FORTY

23 3 0
                                    

"Where na you beh?" Tanong ni Gwen sa akin.

Nahuli ako ng gising kaya paalis pa lang ako. Tinadtad na nila ako ng chat then nung pag-online ko tumawag agad sa akin si Gwen.

"Paalis pa lang ako, nandyan na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Kanina pa teh," sabi ni Janelle.

"Sige, papunta na ako." Sabi ko sa kanila.

"Dala ka food," sabi ni Janelle.

"Okay lang ba yun para sa'yo if hindi mo naman keri okay lang Ven." Sabi ni Gwen kaya tumango ako.

"That's actually fine with me, sige na aalis na ako. See you, chat ko na lang kayo pagdating ko." Sabi ko rito.

"Chat ka lang kapag nasa gate ka para masundo ka namin Ven, sige na ingat ka sa biyahe. See you mwa." Sabi ni Gwen kaya kumaway na lang ako saka inend ang call.

"Sakto nandyan si Austin, sabay ka na sa kaniya Ven." Sabi ni Ate Elle kaya napakunot ako ng noo.

"Paano ka?" Tanong ko rito.

"Magkasabay kami ni Ate Yla and that's actually fine with him. Sige na para hindi ka na mahirapan pa." Sabi nito.

"Thank you," sabi ko kay Ate Elle saka siya niyakap.

"Pakisabi kay Mama aalis na ako pati kay Ate ha," sabi ko saka kumaway sa kaniya at naglakad na palabas.

Naabutan ko roon si Austin.

"Let's go," sabi ni Austin sa akin saka ako pinagbuksan ng pinto.

"Thank you," nakangiti kung sabi kaya naman nginitian ako nito saka umikot para makasakay siya.

"Blooming ata tayo today ha," sabi nito pagkasakay niya.

"Wala ng stress," sabi ko rito.

Tapos na yung stage na kung saan wala ka halos tulog, wala ka na time para gumala pa at kailangan ang oras mo sa study lang dahil graduating student ka.

"Ganyan lang dapat lagi, reto kaya kita." Sabi nito sa akin kaya umiling agad ako.

Nagsimula na 'to sa pagmamaneho. Buti sa edad niya na yan ay marunong na agad siya mag-drive grabe nakaka-amaze lang sila.

"Pass, last time tropa mo. Nasa tropa mo ang trauma." Sabi ko rito kaya sandali ako nito tiningnan tapos bigla na lang siya tumawa.

"Ako lang hindi trauma sa kanila di ba?" Tanong nito.

"Hindi tayo sure diyan," sabi ko rito.

"Masakit yun sa puso," sabi nito saka humawak sa dibdib niya kaya tinarayan ko siya.

"Ano muna nagustuhan mo kay Ate Elle?" Tanong ko rito kaya natahimik siya sandali.

"Everything about her, lahat ng bagay na mayroon siya gusto ko. Elle confidence, Elle being through to her feelings like sasabihin niya talaga yung gusto niya sabihin. Lahat halos kayong magkakapatid ay straight forward which is good personality." Sabi nito.

Pansin ko nga rin, although may pagkakaiba kami pero masasabi ko na may ilan pa rin na halos magkakapareho kami which is being straight forward to our feeling.

"Alam mo masyado pa maaga para sa love na yan, isipin mo na lang na experience yung nangyari sa'yo. Ang mahalaga may natutunan ka." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

Ang mahalaga sa buhay ay natututo tayo sa pagkakamali natin na sa susunod alam na natin gagawin natin.

"Daan tayo sa drive-tru bibili ako food," pag iiba ko sa usapan.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now