TWENTY-NINE

25 3 0
                                    

"Ma, wala naman ako gagawin dito." Sabi ko rito kaya naman umiling siya.

"Stay here Nevaeh," sabi niya kaya natahimik ako.

Nagagalit na yan si Mama kasi bigla na lang ako nilagnat kagabi hindi ko alam. Sakto naman pumasok si Ate Yla kasi may hihiramin dapat siya kaso hindi raw ako nag-response kaya pumasok na lang siya bigla tapos napansin niya agad na ginaw na ginaw raw ako kaya agad niya ako nilapitan at ayun nalaman niya na nilalagnat na raw pala ako. Kaya ang ending nandito si Mama sa kuwarto ko natulog at binantayan ako dahil nga hindi raw siya mapapalagay na hindi niya ako bantayan.

"Kaya ko na sarili ko, pumasok ka na po." Sabi ko pa saka umayos ng upo.

"Nevaeh, sinong matino na magulang ang iiwan mag isa ang anak ng nilalagnat. Mag aalala lang ako kaya hindi na lang ako papasok. Mahirap pumasok tapos ang isip ko nandito sa iyo." Sabi pa niya kaya mapabuntong hininga ako.

Ano pa ba ang magagawa ko. Nanay ko na yan nagagalit na kaya kailangan ko manahimik. Kapag ganyan si Mama mananahimik na lang ako kasi wala rin naman akong magagawa sasama pa loob sa akin ni Mama kaya wag na lang po.

"Bumaba ka na lang at magluluto ako ng makakain mo para makainom ka ng gamot," sabi ni Mama.

"Thank you Ma," sabi ko kaya nginitian lang ako nito saka naglakad palabas.

Nag ayos ako ng sarili at ng kuwarto para hindi lang ako nakahiga at ng ako ay matapos ako saka ako naglakad pababa.

"Kumain ka na nak, pagbubuksan ko lang yung kumakatok." Sabi ni Mama saka nilapag ang sopas sa lamesa rito sa sala.

"Sino kaya yung bisita na yun?" Tanong ko sa sarili ko.

Bisita ni Mama yun kasi ako wala naman may alam ng bahay ko na kaklase or kahit yung dalawa tapos si Jk hanggang kanto lang alam niya pero wait...

Napatakbo agad ako sa taas ng ma-realize na hindi ko nasabi kay Jk na may sakit ako, alam kung mag aalala yun once hindi man lang ako nakapag-chat sa kaniya.

"Ven? May bisita ka." Sigaw ni Mama kaya naman napakunot ako ng noo.

"Bisita? Sino?" Sabi ko sa sarili ko pero nagmadali akong kunin ang phone ko saka naglakad pababa.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila.

Si Austin atsaka si Jk nandito sa bahay.

"Ano ka ba nak, bisita yan sila. Sige na mga hijo kumain muna kayo. Samahan niyo si Ven na kumain." Sabi ni Mama kaya naman naglakad ako palapit sa kanila.

"Salamat po Tita," sabi ni Austin.

"May sakit yan si Ven kaya hindi ko na pinapasok, nag aalala lang ako sa kaniya kaya pati ako hindi na lang pumasok dahil nga hindi rin ako mapapalagay na iwan siya rito mag isa." Sabi ni Mama.

"Kaya naman pala," sabi ni Jk saka ako tiningnan kaya umupo ako sa isang sofa.

"Sige na muna at maiwan ko muna kayo," sabi ni Mama kaya naiwan kami.

"Nag alala ako sa'yo ng sobra, nag-chat ako wala ka ng response. Pinasuyo pa kita kay Austin na sabi ko paki-chat naman si Ate Elle kung anong ginagawa mo bakit wala man lang response si Ven samantalang okay naman kami. Gabi ko na malaman na may sakit ka pala. Baka napagod ka sa shoot natin kaya nilagnat ka." Sabi ni Jk saka ginulo ang buhok ko.

"Ehem, mawalang galang lang po ha. Pumayag ako samahan ka basta wag lang sweet. Ayoko maging third wheel." Sabi ni Austin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Palalayasin ko kayo rito," sabi ko pa kaya natawa sila.

"Hindi puwede nagagalit ang may sakit hindi ka gagaling sige ka hindi ka makakapasok," sabi ni Austin kaya naman tinarayan ko sila.

𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗥𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #4)Where stories live. Discover now