"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko rito.
Nginitian lang ako nito saka kumaway kay Janelle.
"I invite him since close naman kayo," sabi ni Gwen na kakarating lang.
"Grabe, mahal talaga ako ni Lord. See? John Karlos is here. Mapapanatag na ang aking kalooban." Sabi ni Janelle saka pumalakpak.
"Nandito ako kasi makikikain ako, atsaka isa pa bisita rin ako ni Gwen." Sabi nito saka umupo doon sa upuan kung saan ako unang umupo.
"Uuwi na ako," sabi ko sa kanila saka tumayo.
"Grabe ka naman sa akin Nevaeh, akala ko ba tropa tayo bakit uuwi ka kaagad kakarating ko lang. That's rude." Sabi nito kaya inirapan ko siya.
"Sabihin mo na kung anong gusto mo sabihin basta uuwi na 'ko dahil yun ang gusto ko," sabi ko pa.
"Delikado na kung uuwi mag isa ka lalakad papunta sa sakayan. Baka mapagtripan ka ng mga lasing diyan sa kalsada wala pa naman sila pinipili kapag lasing sila." Sabi ni Gwen kaya napailing ako.
"Okay fine, ano pa ba laban ko sa inyong tatlo." Sabi ko pa kaya naman bumalik ako sa pagkaupo ko.
"Hatid ko na kayo sa may sakayan," sabi ni Jk.
"Ihatid mo na siya hanggang sa kanila kasi may sundo ako eh," sabi ni Janelle.
"No need," sabi ko.
"Wait lang, Janelle samahan mo nga ako may bibilhin lang ako." Sabi ni Gwen saka hinila si Janelle.
"Maiwan ko muna kayo ha, ikaw na muna ang bahala kay John Karlos Nevaeh ha. Saglit lang kami." Sabi ni Gwen saka sila naglakad paalis kaya napatingin na lang ako sa kanila.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman na sinadya talaga nila na maiwan kami na dalawa lang kami, halata sila masyado atsaka isa pa malakas instict ko sa mga gano'n kaya hindi ako ang maloloko nila.
May lahi ata akong tamang hinala.
"What time ka pa nandito?" Pag umpisa nito sa topic kaya napatingin ako sa kaniya.
"I think 2 or 3 ewan ko basta something like that," sabi ko rito.
"Actually hindi naman talaga ako invited rito nagkataon lang na malapit pala rito yung bahay ng pinuntahan ko kaya nagkita kami ni Gwen tapos ayun ininvite niya ako tutal at nandito ka naman daw atsaka pumayag na ako kasi wala rin naman ako gagawin sa bahay." Sabi nito kaya tumango na lang ako.
Napansin ko na napatingin siya sa paligid.
"Kami na lang dalawa ni Janelle naiwan, umuwi na yung ibang kaibigan ni Gwen bawal pala sila gabihin." Sabi ko rito.
Napansin ko lang na siguro hinahanap nito yung ibang bisita ni Gwen.
"Gusto mo na ba umuwi? Gabi na rin baka may kailangan ka pa gawin." Sabi nito sa akin.
"Hintayin muna natin yung dalawa," sabi ko na lang.
"By the way may kabisado ka na sa script?"
"Yep, kaonti pa lang hindi lahat." Sabi nito.
"Same, three pages yun Jk hindi talaga kaya kabisaduhin yun agad." Sabi ko rito.
"Puwede naman kasi gumawa na lang tayo ng line natin na pasok doon sa scene na yun, ano ba alam ng viewers natin sa totoong line talaga na nakalagay sa script." Sabi nito.
"Ang ganda naman ng naisip po Jk pero kailangan pa rin natin sumunod sa kung ano ang nakasulat sa script kaya nga gumawa ng script para gamitin eh tapos gagawa ka ng sarili mo line, gawa ka na rin sarili mo na drama tapos ikaw ang director, script writer, artist, editor, camera man everything ikaw." Sabi ko rito kaya naman tumawa siya.
Nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa drama namin ng sumulpot bigla yung dalawa.
"Wow, saya niyo naman po." Sabi ni Janelle na halatang nang aasar.
"Let's go," sabi ni Jk kaya naman tumayo na rin ako.
"Hinintay lang namin kayo makabalik kasi uuwi na rin kami, gabi na at baka pagalitan na rin ako." Sabi ko kahit nagpaalam naman ako kanila Mama at Papa na baka gabihin na ako ng uwi.
"Salamat sa pagpunta niyo, see you sa school. Ingat sa pag uwi atsaka mag chat kayo pagkarating niyo sa bahay niyo para alam ko." Sabi ni Gwen kaya naman tumango kami ni Janelle saka namin siya niyakap.
"Happy birthday ulit," bati ko bago kami naglakad palabas.
Nauna sumakay sa likod si Janelle kaya napatayo ako.
"Bababa rin kasi ako sa sakayan kasi nga susunduin ako atsaka para hindi na rin hassle pa sa'yo kapag sa front seat ka umupo. Hindi puwede na dalawa tayo rito kawawa si Jk magiging driver ang dating niya samantalang nakisakay lang naman tayo." Sabi ni Janelle kaya wala na akong nagawa kung hind sumakay sa front seat.
May point naman siya sa sinabi niya at dahil siya si Janelle ay tumahimik na lang ako kaysa asarin pa siya kasi nagkaroon din siya ng sense kausap madalas kasi ang labo niya mag isip pero ngayon parang hindi yung Janelle na nakilala ko yung nagsasalita.
"Bakit wala ka pa jowa?" Tanong ni Janelle kaya naman tiningnan ko siya ng masama pero dineadma niya lang ako.
"Kagagaling ko lang halos sa break up," sagot nito.
"Hindi ka pa nakaka-move on?"
"Hindi naman sa gano'n naka-move on na ako kaso ayoko muna," sabi nito.
"May type ka naman siguro sa school di ba? Like, dami roon beauty and brain isa na roon si Nevaeh Montivilla di ba?" Sabi nito kaya naman napairap ako.
Kung magkatabi lang kami ni Janelle kanina ko pa tinakpan bunganga niya sa sobrang ingay niya atsaka sobrang dami tanong.
"Syempre, attractive yung crush ko na yun." Sabi nito kaya tumingin na lang ako sa bintana.
"Sino kaya yung ma-suwerte na babae na yan," sabi ni Janelle.
Sige kunwari ayos lang Janelle pero deep inside gusto mo malaman sino yung babae na yun.
"Ang ingay mo Janelle, nasa sakayan na po tayo baka gusto mo na bumaba." Sabi ko ng mapansin ang mga tao naghihintay sa terminal.
"Ay oo nga, sige na pala alis na ako. Enjoy and ingat." Sabi ni Janelle saka naglakad pababa.
Nakita ko pa na kumaway siya bago ulit pinaandar ni Jk ang sasakyan.
"Ba't ang tahimik mo ata?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Inaantok lang ako," sagot ko.
"Tulog ka muna,"
"No, gusto ko tingnan ang paligid." Sagot ko.
"Let's buy a coffee pampawala ng antok," sabi nito kaya tumango na lang ako.
Nagulat na lang ako ng hawakan ako nito sa noo kaya napaatras ako dahilan para mauntog ako.
"Aray," sabi ko habang nakahawak sa ulo kung nauntog.
Bigla naman hinawakan ni Jk ang kamay ko na hawak yung nauntog kaya napabitaw ako.
Iba na 'tong nararamdaman ko? May iba na talaga.
Dala lang 'to ng antok.
"Sorry, nagulat ka ata sa ginawa ko." Sabi niya kaya inirapan ko siya.
"Ano ba kasi trip mo?" Sabi ko rito.
"Nanibago lang ako sa'yo kaya gusto ko sana i-check kung nilalagnat ka ba." Sabi nito sa akin.
"Wala lang ako sa mood makipag-away sa'yo John Karlos," sagot ko kaya ginulo nito ang buhok ko.
Akala ko ay okay na pero lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa noo.
"Sorry for hurting you," sabi niya saka lumayo kaya naman napatingin ako sa lamesa.
"Lintik, bakit ngayon ko pa 'to naramdaman. Badtrip naman na feelings to." Bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Sabi ko apology accepted," sabi ko saka siya nginitian saka ulit tumingin sa bintana.
"Sana bintana na lang din ako para lagi ka nakatingin sa akin," sabi nito.
YOU ARE READING
𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)
Teen Fiction𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #4 Nevaeh Montivilla is a vlogger and the main content of her vlog was a makeup tutorial or some random about their life. Until one day, she dares to have a 24-hour magjowa challenge with a guy name John Karlos Muri...