Unexpected

673 22 3
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga rin akong nagpahinga kahapon dala na rin ng pagod. Siguro eto na yung chance ko ma enjoy itong beach.

Nagbihis ako at pumunta sa resto ng resort para mag agahan. In fairness ang refreshing talaga ng hangin dito nakaka gana magpahinga habang nag aalmusal. Take your time lang, matagal pa naman ako dito.

Napaisip ako, parang gusto ko ulit pumunta ng Bangui pero siguro mamayang hapon nalang para hindi mainit. There's something inside me na nagsasabi sakin na pumunta ako don. Ewan ko ganon yung pakiramdam.

Pagkatapos ko mag almusal ay pumunta ulit ako sa tabing dagat, hindi po ako naka swimsuit hehe! I don't have the confidence kaya tamang shorts and top lang ang suot ko then slippers.

After ko magpahangin at maglakad lakad ay andito na ulit ako sa room ko para mag ayos ng mga gamit ko at maglinis ng konti. Pagkatapos ay naligo na ako at nagprepare.

2pm. Pwede na ako umalis nito since hindi ko naman kabisado ang papunta don, sakto lang siguro ang dating ko don.

4pm ng makarating ako dahil naglibot libot pa ako.
Ang laki at ang taas ng mga Wind Mills na to. Actually makikita mo din sya sa ibang part ng IN kahit hindi mismo kung saan ako nakatayo.

Naalala ko si BBM ang may proyekto nito noon, nakita ko sa mga vlogs nya sa YT. Nakakamangha at sadyang nakaka proud naman talaga, kaya mahal rin talaga sila ng mga Ilocano.

Naglakad lakad lang ako sa buhanginan habang nagvivideo ng paligid at pinagmasdan ko ang dagat na napaka lawak. Malayo layo na rin ang nalakad ko habang nag iisip at nagpapahangin. Babalik na ako kung saan ako nagsimula. Pagtalikod ko ay may nakita akong mga tao kung saan ako nanggaling at kung hindi ako nagkakamali ay papunta rin sila dito sa Wind Mills. Kanina ako lang dito mag isa e. Napaka payapa.

Papalapit na ako sa mga taong kararating lang. Kinabahan ako dahil pakiramdam ko ay familiar ang figure nung isang tao. Nakataas ang buhok, naka maong pants at red shirt. Hindi kaya?

Binagalan ko ang lakad ko dahil nahihiya ako na maka istorbo. Maya maya pa ay nakita kong papalayo na yung mga lalaking naka white shirt. Naiwan yung naka pula. Nang makalapit ako ng kaunti ay hindi na ako naka hakbang pa, para akong napako sa kinatatayuan ko ng makilala ko kung sino ang lalaking nakatayo. Pero sa loob loob ko ay gusto kong sumigaw.

Maya maya pa ay lumapit ako sakanya, napalingon naman sya sakin ng may pagtataka. Hindi nya siguro ako napansin kanina dahil wala naman talagang tao ngayon.

"Hi Sands!" bati ko sakanya. Alm kong ayaw nyang tinatawag na Sir, kaya naging casual nalang ako.

"Hello!" at kinawayan nya ako ng marahan.

"Pwede bang magpapicture?"

"Sure, sure!" sabi nya

Napatalon ako sa tuwa nang pumayag sya dahil hindi ko talaga akalain na dito ko pa sya makikita. After 3 takes ay huminto na ako.

"Thank you" sabi ko sakanya

"May bayad yun" nakatawa nyang sagot sakin na pati ako ay napatawa na rin

Like OMG! I really can't! Parang hindi ako makahinga, mali, parang pinipigilan ko yung paghinga ko.

"Lagi ka dito? Ang ganda pala dito sa hometown mo" sabi ko.

"First time?" tanong nya sakin

"Ah... yes?" parang hindi ako sure sa sagot ko pero ang totoo nahihiya ako. Mga PSG pala ang kasama nya kanina.

"Minsan pumupunta talaga ako dito para magpahangin, lalo na at gusto kong mag isip at mapag isa". biglang paliwanag nya.

"Aalis na ba ako?" pabiro kong sagot

"No! You can stay here. Besides wala namang ibang tao and enjoy your stay here sa Ilocos. Taga san ka? Are you from Manila?"

"Actually I'm from Bulacan. Naka leave ako sa work kaya nag decide ako na mag unwind muna and dito ako dinala ng isip ko." Ngiti kong sagot sakanya habang nakatingin sa dagat. Ang gwapo nya at mas matangkad sya sakin ng bahagya, nahihiya ako na titigan yung mukha nya.

"I see. So you are escaping from reality." bulong nya

"Ah hehe oo parang ganon na nga." natatawa kong sagot. Nakakahiya talaga.

"Where are you staying here?"

"Ah sa Saud Beach. Ang ganda nga don e. Maganda rin dito. Parang ayoko na nga umalis dito sa Ilocos kaya lang hindi pwede" sagot ko sakanya.

"Haha! Right. We really need to go back to reality kung anong totoong buhay natin."

"Oo tama." yun nalang ang nasabi ko dahil tama naman talaga sya.

"Sige mauna na ako. Aalamin ko pa kasi kung paano ako babalik sa resort." pagpapaalam ko sakanya. Sumabay naman sya sa paglalakad.

"Alis ka na rin?" Tanong ko sakanya.

"Yes, pagabi na rin and I have to go out with my friends kasi namiss ko sila. Gusto mong sumama?" alok nya sakin.

"Nako hindi na. Hindi ako mahilig gumimik e." nahihiyang sabi ko. Nakakahiya tumanggi pero mas nakakahiya sumama dahil hindi ko kilala yung mga kaibigan nya. Isa pa ang expensive kaya neto gaya ng sabi ng marami.

"I know what you're thinking. Hindi kami iinom kakain lang."

"No hindi na talaga. I'm good. Isa pa I'm happy kasi nakita kita dito. Hindi ko talaga ineexpect. I'm one of your fans!" ang lawak ng ngiti ko habang sinasabi ko yan. Hindi ko alam parang kinikilig ako na ewan. Ang totoo gusto ka pa talaga sya makasama.

"Ok fine. Tara sumabay ka na sakin, idadaan kita sa resort."

I said, "Thank you" mukhang hindi na rin naman ako makakatanggi pa. Ngayon ko lang sya natignan ng matagal at mukhang pagod na pagod sya at ang daming dinadala. Hmmmm.

I'm so glad that I finally met you, my fantasy.


To be continued......













*Ayan ha? bawing bawi na siguro ako sa part na to dahil sa mahaba kong intro na walang ganap! Hehe. Actually unexpected din yung haba nito. Di ko napansin na ang haba na pala. Thanks for reading! Please follow me 😊😊😊

Day Dreamer (Book 1)Where stories live. Discover now