ELEVEN

42 4 0
                                    

"Anyway, I'm here for collaboration." Sabi ko agad dahil mamaya mauutal na 'ko.

"I don't want wasting my time, I have some school matter that I have to finish. It's yes or no lang naman edi kung ayaw mo naman wala akong magagawa. Ayoko ipilit ang ayaw." Masungit kung sabi.

Nakatingin lang sa akin si Jk habang nakakunot ang noo.

"Ang sungit mo ata," sabi ni Jk kaya tinarayan ko siya.

"Pre una na 'ko, hindi mo naman sinabi na may date ka." Sabi ng kasama nito.

"Ul*l," sabi ni Jk kaya natawa lang ang kasama nito.

Tinapik niya lang sa balikat si Jk saka ito naglakad palabas.

"Maiwan na muna namin kayo, I think dapat kayong dalawa lang and please... avoid fighting ha?" Pagpapaalala ni Ate Yaz bago niya hinila si Ate Elle kaya lang nawala lahat ng tapang ko ng maiwan ako mag isa kaya naman tinawag ko sila pero tuloy tuloy lang sila sa paglalakad.

So... Wala na akong choice kung hindi ituloy na 'to.

"Ang nice mo kahapon tapos ngayon ang sungit mo tapos nandito ka sa harapan for what? Collaboration?" Sabi nito na tila nag aasar kaya naman tinarayan ko siya.

"Alam mo ba na ayoko naman sana in the first place pero wala akong choice kasi ikaw ang pinili ni Ate Yla, you know her ba?" Tanong ko rito.

"Nakilala ko lang din sa tropa ko,"

"Bakit mo kilala si Ate Yaz?" Tanong ko rito.

"Nagkasama lang kami sa isang event," casual na sagot nito.

Hindi ako naniniwala na nagkasama lang sila ng once kasi yung tingin nila sa isa't isa kanina parang may something sila tapos may pa secret pa si Ate Yaz.

"Wag mo na i-stress sarili mo, let's talk about the collaboration you are telling kanina. Anong klase ba na content ang gusto mo?" Tanong nito.

"Ilang years ka na ba na single?"

"Curious siya," pang aasar nito kaya naman hinampas ko siya sa braso.

"Feeling,"

"Ano nga kasi klase na collaboration yan? Chinat mo na lang sana ako para hindi ka na nakapunta pa rito." Sabi nito sa akin kaya naman tumango lang ako.

"24 hours magjowa challenge," sabi ko rito pero mahina lang sapat na siguro para marinig niya.

"Pardon?"

"Hindi ka bingi,"

"Mahina pandinig ko kaya hindi ko gaano narinig," sabi nito saka ako inakbayan kaya hinampas ko siya pero hindi niya pa rin inaalis.

"Hays, when mo ba gusto simulan? Ngayon gusto mo?" Maloko nito na sabi.

"Not now, let's talk na lang sa ibang araw. At least alam mo na rin kung anong need ko." Sabi ko sa kaniya.

"What if ikaw kailangan ko?"

"What if sampalin kita right now, pa fall." Sabi ko sa kaniya.

"Sasalohin kita,"

"No thanks, anyway I have to go kasi nga may kailangan pa ako tapusin." Sabi ko rito.

"Bakit nga pala hindi mo sinabi sa kanila na magkakilala tayo?" Tanong nito.

Syempre alam ko pag iisip ng mga yun, dahil ayoko na rin ipaalam kung ano man ang mayroon sa amin na dalawa dahil nga sa ayoko ma-issue okay na rito lang sa school wag na makarating sa kanila.

"Ayoko lang malaman nila na magkakilala tayo, atsaka mas may thrill kapag wala sila alam sa kung ano ba tayo rito sa school. Okay na rin yun para kiligin sila." Sabi ko na lang kaya tumango na lang 'to.

"Then, let's go." Sabi niya pero tumakbo ako saka siya kinawayan.

"See you tomorrow, bye salamat." Sabi ko saka mabilis na tumakbo palayo sa kaniya.

Ayoko maabutan niya kami pero mabilis ata talaga maglakad at naabutan niya kami.

Nakita ko kausap nila ate yung kasama ni Austin, ngintian lang ako nito saka sila nagpaalam na mauuna na kaya napabuntong hininga na lang ako.

Thank God, I survive.

"Let's go, my treat." Sabi ko saka kumapit sa braso ni Ate Yaz gano'n din si Ate Elle.

"Namiss ka namin ng bongga ate, buti na lang talaga sinamahan niyo 'ko. Medyo mabait siya pero very light. Naku po! Ang sarap niya sapakin, kinalma ko lang sarili ko." Sabi ni ko kaya napangiti na lang si Ate Yaz.

Syempre joke lang naman yun isa lang naman na magpapanggap yun at walang katotohanan ang sinasabi ko. Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko na mood swing siya, mas babae pa siya kaysa sa akin.

"You really mature enough because you know how to control your emotion. Yiee, road to debu na siya." Sabi ni Ate Yaz kaya niyakap ko lang siya.

Yeah, achievement nga matatawag ang bagay na yun. Humaba pasensiya ko in fairness.

"But still you are the baby of the family, kaya no matter what happen or problem that you're about to encounter tell us. Your ate will always be their for you." Sabi ni Ate Elle.

Nginitian ko lang sila, masuwerte ako na mayroon akong mga ate na kahit bully ay willing sila pakinggan ako at damayan ako sa problema which is gano'n din ako sa kanila. If need nila ng karamay dadamayan ko sila sa hirap at ginhawa pa yan.

"Milk tea yiee," sabi ni Ate Elle saka kami pumasok sa milk tea shop na nadaan namin sa tabi ng kalsada.

"When kayo magsisimula sa dare niyo?" Pag open ni Ate Yaz ng topic.

"Ewan ko pa, pag uusapan pa namin eh." Sagot ko.

"Excited na 'ko," sabi ni Ate Elle.

"Gusto ko makita paano ka maging girlfriend kahit sabihin pa na dare yan," sabi ni Ate Yaz kaya tumango na lang ako.

Wala akong idea sa kung paano ba maging girlfriend since wala pa naman akong experience tungkol dito.

"Updated dapat kayo sa isa't isa," sabi ni Ate Yaz.

"Kailangan ba 24/7 updated kami sa ginagawa ng isa't isa, grabe naman yun." Sabi ko pa sa kanila.

"That's right," sabi na lang ni Ate Elle.

Seryoso ba yan? I'm going to update him what ever na gagawin ko kahit pagkain, pag tae, paghuhugas ng pinggan, pagligo, pagbibihis. Nakakaumay naman yun kung araw arae gano'n ang routine.

"Not 24/7 naman kasi ano yun hindi na kayo matutulog, atsaka hindi naman na need yun since 24 hours lang yun unless maging kayo in real life." Pang aasar ni Ate Yaz kaya tawang tawa si Ate Elle kaya parehas ko silang sinamaan ng tingin.

"Epal," sabi ko sa kanila.

"Sino ang pikunin?" Sabi ni Ate Elle.

"Itago na lang natin sa pangalan na Heaven," sabi ni Ate Yla saka sila nagtawanan kaya natahimik ako.

"Mahal ka namin be," sabi ni Ate Elle kaya naman tinarayan ko siya.

"Let's do a window shopping, sulitin na natin ang bonding habang magkakasama pa tayo." Sabi ni Ate Yaz kaya nagmadali kami ubusin ang milktea na iniinom namin.

Napagdesisyunan namin na kumain sa Mc do bago mag-window shopping.

"Bakit?" Tanong sa akin ni Ate Elle ng mapatigil ako sa paglalakad.

"Wala," sabi ko saka naglakad dahil nauna na si Ate Yaz sa amin.

I saw Jk na may kasamang babae kaya napatigil ako sa paglalakad para lang panoorin sila na mukhang masaya na nag uusap.

"Ano ba pake ko?" Bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka bunso?" Tanong ni Ate Yaz sa akin.

"Wala po, uwi na po tayo. May tatapusin pa po ako." Sabi ko sa kanila.

"Sige," sabi ni Ate Yaz kaya naman naglakad kami palabas.

"Are you okay?" Tanong ni Ate Elle ng mapansin ang pagiging tahimik ko.

"Pagod lang ako," sagot ko.

"Selos yan, nakita ko rin sila pero nanahimik lang ako." Sabi niya kaya napatulala ako sa kaniya.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now