila na ibibigay sa akin tapos parang ie-endorse ko siya sa mga viewers ko something like that mga ate. Bale collab kami ni Jk tapos share din kami sa kikitain namin. I was thinking pa if hindi ba magiging hassle sa part ko." Sabi ko sa kanila.
Matagal na 'to nasabi sa akin ni Jk pero nakalimutan ko since sa chat niya lang naman sinabi sa akin at never naman niya na-open sa akin sa personal kaya inisip ko baka may nakuha na sila kaso nag chat Manager niya kaya sabi ko inform ko muna parents ko para alam nila.
"Ikaw naman magdedesisyon sa huli, after all kahit anong sabihin namin nasa kamay mo pa rin ang magiging desisyon basta support kami." Sabi ni Ate Yla.
"Sayang naman yun bunso, puwede naman gawin niyo yun kapag halimbawa hindi kayo busy ganern. Okay na wala ng expiration date yung dare na yun basta magawa niyo." Sabi ni Ate Elle.
Hays, wala man lang patawad 'tong mga 'to. Kung puwede ko lang sabihin sa kanila na hindi pa nagsisimula dare nahulog na ako mga teh kaya ano pa ba sense ng 24-hours magjowa challenge kung puwede naman totohanin na lang para mas masaya kaso ayoko muna ipaalam sa kanila, bahala na sila mag isip ng kung ano ano tungkol sa amin basta kami ni Jk okay kami ayun ang mahalaga sa akin.
Naayos na namin yung feelings namin sa isa't isa, malinaw na sa akin at sapat na sa akin yun. Speaking of last time, buti na lang talaga at hindi sumunod sa akin yun Jk na yun. Sure akong sinabi niya yun para asarin ako kaso ayun nag walk out na lang ako.
"Tingnan ko na lang," sabi ko na lang.
"Balitaan mo na lang kami kung may feelings ka na with him para matigil na 'tong 24-hours magjowa challenge, palitan natin ng how I said yes to my tutor." Sabi ni Ate Yla kaya naman tawang tawa sila ni Ate Elle saka sila nag apir.
"Hoy gagi, good idea ate." Sabi ni Ate Elle.
"Kapag talaga kalokohan Ate Yla ang galing mo, ayan sa ganyan ka lang magaling." Sabi ko rito saka siya tinarayan.
"At least hindi sa una lang magaling," sabi nito.
"Ay totoo yan," sabi ni Ate Elle.
Mga ate ko ba 'to? Bakit naiba ata ako sa kanila, siguro ampon talaga ako.
"Iwan ko kayo bahala kayo riyan," sabi ko sa kanila.
"Walang iwanan," sabi ni Ate Elle.
Inubos na nila ang pagkain nila kaya naman tumayo na ako at naglakad palabas naramdaman ko naman na nakasunod sila.
"Sarap talaga kapag libre," sabi ni Ate Yla pagkalabas namin sa Mc Do.
"Uuwi na tayo," sabi ko sa kanila.
"Boring sa bahay, let's do a window shopping muna." Sabi ni Ate Elle kaya naman wala na akong nagawa.
Kumapit sa braso ko si Ate Elle gano'n din si Ate Yla sa kabila ko kaya nasa gitna nila ako.
"Bunso masanay ka na sa amin, alam mo naman ganito lang kami pero mahal ka namin. Mas malaki pa ata pagmamahal namin sa'yo dahil bunso ka namin." Seryong sabi ni Ate Elle kaya natahimik ako.
"Nagkakatuwaan lang naman tayo pero alam naman namin na wala sa priority mo ang love na yan, nirerespeto namin yun kasi kapatid ka namin atsaka roon ka masaya kaya kung saan ka masaya ay susuportahan ka namin kasi mahal ka namin." Sabi ni Ate Yla.
"Hayaan mo at marami pa naman lalaki ang makakatagpo mo kaya take your time being single kung ayan ang gusto mo, basta kapag may nagustuhan ka na sabihin mo lang sa amin para alam namin at makilala rin namin para kapag niloko ka ipapasapak ko. Aba, walang puwede manakit sa'yo baby ka namin eh." Sabi ni Ate Elle saka hinaplos ang buhok ko.
"We love you so much Ven kaya what ever or who ever makes you happy we will support you, just choose to be happy." Sabi nila kaya naman naging emotional ako.
"Ang da-drama mga ate, akala mo naman ay aalis kung makapag-speech." Sabi ko sa kanila kaya niyakap ko sila.
"Thank you mga ate, mahal ko kayo palagi." Sabi ko sa kanila saka bumitaw sa pagkakayakap.
"Let's go," sabi ni Ate Yla kaya this time kami naman ang kumapit sa braso niya ni Ate Elle siya na ngayon ang nasa gitna.
Ang suwerte ko naman sa mga Ate ko, alam ko naman na mahal nila ako atsaka nararamdaman ko naman din na sobra nila ako mahal kaya nga kahit ganyan sila mga bully at mahilig mang asar ay ayos lang. Alam naman nila na kahit mapikon ako hindi ko magawa magalit sa kanila kasi mga ate ko sila at kagaya nila mahal na mahal ko sila.
Bago dumating yung mga best friend ko sila ang unang naging kaibigan ko, sila ang halos kasama ko habang lumalaki ako, kasama ko sila sa hirap at ginhawa at kahit siguro busy sila soon sa love life nila magkakasama pa rin kami.
"Let's take a picture, send natin kay Ate Yaz." Sabi ni Ate Yla kaya nag-picture kami.
Kung sana lang nandito rin si Ate Yaz siguro mas masaya kasi kumpleto kami pero dahil alam namin para din naman sa amin yung pag alis ni Ate Yaz ay okay lang as long as alam namin na okay siya at masaya siya ay support kami sa kaniya.
Nung mapagod kami mag ikot ay naisipan namin umupo sa isang side kung saan tapat ng palaruan ng mga bata.
"Ay hala Elle may naalala ako rito, naalala mo ba nung pinaglaro tayo ni Mama sa ganyan bale tatlo lang tayo kasi sabi ni Ate Yaz hindi na raw siya bata kaya ayaw niya raw tayong tatlo lang daw. Tapos si bunso humiwalay sa atin tapos nakita natin siya nakikipag away." Sabi ni Ate Yla kaya naman napakunot ako bigla ng noo.
Kailan 'to? Ba't hindi ko alam ata. Samantalang si Ate Yla malinaw pa sa kaniya dapat maalala ko kahit papaano since hindi naman gano'n kalayo ang gap ko kay Ate Yla eh nasa 3 years nga lang eh.
"Weh!? Totoo ba yan? Mamaya gawa gawa ka riyan ng kuwento Ate Yla." Sabi ko pero tinarayan lang ako ni Ate Yla.
"Baliw totoo yun, natatandaan ko yun. Inaagaw kasi sa'yo yung purple na bola that time alam ko favorite mo na color purple tapos ako blue then si Ate Yaz black tapos si Ate Yla ay pink kaya ng suot mo that time ay dress na color purple tapos gano'n din color ng shoes mo basta pinasuot sa atin ni Mama na color na damit ay yung favorite natin kasi nga namasyal tayo. Tapos hinampas mo yung lalaki na yun kaya umiyak siya." Sabi ni Ate Elle.
Ay hala grabe! Mapanakit na pala talaga ako bata pa lang.
"Naalala ko sa ating apat ikaw lang bukod tangi yung hindi ata nabubuhay ng hindi nakakahampas sa isang araw promise," sabi ni Ate Yla.
"Totoo yan Ate," tawang tawa na sabi ni Ate Elle.
Napailing na lang ako kasi ako na naman ang naging topic nila. Nagsisi ako bigla na pinasama pa sila dapat pala nag-solo flight na lang ako tutal at kaya ko naman mag isa.
"Ang love language po ng isang Nevaeh Montivilla ay mang hampas," sabi ni Ate Elle saka sila nag apir ni Ate Yla.
YOU ARE READING
𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #4 Nevaeh Montivilla is a vlogger and the main content of her vlog was a makeup tutorial or some random about their life. Until one day, she dares to have a 24-hour magjowa challenge with a guy name John Karlos Muri...