SIX

39 3 0
                                    

"May nag my day," sabi ni Ate Elle.

"Take note marami," gatong pa ni Ate Yla kaya naman agad ko silang tinarayan.

"Tigilan niyo 'ko at pagod ako gumawa ng project," sabi ko sa kanila.

"May nakalimot," sabi ni Ate Elle.

"Hindi nakalimot, ayaw lang talaga igalaw ng baso. Takot ma-fall. Dalawa lang naman ang rason kaya ayaw niya tanggapin it's either takot ma-fall or kaya naman ayaw maging kabit." Sabi ni Ate Yla kaya naman sinabunutan ko siya.

"Aray ko," sabi ni Ate Yla pero hindi ko binitawan ang buhok nito kaya naman tawang tawa si Ate Elle.

"Hindi ganyan magpatayan mga anak," sabi ni Mama pagkapasok niya kaya naman nabitawan ko ang buhok ni Ate Yla.

"Kasi naman Mama eh," pagmamaktol ko sabay lapit sa kaniya saka siya hinalikan sa pisnge.

"Himala ata at nagkasunod lang tayo, how was it?" Tanong nito sa akin.

"Tinapos lang namin yung group project namin sa bahay ng kaklase ko, alam mo naman Ma ayoko ng natatambakan ng gawain." Sabi ko rito.

"Sige na ikaw na 'tong grade concious na ayaw malamangan," sabi ni Ate Yla.

"Nagsalita ang kunwaring walang pake sa acads," sabi ko.

Ganyan lang yan si Ate Yla pero consistent honor student din yan, actually most of us naman ay may matataas na grade ako lang talaga yung masasabi ko na sobrang consistent talaga as in.

"Magbihis ka na bunso at maghahanda na tayo para makakain," sabi nito sa akin.

"Kayong dalawa naman ang magluluto, kaya kilos na mga nak." Sabi nito sa dalawa kaya inirapan ko sila saka naglakad paakyat sa kuwarto ko.

Nagbihis ako saka nag-chat sa group chat para magpasalamat sa dalawa para sa pagpapasaya nila sa akin.

I love them both kahit minsan naiirita ako sa pagiging maingay nila. Okay na ako sa maingay as long as alam kung totoo sila sa akin at tanggap nila ako bilang ako. Kahit ano man ang ugali ko tinaggap nila 'ko.

"Hays, drama mo self." Sabi ko sa sarili ko saka naghanap ng pamalit pagkatapos ay bumaba para tumulong sa paghahanda ng hapunan.

"Ikaw maghuhugas," bulong ni Ate Elle kaya tumango na lang ako.

Madalas namin pagtalunan ang paghuhugas ng pinggan na madalas ako ang gumagawa kasi ako ang bunso minsan naman nagsasalitan kami ni Ate Elle. Si Ate Yla likas na tamad yan sa amin apat kuwarto nga niya ang kalat eh mas maayos pa yung kay Ate Yaz eh.

Speaking of ate Yaz, I miss her na talaga.

"Kailan ba dating ni Ate Yaz?" Tanong ko kay Mama.

"Wala pa siya sinabi na final date, surprise na lang siguro." Sabi ni Mama sa amin.

"Ma, bakit wala pa ata si Papa? 10 pm na po." Sabi ni Ate Elle.

"Mamayang 12am pa siya makakauwi, pinag-overtime kasi siya eh." Sabi ni Mama kaya tumango na lang ako.

"Gusto mo Ma samahan kita sa kuwarto mo," sabi ni Ate Yla.

"Gusto ko sana tatlo kayo kaso hindi naman tayo magkakasya," sabi ni Mama.

Naisip ko tuloy bigla nung mga bata pa kami tabi tabi kami matulog. Parehas gilid si Mama at Papa at ang madalas kung katabi si Mama sa kabila tapos si Ate Elle sa kabila kaya halos kami ang magkasundo habang si Ate Yla at Ate Yaz naman ang close talaga ng sobra pero lahat naman kami close kasi magkakapatid kami.

"Ma, bakit hindi ka ulit nag try magbuntis? Malay mo baby boy." Tanong ni Ate Elle kaya naman napaubo si Ate Yla kaya agad ko siya inabutan ng tubig.

"Nakakabigla naman tanong mo Elle," sabi ni Ate Yla na ngayon inuubo na lang kaya tinapik ko siya sa likod dahil kami ang magkatabi.

"Gusto ko naman kaso naisip ko masyado na matanda si Ven para sundan atsaka okay na ako sa inyong apat, sobra sobra pa nga kayo kaya wag na kayo dagdagan pa." Sabi ni Mama sa amin.

"Ikaw ang nag iisang bunso namin at kahit malaki ka na baby ka pa rin ng pamilya Montivilla." Sabi ni Mama kaya naman natawa sila ate dahil napasimangot ako.

Ga-graduate na nga ako halos lahat lahat ng senior high pero baby pa rin ako.

"Hanggang wala pa may baby sa'yo baby ka muna namin bunso," natatawang sabi ni Ate Elle saka sila nag apir ni Ate Yla.

Kapag talaga kalokohan 'tong dalawa nagkakasundo talaga. Madalas talaga ako ang trip nila pagtripan kasi alam nila na pikunin akong tao.

Kainis.

"Hindi kayo good influence sa bunso niya, dapat maging maganda kayong role model dahil kayo ang ate lalo ka na Ysabella." Sabi ni Mama kaya napaseryoso si Ate Yla.

Ayan, kabahan na kami kapag tinawag kami sa whole name namin jusme. Ang maingay na hapag kainan bigla na lang natahimik.

Napabuntong hininga na lang ako gano'n din sila Ate.

"Ysabella?" Tawag ni Mama.

"Po?"

"Kailan mo ba ipapakilala sa akin ang nobyo mo? Hindi ko talag gusto yung ganyan na ginawa mo lang laruan ang lalaki hindi mo rin yan gusto gawin sa'yo kaya sana wag mo rin gawin sa lalaki kahit sabihin mo manloloko sila." Sabi ni Mama kaya napatingin sa amin si Ate kaya napaiwas ako.

Ano ba malay ko sa love na yan crush nga wala ako tapos love pa ba ang aatupagin ko sa mundo. Mag stick na lang ako sa study first.

"Ma, alam mo naman na ayoko mag commit sa relasyon hindi ako sigurado atsaka wala pa naman seryoso sa akin kaya ayos lang po. Don't worry Ma hindi naman po ako nasasaktan eh. Trust me." Sabi nito saka kinindatan si Mama.

"Ikaw Elle? Anong balita sa'yo?"

"Anong ipapakilala ko sa inyo Ma? Sa fictional character lang po ako kinilig Ma, opo atsaka isama mo na sa author ayun lang. Wala po akong plano magkaroon ng bebe hanggang walang walking green flag." Sabi nito kaya naman tumango si Mama.

"Alam niyo anak wala naman masama magkaroon ng jowa kung masaya kayo go, sabi ko nga kung ano man o sino pa ang magpapasaya sa inyo piliin niyo o gawin niyo basta lagi lang kayo mag open sa akin para alam ko. Alam niyo naman susuportahan ko kayo basta alam kung tama yan at hindi yan makakasama sa inyo kasi gano'n ang magulang. Ang pagmamahal namin mga magulang walang hanggang, hindi natatapos mas nadadagdagan." Sabi ni Mama kaya napatango na lang ako.

"Alam kung balang araw mapupunta rin kayo sa tamang lalaki na mamahalin kayo, matuto lang kayong maghintay." Sabi nito kaya napatango na lang kami.

"What if Ma, mahal mo pero may ibang mahal?" Tanong ni Ate Yla kaya naman nagkatinginan kami ni Ate Elle kasi kami ang magkatapat.

Ang sakit naman ng gano'n biruin mo mahal mo tapos iba naman mahal niya.

"Edi palayain mo, sabi nga nila lahat ng nagmamahal nasasaktan at kapag nasaktan ka ibig sabihin natuto ka. Kakambal ng pagmamahal ang sakit kaya wag ka na magtaka pa nak pero at the end of the day mapupunta ka pa rin sa right person." Sabi ni Mama.

"Hays, matured na talaga mga bebe girl ko. Sa mga susunod na taon mga apo na kakausapin ko." Sabi nito kaya natawa kami.

"Bago muna ako magka-apo mag jowa muna kayo," sabi nito kaya mas natawa kami ng malakas.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now