"Iniiwasan mo ba 'ko?" Tanong ni Jk sa akin kaya naman napakunot ako ng noo.
"Bakit naman kita iiwasan?" Tanong ko pabalik.
Nasa location kami ngayon para sa unang scene. Kahapon pa dapat kami magsisimula kaso nga lang umulan ng malakas kaya ngayon ang first day namin sa eksena.
Ay mali pala trailer muna pala ang isho-shoot namin at need 'to matapos ng isang araw lang. Nagpasama rin ako kay Ate Elle tutal wala rin naman ginagawa kaya hindi ako mag isa.
"Hindi ko alam sa'yo," sabi niya kaya nabalik ako sa realidad.
Hindi ko alam anong pinaglalaban ng lalaki na 'to.
"Jk ano naman dahilan ko para iwasan ka? Busy lang ako okay kaya hindi siguro tayo nagkikita kasi lagi akong nasa library." Sabi ko rito.
Actually iniiwasan ko siya kasi nga ayoko nga ma-attach baka lalo ako mahulog sa kaniya kapag pinagpatuloy ko pa yung sinimulan namin na closeness mamaya ako lang masaktan tapos siya wala lang.
"Nagkakataon din ba na kahit lunch time nasa library ka? Hindi ka kumakain?" Sabi nito.
"Nagbabaon ako ng biscuit," sagot ko.
"Bakit?"
"Para hindi ako nagugutom, alam mo Jk ka itigil mo yan. Remember magkaibigan tayo hindi naman siguro kailangan araw araw makita natin ang mukha ng bawat isa di ba? Kaya wag ka riyan masyado OA." Sabi ko rito.
"May mali Nevaeh eh,"
"Kasi iniisip mo na may mali kahit wala naman talaga tapos pinipilit mo na iniiwasan kita kahit hindi naman talaga, Jk nasanay ka lang sa presence ko pero hindi ibig sabihin ay umiikot lang ang buhay natin na magkasama may mga pagkakataon na hindi tayo magkikita kasi busy ako o kaya busy ka. May mga priority din tayo na dapat gawin hindi lang dapat umiikot ang oras sa moment natin na dalawa." Sabi ko saka siya tinapik sa balikat.
Naglakad ako palayo sa kaniya para hindi na rin kami makapagsagutan pa atsaka baka masigawan niya ako masyado akong emotional na tao kaya kaonting sigaw lang sa akin naiiyak na ako.
Actually natagalan lang 'tong shoot namin kasi busy rin dahil nga may pinagkakaabalahan din yung bumubuo ng team production namin kaya ngayon lang nasimulan mag shoot na dapat last month pa.
Actually may nagawa kami pero practice iyon din yung time na nalaman ko magkakilala si Ate Yla at Austin dahil naabutan ko magkausap sila tapos feeling ko nagtuloy tuloy na sila sa pagiging close.
"Hi teh," sabi ni Kathrina sa akin.
Before ang hirap ko matandaan ang name ngayon madali na lang 'to for me.
"Hello," sabi ko saka umupo sa tabi niya.
"Nakakakaba po kahit puwede naman po siya ire-take," sabi nito.
Yes, kabado rin ako kahit puwede pa namin 'to ulitin once nagkamali. Not unlike sa theater na kailangan kabisado kasi sa harapan yun ng tao kaya if papipiliin ako mas gusto ko yung movie version kagaya ng ganito.
"Totoo,"
"Haist, goodluck to us po. Galingan po natin Ate." Sabi nito kaya naman hinaplos ko siya sa likod.
"Goodluck talaga sa atin, matatapos din natin 'to tiwala lang." Sabi ko sa kaniya kaya naman bigla ako nito niyakap na kinagulat ko pero niyakap ko na lang din siya.
"Dream ko talaga makayakap ka since katabi naman na kita lubusin ko na po," sabi nito saka humiwalay sa yakap.
"Tara na po," sabi niya kaya magkasabay kami na tumayo para lumapit sa director.
YOU ARE READING
𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #4 Nevaeh Montivilla is a vlogger and the main content of her vlog was a makeup tutorial or some random about their life. Until one day, she dares to have a 24-hour magjowa challenge with a guy name John Karlos Muri...