District Work

587 26 1
                                    

SAM'S POV

4am

Hays body clock. Ang aga ko nanaman nagising.
Naghilamos ako at nagpalit ng damit. Pupunta muna ako sa restobar ng resort para makapag breakfast.

While waiting for my order, nagcheck muna ako ng phone. May notification from sandromarcos7. Wow? Nahanap nya ko agad sa IG, well actually I already followed him na. He commented on my post greeting me a Happy Birthday. Oh my! Nakakakilig 😊 I just replied thank you. Ang swerte ko naman talaga, I'm so happy and para akong tanga na nakangiti habang nagbbrowse sa phone ko.

Then I received a message sa telegram. Unknown number.

"Hey, good morning! Are you awake?"

Hmm. Sino naman kaya to? Baka mamaya scam to na nanghuhula ng mga numbers tapos imemessge ka or minsan tatawag tapos manghihingi ng load. Haha! Buti nalang napasa na sa batas yung sim card registration. Syempre dapat updated tayo sa Congressman natin. O natin sabi ko ah, hindi ko inaangkin haha! Ay ano ba yan. Aga aga sya nasa isip ko. Hindi ko muna nireplyan yung number since hindi ko sya kilala. Kumain muna ako since dumating na yung order ko.

Infairness ang fresh ng sea food and bagong luto. Hay ang sarap lang talaga ng ganitong buhay, yung wala kang iniintindi at hindi mo na kailangan magtrabaho pero may pera ka. Pero imposible naman yun kasi hindi naman ako mayaman. While eating, my phone vibrates and pagcheck ko may notification nanaman from the same number.

"Hey please be ready before 7am, I will pick you up. See you!"

OMG. Don't tell me? Teka saan nya nakuha ang number ko? Hmm. I think it's time na to reply for confirmation kung sya ba talaga to.

"Hi good morning. Sandro?" message sent.

*On Telegram:

Unknow number: Yes it's me. Haha! Sorry to wake you up.

Sam: No, it's ok. I'm already awake. I promise to be ready before 7. See you :)

I saved his number. Aw, so sweet! Ano ba yan kinikilig nanaman ako! Haha! Tinapos ko na yung pagkain ko and bumalik na sa room ko. Naghanap ako ng susuotin, hmm. For sure pagpapawisan ako sa lakad na to since normally ang nakikita ko is sa mga covered court sila nagkakaroon ng program. So I chose to wear a maong pants, still a comfy shirt and rubber shoes. Niready ko din ang sling bag and cap ko. Ok na to, hindi ko naman kailangan maging bongga. After ko mag ayos ng gamit ay naligo na ko.

Nakabihis na ko and all. Naglagay ng liptint and powder sa mukha. Hindi ako pala make-up na tao saka nakakahulas lang din since mainit sa Pilipinas.

Time check 6:30 AM. I still have few minutes para maghintay then I received a message saying na papunta na sya. Parang gusto ko nanaman magwala sa kilig. Charing! HAHAHA!

Anyways, grabe ang bait naman talaga ni Sandro. Yep crush ko sya, pero alam ko naman na malabong maging akin isa pa hindi nya ako magugustuhan dahil may anak na ko at hindi rin ako galing sa kilala at mayamang pamilya. Natigil ako sa pagiisip ng may tumawag sa telephone ng hotel.

*On the phone

"Hi Ms. Cruz this is the Saud Beach reception. I just wanted to inform you ma'am na andito na po si Congressman Sandro Marcos. Baba na daw po kayo sa may lobby."

I said thank you to the girl. Grabe! Pinatawagan pa ako sa phone pwede naman mag message nalang, baka mamaya machismis pa ako huhu mahirap na. Well of course bumaba na rin ako after ng phone call.

Nang makarating ako sa reception nakita ko naman sya agad. Ang gwapo talaga kahit na simpleng polo shirt at maong lang ang suot nya. Shit! Naka shades pa nga kahit ang aga pa. Ow em! Ang lakas ng dating. Hindi ko namalayan na napatulala pala ako habang pinagmamasdan ko sya. At sya na nga mismo ang lumapit sakin para sunduin ako.

Day Dreamer (Book 1)Where stories live. Discover now