TWENTY-FIVE

25 3 0
                                    

"Sandal ka sa balikat ko," sabi nito sa akin.

Nakaramdam ako ng antok dahil nga sa natagalan kami sa pag live kasi dumami na yung mga tanong nila kaya sinabi ko na lang sa kaniya na sige go lang sa pagsagot at hindi naman akong uwing uwi.

"Okay lang," sabi ko rito.

"Magkuwento ka nga about sa inyong magkakapatid, anong feeling ng apat kayong babae." Sabi nito kaya napaayos ako ng pagkakaupo.

"Nagkakasundo kami sa ibang bagay, usually may iba't ibang personality kami eh. Si Ate Yaz siya yung panganay namin dahil siya ang panganay siya yung strong independent woman, malakas loob niya, sobrang matured na rin mag isip plus family oriented. Dahil panganay siya ang lagi nasa mindset niya ginagawa niya yung bagay for the future para sa future namin para guminhawa naman kami kahit papaano. Siguro dahil panganay siya inisip niya dapat siya yung mas nakakaangat, I mean na nakakaangat ay yung sa knowledge. Siya nga lang bukod tangi nakaya pumunta ng Maynila na ang baon lang lakas ng loob atsaka talino kaya sobrang hanga ako kay Ate Yaz. Ever since talaga pangarap niya maging architect kaya sobrang proud kami kasi natupad siya. Dedicated talaga siya at once sinabi niya na ito yung gusto niya ipu-pursue niya talaga matagal man siya pero sisiguraduhin niya mangyayari." Sabi ko.

Ever since talaga Ate Yaz is my idol. Kapag gusto niya gagawin niya talaga yung gusto niya kasi mahal niya yun at pangarap niya yun. Nakita ko na nakangiti siya kaya tinuloy ko pagkukuwento ko.

"Si Ate Yla yung sumunod, siya naman yung multi-tasking sa amin. Like kaya niya pagsabayin ang paglandi tapos maging honor sa school. Parang chill lang siya ganern pero hindi kasi mahal ni Ate yung course niya kaya for sure nag aaral yun ng mabuti ayaw niya lang talaga maging boring ang life niya kaya naglalandi. Sa amin lahat si Ate Yla pinakamatatag sa amin, naalala ko nung time na down na down kami siya 'tong sobrang nagpatatag sa amin at nagsabi na malalagpasan din namin 'to. Kaya mahal na mahal ko yun si Ate Yla. Siya rin ang malakas mang asar tipong mapipikon ka na lang kasi iyon na siya pero at the same time takot din masaktan si Ate Yla alam niya kung kailangan magiging seryoso at kailan hindi. Tapos syempre si Ate Elle naman yung approachable talaga halos tapos ano rin confidence rin siya sumali sa mga quiz ganern kasi confidence siya na kaya niya eh. Ate Elle is the book worm wala ng inatupag kung hindi magbasa pero hanga ako kasi beauty and brain yun kaya niya maging certified reader tapos siya nangunguna sa klase nila. Although masasabi ko naman beauty and brain kami pero masasabi ko na si Ate Elle ang best friend ko. Si Ate Yaz naman atsaka Ate Yla ang best friend since mga matured na sila. Tapos lastly syempre ako, alam naman ng lahat na tahimik lang ako although kahit nung time na may kaibigan ako tahimik na talaga ako tapos syempre mahiyahin din ako. Ilang beses na ako halos gusto isali sa mga pageant, quiz bee ganern pero lagi ko sinasabi na wala akong confidence. Sa vlog pa nga lang team bahay nga lang ako tapos hindi rin ako nag-vi-video na may kasama ako gusto ko mag isa lang ako kasi gano'n ako nahihiya. Ako rin yung walang lakas na loob na kagaya ni Ate Yaz atsaka hindi ko kaya mag multi-task kagaya ni Ate Yla at lalong wala ako nung confidence na mayroon si Ate Elle hays ito lang ako." Sabi ko naramdaman ko ang paghawak ni Jk sa kamay ko kaya napatingin agad ako.

"Handa ka naman mag-take ng risk kahit walang kasiguraduhan doon pa lang nakakahanga ka na eh," sabi niya.

"Lahat kami kayang gawin yun, masasabi ko nga na Montivilla nga kami kasi kaya namin mag-confess ng feeling sa gusto namin." Sabi ko pa.

"At least kahit papaano natutunan mo rin magtiwala at mag explore kagaya ngayon, umalis ka sa comfort zone mo dapat maging proud ka sa sarili mo. Ako, proud ako sa'yo kasi kinakaya mo at alam ko balang araw magkakaroon ka rin ng lakas ng loob at lalo na makakaya mo rin na mag-multi task." Sabi nito saka sinandal ang ulo sa balikat ko.

"Magugustuhan ba kita kung wala ka maganda ugali na taglay," sabi nito saka binitawan ang kamay ko pero nakasandal pa rin siya.

"Nagustuhan kita kasi mabuti ang kalooban mo, hindi mo kailangan ipakita sa mga tao yun pero alam ko na mabuti ang kalooban mo. Ilang beses na kita nakita na halos nagbibigay ka sa mga tao na nasa kalsada, siguro hindi ka nila nakikita pero ako nakikita kita at yun ang isang bagay na masasabi ko na hindi naman dapat maging mabait tayo sa maraming tao ng nakikita nila mayroon pala iba paraan. Nakilala kita, nakita ko paano ka nag grow kung paano ka nagbago at kung paano ka natuto makipag socialize sa mga tao. Sobrang proud ako sa'yo kasi kinaya mo yun ng ikaw lang na hindi mo kailangan ng iba para magawa mo yun ayun ang kaibahan mo. Kinaya mo ng ilang taon na mag isa ka." Sabi niya sa akin kaya naging emotional ako bigla.

Aaminin ko sa amin apat ako ang pinaka emotional sa amin, iyakin ako sa mga gano'n klase ng bagay feeling ko kasi na-appreciate nila yung bagay na gusto ko iparating.

"Nandito na ako Nevaeh, hindi ka na mag iisa." Sabi nito.

"Salamat," sabi ko rito.

Napapikit na lang ako dahil na rin siguro sa gusto ko umiyak pero pinipigilan ko kaya pumikit na lang ako.

"Hey," sabi ni Jk pagkagising ko.

"Ay hala! Nakatulog pala ako. Nasaan na tayo?" Sabi ko rito.

Ayoko kasi umiyak kahit gusto ko na talaga kaya imbes umiyak ay natulog na lang tuloy ako. Hindi ko alam na natulog na pala ako dala na rin ng pagod siguro.

"Kakarating lang natin sa kanto niyo," sabi niya kaya naman napabuntong hininga ako.

"Akala ko naman naghintay pa kayo ng matagal, epal ka hindi mo man lang ako ginising." Sabi ko rito kaya naman nginitian lang ako nito.

"Ang sarap kasi ng tulog mo atsaka sarap mo panoorin habang natutulog ka," sabi nito kaya naman inayos ko buhok ko.

"Pangit ko," sabi ko pa rito.

"Tanggap kita kahit ano pa maging itsura mo," sabi nito sa akin.

"Edi wow," sabi ko.

Akmang bubuksan ko ang pinto ng maunahan ako ni Kuya Roel.

"Salamat po," sabi ko saka naglakad pababa.

"Salamat po ulit Kuya, pasensiya na po lagi sa abala." Sabi ko sa kaniya.

Nginitian lang ako nito.

"Support ako sa inyo ni Jk kaya kung saan siya roon din ako," sabi nito.

"Syempre, loyal 'to si Kuya Roel eh." Sabi ni Jk na nakaakbay kay Kuya Roel dahil nga mas matangkad siya.

"Nag-recruit ka pa talaga," sabi ko rito.

"Wala akong alam riyan bebs," sabi nito kaya hinampas ko siya sa braso pero tumawa lang siya.

"Bahala ka na nga riyan, hinahanap na ako sa amin." Sabi ko para lang makaalis na sa kanila.

Kanina pa ako nagpipigil ng kilig kasi ayoko naman isipin niya na inlove ako masyado sa kaniya dapat lowkey lang talaga tipong hindi masyado halata pero deep inside kinikilig na tayo.

Madali lang naman magpanggap eh.

"Hatid na kita," sabi ni Jk saka inalis ang kamay na naka akbay kay Kuya Roel pero tinapik niya rin 'to.

"Hintayin na lang kita Jk," sabi ni Kuya Roel.

"No need," sabi ko sa kaniya.

"Ihatid na kita para deretsyo na rin ako sa magulang mo,"

"Huh!? For what?" Sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Magpapaalam akong liligawan kita," sabi niya kaya naman naglakad ako palayo sa kaniya.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now