Finally!

774 21 0
                                    

Sa wakas, nakarating din ako sa dream destination ko. Pero hapon na at nakakapagod ang byahe. Grabe sumakit ang likod ko, nakakangalay!

Buti nalang at nakapag arranged ako ng sasakyan ko papunta sa tutuluyan ko, hindi ko pa naman kabisado tong lugar.

OMG! Ang ganda talaga ng beach resort na to! 1 week akong magpapahinga dito. Buti nalang at ito ang napili ko. If you will ask, andito ako ngayon sa Saud Beach. First time ko dito at talaga namang nakakamangha yung paligid. Hindi kasi ako mahilig mag beach kaya sobrang na-appreciate ko talaga to.

Dumiretso na ako sa Room ko and parang condo type yung loob. May queen side bed, mini sala, kitchen, cr at the best ang veranda. Palubog na ang araw, parang mas masarap magpahinga sa may buhangin para makita ko ang papalubog na araw.

Ang refreshing ng hangin grabe! Parang nakalimutan ko na kung saan ako galing pati mga problema ko at ayoko ng umalis dito. Pero alam ko naman na lahat ng saya ay may kapalit na lungkot. Sabi nga nila walang permanente sa mundo.

Habang nagpapahinga ako sa tabing dagat, kausap ko sa phone yung tour guide. Yes! May tour guide tayo syempre para naman makapasyal at makalibot tayo dito.

Bigla kong naisip, andito ako sa home town nya. Makikita ko kaya sya? Ayokong umasa pero sana. It will be the best birthday gift! Kaarawan ko na sa November 14, sana talaga makita ko sya kahit hindi malapit na malapit. Wala ewan ko, hindi naman sa malandi ako, sadyang hinahangaan ko lang sya. Uy wag nga kayo! Porkit ba may anak na bawal na magka crush? Hello, I'm 26 turning 27 - Single. Hahahaha!

Pumasok na ko sa room ko nung nakita ko sa phone ko na 6pm na. Kailangan ko na magpahinga dahil may gala pa ako bukas!

Nakaligo at nakapag bihis na ako. Nakahiga na ako at ready ng matulog pero naisip ko mag FB at Tiktok muna. Scroll scroll lang hanggang makatulog.

Nakita ko na namimigay sya ng mga groceries kasama ang Team Marcos at dumadalaw sa mga barangay na nasasakupan nya. Nasan kaya sya ngayon? Nagpapahinga na kaya sya? Ano kayang iniisip nya?

Nakatulog na rin ako kakaisip sakanya....
























*Haluuu haluuu! I hope hindi kayo nabobored sa story. Promise may mga ganap na sa susunod! 😁
Follow me!





Day Dreamer (Book 1)Where stories live. Discover now