TWENTY-EIGHT

23 3 0
                                    

"Himala ata at kasabay ka namin sa paglalakad," sabi ng isa sa mga extra.

"Ay true lang," sabi pa ng isa.

Kaya naman napatingin sila sa akin. Ako na naman ang topic ng mga 'to hanggang sa makarating kami sa terminal.

"What happen ba at hindi ka hinatid ng bebe mo?" Tanong ni Mariel ang kontrabida sa drama.

"Anong bebe kayo riyan, atsaka nagmamadali sila kaya sabi ko wag na may kasabay naman ako papunta sa terminal ng sakayan eh." Sabi ko.

"Weh!? Totoo?"

"Edi wag kayo maniwala," sabi ko pa sa kanila.

"Sis, label reveal nga."

"Friends," sagot ko.

Ang kausap ko ay yung dalawang bakla na kaibigan ni Mariel sa drama mga bully sila roon atsaka panira sa araw ko.

"Kulang yan sis,"

"Huh!?" Sabi ko saka napakunot ang noo.

"Friends with feelings dapat, MU yun. Malanding ugnayan." Sabi niya saka sila nag apir na dalawa.

Hindi ko maalala anong name nila my gosh pero ang alam ko sila talaga yung madalas mang asar sa amin atsaka sila yung nagpapatawa kapag break time at mahaba ang break time kaya masasabi ko na hindi boring ang shoot namin kasi mayroon sila na handa kami patawanin.

"Mga loko kayo, magkaibigan lang kami atsaka gano'n lang yun dahil love team nga kami. Kayo naman binigyan niyo agad ng issue." Sabi ko sa kanila kaya nagtawanan sila.

"Sige kunwari wala kami alam, kunwari naniniwala kami na friends lang kayo kahit hinalikan ka sa noo, kahit hinahawakan ka sa kamay, kahit nagbubulungan kayo na akala mo jowa tapos yung tinginan niyo grabe talaga kinikilig ako. Sige friends lang talaga yun gano'n ang updated version ng friendship." Sabi ni Jacob ayun I remember he's name. Then the other one was supposed to be Patrick finally natandaan ko na name nila.

"Mhie, ayos lang yan. Baka nahihiya pa kayo i-reveal kaya sige support kami. Baka gusto niyo i-surprise kami sige ihahanda ko na sarili ko." Sabi ni Patrick kaya naman napailing ako.

"Tama na nga yan, siraulo talaga kayong dalawa. Hayaan niyo sila maging masaya." Sabi ni Mariel kaya naman natawa lalo sila.

Pagdating sa terminal ay nag aasaran pa rin sila pero this time hindi na ako ang topic.

"Okay ka lang ba teh?" Tanong ni Kathrina sa akin kaya tiningnan ko siya saka nginitian.

"Yes," sabi ko pa.

Nagkasundo mag SM yung iba kaya naiwan kami ni Kathrina.

"Kain muna tayo teh, treat ko pero doon tayo sa may malapit ng kainan sa school para hindi tayo masyado gabihin." Sabi nito kaya tumango na lang ako saka pumara ng jeep.

"Saan tayo?" Tanong nito sa akin.

"May alam ako," sabi ko rito.

Dinala ko siya roon sa kainan kung saan ko nilibre si Jk at kung saan ko unang na-meet si Elaine.

Speaking of Elaine, kamusta na kaya siya? Sana masaya na siya. Sana magkita kami para masabi ko sa kaniya yung nangyari sa amin ni Jk sayang kasi wala siya hindi ko tuloy mai-kuwento sa kaniya pero baka sumulpot din yun bigla kagaya nung nagkita kami sa KFC.

"May naalala ako rito teh, nasa my day 'to ni Kuya Jk ayan ha. Ikaw pala kasama niya. Lowkey ka habang siya masyado naka-public hays. Kinikilig ako sa inyo." Sabi nito kaya natawa ako.

"Ang daldal, quiet ka lang." Sabi ko rito.

"Sige teh, your secret is safe with me." Sabi niya saka kunwari nag-zipper ng bibig kaya naman natawa ako.

"What do you like po?" Tanong nito sa akin.

"Siya lang talaga gusto ko," sabi ko rito.

I just want to tease her but it seems she take it seriously.

"Halata naman ate, no need to deny it. Ako ang babae hindi naman ako papayag na sumama kumain sa labas, ihatid or sunduin or what so ever pa yan kung hindi ko gusto yung tao. Atsaka syempre if workmate lang kami ay hanggang doon lang kami hindi na lalagpas pa roon." Sagot nito kaya napailing ako.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko kahit alam ko naman anong pinaglalaban niya.

"Sige kunwari naging tanga ka sa pag ibig teh, kunwari hindi mo alam anong tinutukoy ko. Sige kunwari wala lang 'to hindi ko alam pero ang hirap talaga minsan manahimik lalo na kapag alam mo naman may something talaga pero dahil ayaw pa i-reveal sige tatahimik na lang ako." Sabi niya kaya naman niyakap ko siya.

"Binibiro ka lang naman tapos ang seryoso mo agad, sige na ikaw na bahala sa kakainin ko. Anything will do, hintayin kita sa table natin para hindi nila makuha yung slot para sa atin." Sabi ko rito saka siya iniwan na nakapila.

Grabe na kasi si Jk pansin ko nahahalata na kami sadyang hindi lang umiimik yung mga yun pero kahit tahimik mga yun alam ko na may alam sila hindi naman alam nila anong mayroon kami pero napapansin nila yun for sure. Sabi nga sa kanta just how fast the night changes.

"Last time I saw you here you are with Jk then now you're alone, how was it? Did I miss something important?" Sabi ni Elaine na nasa harapan ko kaya napatingin agad ako sa kaniya.

Kanina ay halos wini-wish ko lang na sana ay makita ko siya tapos all of sudden ay nasa harapan ko na agad siya. Grabe, mahal ata talaga ako ni Lord at pinagbigyan agad yung gusto ko.

"Nope, I'm with my friend." Sabi ko rito.

"Okay sabi mo. Anyway, I have no time to have a chika with you. Let's do it next time. Here is my social media and phone number if you want to reach me. See you when I see you, just enjoy your meal." Sabi niya aka niya ako bineso at naglakad na paalis kaya naman napailing na lang ako.

"Sino yun?" Sabi ni Kathrina na kakarating lang.

"Ex ni Jk," sagot ko kaya naman nagulat siya kaya naman natawa ako.

"Ay hala weh!? Totoo? Ano yun bakit parang ang normal niyo lang mag usap? When past meet the present and soon to become a future." Sabi nito kaya napailing ako.

"First of all nag-meet kami rito din, akala ko nga magagalit yun pala madaldal at tila naka-move on na rin kaya close na kami but not really talaga na super parang we're friends lang talaga. Okay din sila ni Jk saksi ako sa usapan nila and lastly hindi pa natin sure kung yung present natin ay possible ba na maging future kaya wag tayo maging kampante." Sabi ko sa kaniya.

"Aba hindi yun puwede, ipipilit natin yan teh." Sabi nito kaya napailing ako sa kaniya.

"Kung ang tao na yun ay nilaan na ni God kahit ano pa man ang mangayari at kahit may mga dumating pa from past niyo parehas kayo pa rin sa huli kasi nga nakatadhana na kayo for each other." Sagot ko rito.

"Kung nakatadhana na talaga kayo para sa isa't isa edi congrats," sabi nito.

"Matuto lang tayo maghintay ng taong nakalaan sa atin," sabi ko rito.

"Kaya nga hinihintay ko siya," sabi nito.

"The who?"

"Secret mamaya kabag lang 'to kaya wag muna i-reveal," sabi niya.

"Ito lang tandaan mo, when the right time comes, the right man will come. You just have to wait." Sabi ko kaya tumango siya.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now