"Papasok ka ng namumugto mata mo?" Tanong sa akin ni Ate Elle pagkababa ko.
I was crying the whole night, alam ko naman hindi kami magjowa pero syempre masakit pa rin maiwan lalo na at sobrang attach mo na sa kaniya. Naiwan na naman ulit ako sabi ko na once maiwan pa ako never na talaga ako mag e-entertain pero ewan ko ba.
"Napuyat lang po atsaka iniyakan ang palabas," sagot ko rito.
"I see," sabi ni Ate Yla.
Goodbye means the end. The end for everything and when I said goodbye to Jk it means I already cut whatever we have. Tinapos ko na 'to nung sinabi ko ang goodbye. He is a great lesson in my life.
"Mauuna na po ako," sabi ko sa kanila saka bineso si Mama gano'n din ang dalawa kung ate.
"Kaya mo yan, nandito lang kami for you." Sabi ni Ate Elle sa akin habang nakayakap.
"Ingat ka bunso," sabi ni Ate Yla na nakayakap din.
"Thanks mga ate," sabi mo saka sila humiwalay sa pagkakayakap kaya naman naglakad na ako palabas.
Gusto ko muna mapag isa kaya naisipan ko na maaga at maglalakad ako para makapag isip isip din ako kung ano ng susunod kung gagawin.
Natigil ako sa paglalakad ng may tumigil na sasakyan sa tabi ko.
"Nevaeh," tawag sa akin kaya naman napatingin ako.
Nakita ko si Elaine na kumakaway sa akin kaya nginitian ko agad siya. Bigla siya bumaba kaya naman naaayos ako ng sarili.
"Oh my gosh! What happens to your eyes? Umiyak ka ba buong magdamag ha? Pinaiyak ka ni Jk?" Tanong nito na halatang nag aalala dahil sa itsura niya kaya napailing agad ako.
"Pinaiyak ng movie," sabi ko sa kaniya.
Mas mabuti na rin siguro na wala ng makaalam ng dahilan ng pag iyak ko para hindi sila mag alala pa. Ayoko pa naman ng nag aalala sila sa akin, kaya ko na 'to lagpasan ng ako lang.
"Sure ba yan?" Pninigurado niya.
"Oo," nakangiti kung sabi.
"Okay, hatid na kita. Delikado na mag isa ka lang naglalakad." Sabi nito kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay.
Parehas kami na nasa likod nakasakay.
"What time start ng class niyo?" Tanong niya sa akin.
"7:30 this day, maaga pa." Sabi ko sa kaniya.
"Kaya siguro naglakad ka kasi maaga pa naman at makakarating ka naman before 7:30. Ang lakas ata ng tama mo maglakad mag isa. Alone time with yourself ata gusto mo mangyari." Sabi nito kaya tumango na lang ako.
"Next time na yung alone time mo with yourself," sabi nito.
"Saan ka pala galing?"
"May binisita lang ako na pamangkin, taga roon ka lang pala." Sabi nito.
"Yep,"
"Edi puwede ako bumisita sa inyo kapag binibisita ko yung pamangkin ko na yun, nice." Sabi niya kaya tango lang ang sagot ko.
"Kumain ka na ba ng breakfast? Let's have a drive-thru, where do you want?" Tanong nito.
"Ikaw na bahala saan mo gusto," sabi ko sa kaniya kaya tumango na lang siya.
"Kuya Henry dumaan muna tayo sa drive-thru Mc do, we need to eat a breakfast." Sabi nito kaya tumango yung driver.
Uso talaga driver sa mga taong mayayaman dahil na rin sa siguro hassle rin na ikaw driver kahit siguro kami ang mayaman baka may driver din kami na hatid sundo kami.
YOU ARE READING
𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)
Dla nastolatków𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #4 Nevaeh Montivilla is a vlogger and the main content of her vlog was a makeup tutorial or some random about their life. Until one day, she dares to have a 24-hour magjowa challenge with a guy name John Karlos Muri...