THIRTY-TWO

22 3 0
                                    

"We miss you," sabi ni Gwen saka ako nito niyakap gano'n din si Janelle.

"Na-miss ka rin namin Jk," sabi ni Janelle pagkahiwalay namin sa yakap.

Nagulat na lang ako ng yakapin nito si Jk gano'n din si Gwen kaya nahila niya agad si Janelle.

"Babaita, anong ginagawa mo?" Sabi ni kaya natawa si Jk samantalang ako gulat pa rin.

"Ay hala! Sorry Ven na-carried away lang ako." Sabi nito kaya naman nginitian ko siya.

"Wala naman issue sa akin yun, ask him baka sa kaniya mayroon." Sabi ko saka tinuro si Jk na kalmado na ngayon.

"That's fine, let me hug you guys as a friend." Sabi ni Jk kaya niyakap niya sandali yung dalawa kaya napangiti ako.

Nagulat lang ako sa ginawa ni Janelle pero nung si Jk na yung nagsabi I find it sweet kasi kaibigan ko sila kaya para sa kaniya kaibigan niya rin sila.

"Ang tagal ka namin hindi nagkita, sobrang nag alala rin kami nung malaman namin na may sakit. Gusto ka namin puntahan kaso nga lang hindi namin alam saan ka nakatira." Sabi ni Gwen.

"Totoo yan, wala naman din kami mapagtanungan ng sa inyo. Si Austin sana kaso hindi nagtatagpo ang landas namin kaya sabi na lang namin baka mag-response rin sa chat natin yun baka hindi lang nag-o-online dahil nga sa radiation ng phone." Sabi ni Janelle.

"I'm fine, salamat sa concern niyo." Sabi ko sa kanila.

"Let's have a celebration for this successful project of us, mamaya uwian tayo." Sabi ni Jk kaya naman nilapitan ko siya.

"Libre ba yan," sabi ko sa kaniya.

"Basta kayo kahit araw araw pa," sabi nito.

"Tropa naman na tayo di ba? Libre mo naman kasi palagi ng lunch para hindi na nababawasan pera namin ng frenny ko. Dapat sagutin mo na 'to Ven para madalas tayo may libre." Sabi ni Janelle kaya nakatanggap siya ng sabunot kay Gwen.

"Siraulo ka ba, kasama ka ba sa budget para madalas tayo ilibre mahiya ka nga. Tubuan ka naman ng hiya sa katawan." Sabi nito kaya natawa si Jk.

"Hindi naman ako nililigawan kaya paano ko sasagutin," sabi ko kaya napatingin sila sa akin na may halong pagtataka.

"Did I heard it right?" Sabi ni Gwen na lumapit pa talaga.

"So? Ano kayo? Friends lang din. Hindi kami ang maloloko niyo, alam namin yan hindi kayo lalabas ng dalawa lang kayo kung friends lang kayo dapat kasama kami. I mean hindi dahil sa libre pero if friends lang marami bakit madalas dalawa lang kayo tapos malalaman namin wala pala nagaganap na ligawan." Sabi ni Janelle.

Napapansin ko madalas may sense na mga sinasabi ni Janelle tapos seryoso na siya not unlike before na ginagawa niya lang na biro. Ilang weeks lang ako nawala feeling ko nagbago na si Janelle natutunan na niya maging matured.

"You even kiss," sabi ni Gwen.

"It's just a part of movie," sabi ni Jk.

"But still nag-kiss kayo," sabi ni Janelle.

"Kalma lang kasi kayo, hayaan niyo na kung ano mayroon sa amin ang mahalaga masaya kami." Sabi ko sa kanila saka kumapit sa braso nila.

"See you later Jk, bye." Sabi ko kay Jk saka nagsimula sa paglalakad kaya wala na nagawa kung dalawa kung hindi sumabay sa akin sa paglalakad.

"May utang ka na chismis," sabi ni Janelle.

"Wala akong utang na chismis, atsaka wala naman din akong baon. Kayo na lang ang pagbigay ng chismis sa akin." Sabi ko sa kanila.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now