TWENTY-TWO

31 3 0
                                    

"Saan tayo?" Tanong ni Jk pagkalabas ko sa room.

Nagkaroon ng urgent meeting kaya naging early dismissal kami. Nang aaya pa si Janelle ng gala pero napansin ni Gwen si Jk kaya nagpaalam na sila na mauuna at sila na lang gagala at inasar pa nila ako na may date raw kami kasi sinundo ako.

"Anong saan tayo? Uuwi." Sagot ko.

Kinuha niya ang paper bag na dala ko kaya napantingin sa amin mga kaklase ko na palabas pa lang pero hindi ko na lang pinansin.

Nasasanay na ako sa pagiging gentleman ni Jk kaya hinayahan ko na lang isa pa nag-e-enjoy naman ako kaya sige na puwede na rin.

"Ngayon tayo mag-la-live tutal maaga pa naman," sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"John Karlos Murillo! Ang hilig mo sa biglaan ano? Hindi mo man lang ako chinat na ngayon natin gagawin para sana handa ako di ba? Paladesisyon ka." Sabi ko rito.

"Malay ko ba na early dismissal pala tayo, plano ko naman talaga na after ng shoot natin on saturday kaso naisip ko pagod na tayo baka hindi na rin kayanin kaya nagpunta talaga ako rito para ayain ka na today na buti nauna pa ako sa'yo lumabas. Sorry na hindi ko agad nasabi." Sabi nito saka ako inakbayan.

"Ano pa ba magagawa di ba?" Sabi ko rito.

"So... It means? Yes?"

"Of course," sabi ko kaya naman ginulo niya ulit buhok ko saka ako ulit inakbayan.

Hindi naman halata na clingy siya as in hindi halata.

"Saan tayo?" Tanong niya ulit.

"Hindi puwede sa bahay," sabi ko rito.

"Sa amin na lang kaso anong sasabihin ko kay Mama, house wife lang si Mama kaya for sure aabutan natin yun na nanonood sa sala." Sabi niya.

"Friend, sabi mo magkaibigan tayo." Sabi ko rito.

"Magtataka yun kasi alam niya hindi ako nakikipagkaibigan sa babae at first time ko lang magpapakilala ng kaibigan na babae." Sabi nito kaya naman napaisip ako.

Gusto ko sana sa bahay na lang para hindi hassle sa part ko kasi siya syempre susunduin samantalang ako hindi abala rin yun for him kasi ihahatid na naman niya ako sa may kanto sa amin, sayang sa gas.

"Hayaan mo ikaw naman ipapakilala ko kaya okay lang," sabi niya kaya naman naglakad na lang ulit kami.

Habang palabas kami panay ang tingin ng mga tao sa amin, nasasanay na ako sa kanila kaya hindi ko na lang sila pinansin pa tutal matagal na rin naman nila kami nakikita na nagkakasama ni Jk siguro naman ay hindi na sa kanila 'to bago.

"Papunta na si Kuya Roel," sabi nito pagkarating namin sa waiting shed.

"Alam mo pansin ko lang ang galing mo mag-memorize ng direction. Kasi di ba? Nag-co-commute ka lang pauwi. Buti kinakaya mo yun." Sabi nito sa akin.

Tinuruan kami ni Papa na matuto mag isa dahil hindi naman daw sa lahat ng pagkakataon sa buhay namin may makakasama kami dahil syempre minsan kailangan matuto kami mag isa which is totoo naman talaga eh kaya dapat alam namin lahat.

"Wala kasi kami sasakyan atsaka mas mura mag-commute atsaka mas masaya rin," sabi ko rito.

"Kung ako yan baka naligaw na ako kasi bobo ako sa daan, madali ko makalimutan." Sabi niya habang natatawa.

"Matalino ka di ba?"

"Wala pa rin papantay sa pagiging matalino mo," sabi niya sa akin.

"Sige para tie, we both brainy with our own way." Sabi ko kaya tumango siya.

"Ganyan dapat," sabi nito kaya naman tumango lang ako.

Tinanggal nito ang kamay niya na nakaakbay dahil tumigil sa tapat namin si Kuya Roel kaya naman pinagbuksan ako nito.

"Thanks," sabi ko pagkasakay ko.

"Hello po Kuya Roel, it's me again." Bati ko rito.

Baka mamaya nagtataka na sa akin si Kuya Roel kasi madalas na lang niya nakikita pagmumukha ko, baka sawa na siya.

"Ikaw pala yan Nevaeh," sabi niya sa akin.

Sinabi ko sa kaniya na Nevaeh na lang itawag sa akin wag na Ma'am since hindi naman niya ako amo.

"Bakit po? May iba po ba sinasakay dito si Jk bukod sa akin?" Tanong ko rito kaya napatingin agad sa akin si Jk kahit hindi ko tingnan naramdaman ko na napatingin siya sa akin.

"Isang beses si Elaine kilala mo naman ata yun tapos bukod roon wala naman, ikaw nga ang madalas eh." Sagot nito.

Siguro nung last time na iwan ko sila. Like nilibre ko siya tapos iiwan ko rin, sige na dala lang ng selos yun kaya ako nag walk out kasi naman nag uusap sila ng gano'n samantalang nandoon ako like ang sakit lang sa heart.

"Saan tayo Jk?" Tanong ni Kuya Roel.

"Deretsyo na po tayo sa bahay,"

"Kasama si Nevaeh?" Tila gulat na tanong ni Kuya Roel.

Sino ba naman kasi matino na babae pupunta sa bahay ng lalaki baka gano'n na nasa isip ni Kuya Roel, mamaya isipin niya iba na kabataan ngayon. My gosh! Wala po yun sa isip ko.

"Kuya Roel yung tingin na yan ha, we are doing colaboration po." Sabi ko rito kasi naman nakangiti siya na-concious ako bigla.

"Sakto at nandoon ang buong pamilya ni Jk," sabi ni Kuya Roel kaya na-pressure ako bigla.

Maayos lang kaya itsura ko, mabango kaya ako kaya agad ko inamoy ang sarili ko.

"Oh my gosh Kuya Roel, kinakabahan ako." Sabi ko rito.

"Nandito ako, don't worry mabait sila hindi ka nila kakainin." Sabi niya kaya hinampas ko siya.

"Kainis ka, mas lalo ako kinakabahan sa'yo buwisit na 'to." Sabi ko sa kaniya kaya bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko.

"Hija, ba't ka naman kinakabahan. Hindi naman kayo magkasintahan sabi niyo nga magkaibigan kayo ipapakilala ka lang naman ni Jk bilang kaibigan tapos gagawa kayo ng collaboration niyo. Hindi naman iisipin ng magulang ni Jk na pumunta ka dahil lang trip mo. Isa pa hindi yan kagaya ng iniisip mo." Sabi ni Kuya Roel kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi kita pababayaan, magtiwala ka sa akin. Tingin ka lang sa guwapo ko na mukha para matawa ka." Sabi niya kaya tiningnan ko siya kaya natawa ako.

Effective nga.

Pero tawa yun ma may halong kilig kasi naman ba't ang guwapo niya tapos hawak niya pa kamay ko. Ano ba yan, paano ako nito makaka-move on.

Bumawi na lang ako sa next life. Baka roon hindi na ganito role ko, baka roon ako ang hinahabol eme lang.

Binitawan na nito ang paghawak sa kamay ko saka mas lumapit sa akin saka isinandal ang ulo sa balikat ko.

"Sabihin ko na lang kaya kay Mama at Papa na girlfriend kita para hindi ka na kinakabahan," sabi nito kaya mabilis na tumibok ang puso ko.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now