NINETEEN

30 3 0
                                    

"Anong gusto mo?" Tanong ko rito.

"Ikaw na bahala," sabi nito.

Dapat sa unli wings kami kaso sarado pala sila kaya naghanap na lang ako ng iba pa.

"Sure ka?" Tanong ko pa.

"Oo, kahit ano naman okay lang basta ikaw pumili." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

"Hanap ka na roon ng puwesto," sabi ko rito habang nakapila.

"Ako na bibili," sabi nito.

"Tatawagin na lang kita kapag kukunin na order, dali hanap ka na puwesto." Sabi ko pa rito saka siya mahina tinulak kaya wala na siya nagawa kung hindi maglakad paalis.

Napansin ko na dumadami na rin ang mga tao. Nandito kami sa parang open space Park na kainan since pagabi na at gusto ko ng hangin ay dito ko siya naisipan dalhin. Nag-text din ako kay Mama na male-late ako ng uwi para hindi na rin nila ako tawagan pa.

Pareho na lang ang inorder ko para sa amin ni Jk tutal tinatamad ako mag isip ng kakainin niya kaya parehas na lang kami.

"Thank you," sagot ko pagkatapos magbayad.

Patakbo akong lumapit kay Jk habang nakatingin 'to sa paligid.

"Tapos na?" Tanong nito saka tumayo kaya tumango ako.

"Ang nice rito as in," sabi niya.

" I told you maganda rito tapos mura pa," sabi ko sa kaniya.

"Halatang nagtitipid, student budget talaga siya." Sabi nito kaya tumango ako.

Bitbit niya ang order namin saka kami magkasabay na naglakad pabalik sa puwesto na nahanap niya.

"Thank you," sabi ko saka umupo habang siya naman nilalapag ang pagkain namin.

Bigla ko naisip na picturan kaya ginawa ko.

"Let's have a picture," sabi nito kaya nag-smile na lang ako dahil nakatutok na pala ang cam.

Pinicturan niya rin ako ng mag isa kaya naman hinayahan ko na lang siya.

"Bago ang lahat hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi mo kanina," sabi nito saka nakangiti kaya inirapan ko siya.

"Sinabi ko lang yun para manahimik ka, ingay mo kasi lalaki pa man din." Sabi ko rito.

"At least guwapo," sabi niya saka nag pogi sign.

"Ikain mo na lang yan," sabi ko pa.

"Salamat sa libre, ngayon alam ko na feeling na mai-libre madalas kasi ako ang nanlilibre." Sabi nito kaya nginitian ko lang siya kaya nagsimula na kami kumain.

Nag uusap lang kami tungkol sa hula namin sa pagiging flow ng story ng matigil kami dahil napansin ko ang reaksyon ni Jk.

"Bakit?" Sabi ko rito saka napalingon kaya naman napakunot ako ng noo ng mapansin ang babae na pamilyar sa akin.

Wait, I saw her. Saan ba yun? Oh my gosh. I knew it sa Mall magkasama sila ni Jk.

So... Ibig sabihin, siya si Elaine yung ex niya kaya pala ganyan na lang ang reaksyon niya.

"Hi guys," bati niya sa amin pagkalapit niya kaya naman natulala ako kasi nabigla ako sa pagsulpot niya.

"Hey," sabi niya pa saka tinapik sa balikat si Jk dahil hindi na siya umimik pa.

"Ikaw pala Elaine," sabi ni Jk ng matauhan siya.

"Yes it's me again, by the way you must be Nevaeh right?" Sabi niya kaya napakunot ako ng noo.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now