FORTY-FOUR

28 3 0
                                    

"Porket walang bebe sa amin nagpapalambing, sorry bunso may lumalambing sa amin." Sabi ni Ate Yla kaya mas lalo akong nainis.

Pasmado talaga 'to si Ate Yla wala man lang preno sa pagsasalita akala niya hindi nakakasakit ng damdamin eh.

"Sorry na Ven, just don't mind us. Gusto lang namin ma-realize mo ang bagay bagay. Wag ka na magtampo hindi bagay." Sabi ni Ate Elle kaya naman natigil ako sa paglalakad saka sila hinarap.

"Hindi ako natutuwa," sabi ko sa kanila saka sila tinalikuran.

"Hindi rin kami natutuwa na naiwan ka, sino ba naman matutuwa kapag naiwan." Sabi ni Ate Yla.

"Ikaw kasi ang nang iiwan," sabi ni Ate Elle kaya natahimik si Ate Yla.

Accurate si Ate Elle kaya natahimik si Ate Yla. Napabuntong hininga na lang ako saka pumuwesto sa gitna nila.

"Hindi natin kailangan magsumbatan dahil sa lalaki na yan, let's make ourselves happy in choosing the right one. Kaya, for now, let's eat in Mang Inasal." Sabi ko kaya sumang ayon sila dahil libre naman din daw.

Gusto ko ulit kausapin si Jk for the last time kasi anong malay ko kung kailan siya babalik para habang wala pa yung the one ko masabi ko na yung mga gusto sabihin, ayoko pagsisihan yun. If ever man na hindi pa rin magbago ang isip niya at iwan pa rin niya ako wala na akong magagawa kasi mahirap siguro mamili sa dalawang bagay na importante sa'yo kaya I definitely accept his decision.

Acceptance is the key to be, to be truly free.

Ayan yung line sa kanta unconditionally na sobrang ganda rin atsaka may kasunod pa na part yan pero ayan lang yung tinatak ko sa utak ko. Para maging totoong malaya ka tanggapin mo lang ng buong puso yung nagkamali.

"Ikaw na lang ba ang oorder? Kanina ka pa namin tinatanong." Sabi ni Ate Elle kaya nabalik ako sa realidad.

Hindi ko namalayan na nakapila na rin pala kami. As in, all this time wala ako sa sarili pero nagawa ko makarating dito. Seryoso ba talaga 'to?

"Sige, ako na lang oorder." Sabi ko sa kanila.

"I'll go with you, maghanap ka na lang Elle ng table for us." Sabi ni Ate Yla.

"Sige," sabi nito saka naglakad paalis.

Napatingin na lang ako kay Elle na naglalakad palayo sa amin.

"What's that? Are you still thinking of him? Iniisip mo na magbabago ang isip niya? Wag mo na ipilit ang tao manatili kung ayaw niya. Hayaan mo siya maging malaya at piliin ang gusto niya kahit masakit at mahirap para sa part mo yun. Gawin mo na lang yun at maluwag na tanggapin na hindi lahat ay makukuha natin at mananatili. That's life." Sabi nito sa akin saka hinaplos ang likod ko.

"Tanggap ko naman ate kaso may part sa akin na gusto ko pigilan," sabi ko rito.

Napayuko na lang ako, handa ng tumulo ang luha sa mata ko pero pinipigilan ko.

Maging matatag ka Ven.

"Anong dahilan mo bakit gusto mo siya pigilan?"

"Natatakot ako na baka hindi na ulit ako makakapagpamahal pa muli, alam mo naman ate na siya pa lang ang una kung minahal. Nakakatakot kasi trauma agad ang nangyari sa akin." Sabi ko rito.

"Kapag nagmahal ka handa ka dapat masaktan, hindi lang puro saya kapag nagmamahal ka, may lungkot din kaya kailangan mo maging matatag. Kinaya nga ni Ate Yaz ikaw pa kaya. Walang mahina sa Momtivilla." Sabi nito sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako.

Hindi na ako nakapagsalita dahil kami ng susunod na oorder. Si Ate Yla na lang ang nag order at ako na lang ang pinatabi niya sa gilid.

Sa aming apat si Ate Yla yung hindi mo mahahalata na may caring side pero siya yung masasabi ko na pure in terms of giving advice and lesson and hindi niya ito-tolerate ang mga bagay na alam niya naman in the first place mali. Support niya kami sa mga bagay na masaya kami pero kapag alam nito na hindi naman 'to makakatulong sa amin at nakakasakit talagang sasabihin niya na i-let go namin 'to para sa peace of mind.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now